^

PSN Showbiz

Pagtulog lang ang problema ni Cogie

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Akala nami’y lumitaw na kometa sa katanghaliang-tapat sa kahabaan ng EDSA sa papuntang Cubao nu’ng minsang mapadaan kami du’n dahil sa sabay-sabay, na pagtingala ng mga kababaihang nadaanan namin.

Nakatingala talaga sila, may kung anong itinuturo, at kapag ganu’n ay mapapagaya ka na rin sa kanila sa pagtingala.

Walang kometa, wala ring nagbabagsakang bulalakaw mula sa kalangitan, isang malaking billboard pala ng guwapong young actor na si Cogie Domingo ang kanilang sinisipat.

Ang guwapo-guwapo nga naman kasi ni Cogie sa pagkakatayo habang naka-jacket na itim ng Penshoppe, buhay na buhay ang kanyang itsura, lutang na lutang ang kanyang kakisigan.

Kapag papunta kami sa Makati mula sa Cubao ay ritwal na para sa amin ang lumingon sa kanan kapag napapadaan kami sa tulay ng Guadalupe.

Mas malaki kasi ang billboard ni Cogie na nandu’n, para siyang buhay na buhay sa napakalaking billboard na ‘yun na pati ang maganda niyang pares ng ngipin ay kitang-kita sa kanyang pagkakangiti.

Alagang-alaga nga ng Penshoppe ang guwapong binata dahil palaging bago ang mga billboard niyang makikita sa mga abalang lansangan.

Malakas kasi ang panghatak ng guwapong aktor sa mga fans na babae at hindi rin nagpapahuli ang mga kabataang lalaki sa paggaya naman sa kanyang porma.
* * *
Madalas naming makasama ang mag-inang Mommy Zennie at Cogie sa mga lakaran. Kung minsan nga ay lumilipas ang oras sa pagkukuwentuhan lang, dahil napakagandang sulatin ang buhay ng sikat nang batang aktor ngayon.

Si Cogie, kapag nakakagawa ng mga bagay-bagay na nagpapainit ng ulo ng kanyang ina bilang bahagi ng kanyang kabataan, ay mabilis humingi ng dispensa.

Kapag umalis na siya ng bahay ay asahan mong may mga ginawa na siyang sulat para kay Mommy Zennie, nanghihingi na siya ng sorry sa kanyang maling ginawa, at may kasunod pang mensahe ‘yun sa text.

Hindi pa man nakalalayo ang binata sa kanilang bahay ay naka-text na agad siya kay Mommy Zennie, nangangakong hindi na mauulit ang kanyang ginawa, dahil nalulungkot ang mommy niya.

"He’s so easy to love, he knows how to say sorry when he’s at fault, saka pagalitan mo man siya, he doesn’t answer back," pahayag sa amin ng ina ni Cogie.

Pagtulog lang ang tanging problema ng ina ng binata tungkol sa kanyang anak, palibhasa’y disi-sais anyos pa nga lang si Cogs, masyado siyang matakaw pa sa tulog.

‘Yun lang ang pinag-aawayan nilang madalas, napakahirap daw gisingin ng kanyang bunso, kaya madalas na sumasabit ang kanyang schedule sa shooting at taping.

"Pero ang sarap-sarap niyang maging anak, napaka-thoughtful at maalaga sa kanyang mga kapatid.

"Kapag kumikita siya, kung ano ang pinamili niya, meron din ang kambal niyang kapatid at pati ang mga friends niya," kuwento uli ni Mommy Zennie.

Masuwerte ngang maituturing si Cogie dahil hindi lang siya guwapo, magaling pa siyang umarte, mga katangiang bihirang matagpuan sa isang personalidad lang.

COGIE

COGIE DOMINGO

CUBAO

KANYANG

KAPAG

MOMMY ZENNIE

PENSHOPPE

SI COGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with