Talent Center, ididemanda
December 24, 2001 | 12:00am
Nakatanggap kami nang sunud-sunod na text message mula sa dating manager ni Carlos Agassi na si Rapi Revilla.
Dating manager ang tawag namin kay Rapi, dahil tinanggalan na siya ng karapatang makialam sa career ni Carlos Agassi ng Talent Center, ilang linggo na ang nakararaan ngayon.
Yun nga ang dahilan kung bakit may kasong isasampa si Rapi laban kay Direk Johnny Manahan at sa Talent Center, dahil siya ang tunay na manager ng actor-rapper at nakipagkasundo lang siya sa isang co-management sa usapan.
Ayon kay Rapi, si Direk Manahan daw ang nagmaniobra ng lahat ng pangyayari, pero may punto rin siyang inirereklamo naman kay Deo Endrinal, ang nagbuo ng Hunks para sa Talent Center at creative consultant ng maraming programa ng ABS-CBN.
Masyadong personal ang nilalaman ng mga mensahe ni Rapi, hindi na karapat-dapat pang sulatin, mas masarap na lang pagkuwentuhan nang sikretuhan.
Ang ipinaglalaban ni Rapi ay napakabilis naman daw umaksiyon ng Talent Center, pinasulatan siya agad na wala na siyang karapatan sa career ng batang aktor, samantalang siya ang nagpakahirap sa pagpapasikat kay Carlos.
Hindi man lang daw siya binigyan ng pagkakataon ni Mr. M na makapagpaliwanag ng kanyang panig, basta inaksyunan na lang agad ang mga sumbong-reklamong tinanggap nito nang hindi man lang pinakikinggan ang kanyang maaaring sabihin.
Maraming impormasyong itine-text sa amin si Rapi, ang ibay makatwiran, at ang iba namay resulta na lang ng isang damdaming nasaktan.
Pero sa huling suma ay isa lang ang itinataghoy ni Rapi, ang dahilan din kung bakit nagsampa siya ng demanda laban sa Talent Center, tinapakan ang kanyang karapatan bilang manager at bilang nagpakahirap para makilala si Carlos Agassi.
Mahirap din ang katayuan ni Mr. M bilang tagapamuno ng Talent Center dahil siya ang tagapanagot sa anumang kaganapan sa kanyang masasakupan.
Sila ni Ms. Mariola Alberto ang mananagot sa management ng Dos tungkol sa anumang problema at kaguluhang nangyayari sa kanilang mga artista, tulad na lang ng mga nangyayari ngayon kung saan sangkot ang mga artistang sila ang nagpapatakbo ng mga career.
Nandiyan ang problema nila kay Vanessa del Bianco, kay Kristine Hermosa, kay Carlos Agassi, kay Piolo Pascual at sa iba pang mga kabataang nasasangkot ang mga pangalan sa ibat ibang isyu.
Ang tanongmasyado ba kasi silang naghihigpit sa pamamalakad, o sumosobra naman ang kanilang pagluluwag, kaya marami silang problemang kinakaharap ngayon?
Maluwag o mahigpit ay isa lang naman ang lagi nating dapat tatandaan, ang pagiging parehas sa anumang uri ng laban.
Kapag parehas tayo sa pagdedesisyon ay walang magiging argumento, walang magiging problema, dahil lahat ay magiging masaya.
Ang pagiging parehas ay kakambal ng respeto, kapag naghalo ang dalawang katangiang yun ay ano pa ang ihahaing reklamo laban sa atin?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended