^

PSN Showbiz

Gino Padilla, nagbabalik

-
Abala ang pagtatapos ng taon sa Primeline Artists – Karylle, Tootsie Guevarra, Gino Padilla, Lana Asanin, Nancy Castiglione, Radha, Aliya Parcs, Jed Maddela and the Dye Vest Band kasama ang morning radio tandem na sina Chico and Delamar.

Si Karylle na slowly but surely ay gumagawa ng sariling pangalan sa showbiz ay patuloy ang pagho-host sa SOP kung saan mayroon na siyang sariling portion na "K Channel". Tuloy din ang promo ng kanyang album na "Time To Shine" na katatapos lang mag-release ng bagong single na "Bakit Ba Ikaw".

Ang Primeline’s young diva na si Tootsie Guevarra ay kababalik lang mula sa kanyang concert sa Hongkong Peninsula. Nagbabalik siya para i-promote ang kanyang second single mula sa kanyang album na Sa Puso Ko.

Ang singing idol noong 80s ay nasa pangangalaga na rin ng Primeline. Nagbabalik si Gino Padilla sa ikalawang pagkakataon. Kasama siya ni Tootsie sa Hong Kong.

Isa pang talent nila na abala sa kasalukuyan sa TV guestings and sitcoms ay ang commercial and print model-turned-actress na si Lana Asanin. Si Lana ay napapanood every Thursday sa dance portion na "Oh La La" sa Eat Bulaga at sa award-winning comedy show na Idol Ko Si Kap kasama si Bong Revilla.

Nasa pangangalaga rin ng Primeline ang singer-actress na si Nancy Castiglione, ang girlfriend ni Lucky Manzano. Tuwing Huwebes siya ang featured sa opening number ng MTB. Pero regular din siyang napapanood sa pinakabagong soap opera ng GMA 7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga. Katatapos lang niyang pumirma sa Viva Records para sa kanyang gagawing album.

Pagdating sa live entertainment, abala naman sina Radham Aliya, Parcs at Jed Maddela kasama ang Dye Vest Band. Regular silang napapanood sa Strumm’s, Padi’s Points and Ratsky.

Sina Chico and Delamar naman ang nanatiling hottest team sa morning radio.

vuukle comment

ALIYA PARCS

ANG PRIMELINE

BAKIT BA IKAW

BONG REVILLA

CHICO AND DELAMAR

GINO PADILLA

LANA ASANIN

NANCY CASTIGLIONE

TOOTSIE GUEVARRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with