^

PSN Showbiz

Dina, nag-react sa result ng MMFF

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
As much as possible, ayaw nang magsalita ni Dina Bonnevie sa aksidente ng anak nila ni Vic Sotto na si Oyo Boy. "Si Vic na lang ang tanungin n’yo tungkol d’yan, wala akong alam, I don’t know. Wala ako rito nang mangyari ang aksidente," she said after the presscon of American Adobo last Thursday over lunch.

"Saka ini-emphasize ko lang na walang tinatakbuhang responsibilidad ang anak ko. Actually, nagpunta pa si Vic kung saan nangyari ang aksidente," she added.

May mga lumabas kasi na hindi tinutulungan ni Oyo ang nakabangga nila although ayon sa investigation, wala namang kasalanan ang anak nila ni Vic sa nangyari. "Tinutulungan naman sila kasi, pasasalamat na rin na walang nangyari kay Oyo Boy," she said.

Nakapangalan kay Kristine Florendo ang nabanggang car ni Oyo Boy. "Si Vic na lang ang tanungin n’yo. I really don’t know dahil wala nga ako rito. Last Christmas nasa akin ang mga bata, every New Year talagang na kay Vic dahil alam naman niyang may asthma ako kaya out of town ako," paliwanag niya.

Anyway, ayaw na rin sanang magsalita ni Dina tungkol sa katatapos na Metro Manila Film Festival, pero napilit siya. Zero as in empty handed kasi silang umuwi sa MMFF "Gabi ng Parangal." "Kahit man lang sana best make up nanalo kami. Pinaghirapan din naman namin ‘yung pelikula," natatawang comment ni Dina.

Sa kanyang sariling opinyon, dapat din sanang nanalo as best actress si Amy Austria sa Bagong Buwan or si Caridad Sanchez as best supporting actress. "Siguro pinili ng mga judges ‘yung pinakamagaling para sa kanila."

At any rate, sabay magpi-premiere sa US and Metro Manila ang American Adobo, isang pelikulang inaasahang mago-open ng door sa Filipino films sa abroad, directed by Laurice Guillen and written and produced by distribution executive Vincent Nebrida and ABS-CBN and released by Outrider Pictures.

Ang US ang nananatiling world’s biggest market at pinaka-mahirap maka-penetrate lalo na nga at napakaraming American movies ang nag-aagawan para sa theatrical distribution. Only few make it theatrically. Kaya isang malaking balita at isang importanteng pangyayari sa local movie industry na ang isang Filipino film like American Adobo ay ipalalabas sa US.

May premiere night ang pelikula sa Rockwell Center on Monday.
*****
Tomorrow January 6, 3:00 p.m., may big event sa Amoranto Stadium Multi Purpose Hall. Almost 300 street children mula sa ilang depressed areas ang magiging part ng nasabing kasiyahan - gift giving and food distribution na offer ng Manhattan Asia Films, producer ng pelikulang Mga Batang Lansangan... Ngayon starring Shaina Magdayao, Joko Diaz, Bobby Andrews, Sunshine Dizon at ang newcomer na si Joanna Gonzales, written and directed by Jose Carreon.

Intended sa Metro Manila Film Festival ang pelikula pero sad to say hindi ito nakasama. Actually, point lang daw ang lamang ng pelikulang na 7th slot ang pelikula ng Manhattan Asia. Anyway, okey lang sa lady producer, Valerie Von Such. Naniniwala siya na blessings in disguise ang hindi pagkakasama ng kanilang pelikula sa film festival na ngayon ay controversial. Actually, showing na ang pelikula since Thursday.

Kino-consider ng produ na special treat ang Mga Batang Lansangan...Ngayon sa mga batang patuloy na namumuhay sa lansangan dahil sa kahirapan.

Guest speaker sa nasabing big event si DSWD Secretary Dinky Soliman, QC Mayor Sonny Belmonte, Caloocan Mayor Rey Malonzo, PCSO Chairman Ma. Livia Honey S. de Leon at Ms. Jolina Magdangal.
*****
Pinaka-last na na-pirate sa VCD ang pelikula ni Mikey Arroyo, Di Kita Ma-Reach. Last week pa kasi available ang pirated copy ng ibang entry sa Metro Manila Film Festival na ibinibenta sa halagang P60.00. Puwede mo pang tawaran hanggang P55.00.

Ayon sa isang tindera, pinaka-mabenta sa kanila ang pirated copy ng Yamashita kahit sinasabi pa nilang hindi pa gaanong malinaw ang kopya.

Ang bilis nang ginawang pamimirata sa mga nasabing pelikula na nagsimula lang ipalabas sa mga sinehan last Christmas. Ayon sa ilang observer, siguradong may mga insider na kasabwat ang mga namimirata.
*****
Email: [email protected] / [email protected]

AMERICAN ADOBO

AMORANTO STADIUM MULTI PURPOSE HALL

AMY AUSTRIA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MGA BATANG LANSANGAN

OYO BOY

PELIKULA

SI VIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with