Alessandra, Polo, totoong nag di-date
December 25, 2001 | 12:00am
Hindi sinasadyang nakasalubong ko nung Sabado sa Whistlestop Morato sina Polo Ravales at Alessandra de Rossi. Kung may duda man ako dati sa balita tungkol sa kanila, napawi na yun ngayon. Masaya sila na parang sila lamang ang mga tao sa mundo kung kaya hindi na nila napansin na halos ay nagkabungguang balikat na kami.
Di bale na si Polo at siguro pamilyar lamang ang mukha ko sa kanya pero, di niya ako kilala. Minsan lamang kami nagkita sa presscon ng Hesusmaryosep, PERO si Alessandra ay halos araw-araw ay nai-interview ko para sa promo ng kanyang pelikulang Hubog para sa Good Harvest Productions kaya Im sure kilala niya ako pero di niya ako napansin. Pero, naiintindihan ko sila. Dumaan din naman ako sa ganung stage ng courtship na wala akong ibang nakikita kundi ang kasama o kaharap ko. Kaya siguro, hindi na sila makapagkakaila na mayroong namamagitan sa kanilang dalawa. Ke magnobyo sila o magka-MU lamang na alam kong mas pipiliin nilang itawag sa kanilang relasyon, ang obvious ay may relasyon sila, di ba Polo, Alex ?
Bukod sa pagpo-prodyus ng pelikula na siya rin ang lumalabas na star kasama ang ilang local actors, sumubok na rin sa local recording si Jacky Woo sa pamamagitan ng isang album na prodyus ng sarili niyang Forward Music at ipinamamahagi ng Viva Records.
Ang album na nagtataglay ng 10 awitin na kinompos niya sa wikang Hapones pero binigyan ng Tagalog lyrics.
May titulo itong "Naroroon Pa Rin" na titulo rin ng carrier song na siya niyang ipino-promote sa kasalukuyan.
Ang iba pang awitin na nakapaloob sa album ay "Sa Isang Kisapmata", "Pag-ibig Na Walang Hangganan", "Sa Isang Basong Wine", "Christmas Eve", "My Lady", "Kung Nalalaman Mo Lang", "Hanggang Sa Muli", "Melody", "Natapos Man" at ang tatlong bersyon ng Naroroon Pa Rin" ang sarili niyang bersyon, ang accoustic version at ang minus one.
Inihayag ni Jacky sa launching ng album na nakakabenta na ito ng 10,000 kopya at para sa isang dayuhan na may pusong Pinoy na gaya ng nakasaad sa album, isang paraan ito ng appreciation ng mga Pilipino sa pagbibigay halaga niya sa bansa at sa mga naninirahan sa pamamagitan ng paggawa niya ng pelikula dito at ito ngang pagpoprodyus ng isang album na Tagalog.
Di bale na si Polo at siguro pamilyar lamang ang mukha ko sa kanya pero, di niya ako kilala. Minsan lamang kami nagkita sa presscon ng Hesusmaryosep, PERO si Alessandra ay halos araw-araw ay nai-interview ko para sa promo ng kanyang pelikulang Hubog para sa Good Harvest Productions kaya Im sure kilala niya ako pero di niya ako napansin. Pero, naiintindihan ko sila. Dumaan din naman ako sa ganung stage ng courtship na wala akong ibang nakikita kundi ang kasama o kaharap ko. Kaya siguro, hindi na sila makapagkakaila na mayroong namamagitan sa kanilang dalawa. Ke magnobyo sila o magka-MU lamang na alam kong mas pipiliin nilang itawag sa kanilang relasyon, ang obvious ay may relasyon sila, di ba Polo, Alex ?
Ang album na nagtataglay ng 10 awitin na kinompos niya sa wikang Hapones pero binigyan ng Tagalog lyrics.
May titulo itong "Naroroon Pa Rin" na titulo rin ng carrier song na siya niyang ipino-promote sa kasalukuyan.
Ang iba pang awitin na nakapaloob sa album ay "Sa Isang Kisapmata", "Pag-ibig Na Walang Hangganan", "Sa Isang Basong Wine", "Christmas Eve", "My Lady", "Kung Nalalaman Mo Lang", "Hanggang Sa Muli", "Melody", "Natapos Man" at ang tatlong bersyon ng Naroroon Pa Rin" ang sarili niyang bersyon, ang accoustic version at ang minus one.
Inihayag ni Jacky sa launching ng album na nakakabenta na ito ng 10,000 kopya at para sa isang dayuhan na may pusong Pinoy na gaya ng nakasaad sa album, isang paraan ito ng appreciation ng mga Pilipino sa pagbibigay halaga niya sa bansa at sa mga naninirahan sa pamamagitan ng paggawa niya ng pelikula dito at ito ngang pagpoprodyus ng isang album na Tagalog.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended