^

PSN Showbiz

Weekends with Pops

- Veronica R. Samio -
Nanonood ng isang konsyerto ang isang grupo ng magkakaibigan. Maganda ang palabas, maganda ang repertoire, magaling ang performer pero nakatapos at nakatapos ang palabas na ang pakiramdam nilang lahat ay parang bitin pa sila. Dito nila naisipan na itatag ang Arian Works Management Corporation na inaasahan nilang magpupuno ng kakulangan sa mga local concerts.

Ang grupo ay pinamumunuan ni Noli Eala bilang pangulo at moving force ng Arian Works. "Our responsibility is essentially three-fold, first to the paying public to upgrade events staging, second, to the artists, to enhance and bolster their image and ensure that the message of their performance is properly conveyed and third, to advertisers to provide quality shows and ensure maximum media value and exposure for them," ani Eala.

Ang iba pang kasapi ng ArianWorks ay sina TJ Manotoc, anak nina Tommy Manotoc at Aurora Pijuan at editor ng popular publication na FWD Magazine; Irene Moje, commercial and ramp model at fashion show producer; Justin Reyes, anak ng dating aktor na si Hector Reyes bilang marketing mgr.; Vonnel Mirandilla may-ari ng isang travel business bilang prod. mgr., ang media man na si Ben Evardone at isang pang negosyante, si Willie Marcial.

Para sa kanilang first venture, ihahandog ng ArianWorks ang isang konsyerto na magtatampok sa Concert Queen na si Pops Fernandez sa isang concert series na pinamagatang Weekends with Pops. Mapapanood ito sa lahat ng Biyernes at Sabado ng Enero 2002 sa OnStage sa Greenbelt Makati.

Para makasiguro ng isang magandang panoorin, Arian Works has assembled some of the most successful talents to guest in the show. Gaya ni RJ Rosales, Franco Laurel, Robert Sena, John Lapus at Aiai delas Alas. Gagampanan ni Aiai sa show ang role ng isang glamorosa, high tech at nakakatawang chambermaid ni Pops. Magkakaroon din siya ng song numbers at isang spectacular duet with Pops.

May duet din si Pops sa mga male guests niya.

May mga surprise guests din every weekend. Si Floy Quintos ang stage director at si Homer Flores ang musical director.
*****
Obviously, isang comedy ang Burles King Daw (Daw...O!) ng FLT Productions na nagtatampok kay Andrew E. sa role na ginampanan noon ni Ina Raymundo sa Burlesk Queen.

"Naghubad din ako rito, lumabas sa cake at nag-striptease. Lahat ng ginawa ni Ina sa kanyang movie. Di ko lang alam kung mas erotic ang magiging dating ko kaysa kay Ina. Sinunod ko lang ang utos ni Direk Ipe Felino," ani Andrew E.

Ang malaking kaibhan nga lamang ay buong likod ang ipinakita rito ni Andrew sa halip na frontal.

Ang maswerteng si Long Mejia ang napiling maging sidekick ni Andrew E. Ka-istilo niya ng pagpapatawa ang mga nasirang sina Apeng Daldal at Rene Requiestas.

Sina Geneva Cruz, Janette McBride, Miko Palanca, Giselle Sanchez, Roy Alvarez, Caloy "Ogag" Alde at Alvin Anson ang ilan sa mga kasama sa cast ng movie na magsisimulang mapanood sa Enero 16.
*****
Maraming co-workers si Sharon Cuneta sa kanyang 20th album under BMG Records titled "All I Ever Want".

Gaya nina Ryan Cayabyab, Andy Lau at ang international pianist na si Jim Brickman.

Si Ryan ang nag-produce ng pitong awitin sa album kasama na ang "Nananabik Sa Yo".

Nananabik" was meant for Frankie. I was pregnant with Frankie when I had that song," ani Sharon.

Personal favorites ni Sharon ang mga laman ng album. Tulad ng "Where’s The Good In Goodbye" at "My Heart Beats For You".

AIAI

ALL I EVER WANT

ALVIN ANSON

ANDREW E

ANDY LAU

APENG DALDAL

ARIAN WORKS

ARIAN WORKS MANAGEMENT CORPORATION

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with