^

PSN Showbiz

Kris, pinatay lahat ng game show sa TV!

ALARMA - Eric John Salut -
Kitang-kita namin ang kaligayahan ni Carlos Agassi nang pasalamatan niya ang mga taong dumalo sa kanyang birthday concert na ginanap sa Hard Rock Café Makati. Bukod kasi sa presence ng kanyang family (his mom, aunts and cousins), dumalo rin ang mga nagmamahal sa kanya mula sa press. Na-appreciate ni Carlos ang pagdating rin ng mga kasamahan sa panulat na ang ilan ay minsan din siyang nakanti.

"I am nothing without you, guys!" ang tinuran ni Carlos. "Salamat sa mga pangaral ninyo sa akin. Lagi kong ipinapasok sa isip ko ’yun para laging nakatapak ang paa ko sa lupa," sabi pa ng birthday boy.

Medyo naging mainit ang naturang gabi dahil sa isang fashion show kung saan itinampok ang bagong collection ng Hanford Sport na si Carlos ang celebrity endorser. Sampung male models ang rumampa para i-showcase ang nasabing collection. Nagkaroon din ng raffle kung saan nanalo ang inyong lingkod.

Masaya ang nasabing concert ni Carlos kasama ang X Project. Talaga yatang malakas ang hatak ni Carlos sa mga sosyal na girls na siyang nakita naming karamihan sa crowd. Buhay na buhay ang crowd sa kanyang performance.

Naging special guest ni Carlos sa nasabing show si Patricia Javier. Si Patricia ang bumuhay sa male crowd. Okey pala itong performer na first time naming napanood.

Naging masaya ang kabuuan ng gabing ’yon for Carlos. At para sa amin na ring mga press people na nakasama niya sa araw ng kanyang kaarawan.
* * *
Tuluyan nang ‘pinatay’ ng Game K N B? ni Kris Aquino ang lahat ng game shows ngayon sa Philippine television. Wala na ang mga game shows na The Weakest Link at Korek Na Korek Ka Dyan. Tanging ang natitira na lamang ay ang Who Wants To Be A Millionaire na mahina na rin ang viewership.

Ayon sa reliable source na nakausap namin, super taas ang rating ng show ni Kris. To quote our source, "Hitsura ng teleserye sa rating ng show ni Kris!"

Hindi na rin kami nagtaka sa emergence ng Game K N B? bilang numero unong primetime game show sa Philippine television. It’s one show na nakakabuhay ng dugo. Opinyon namin ’yun. At everytime na tatanungin ni Kris ang viewers ng "Pilipinas, game ka na ba?!" pati kami ay napapataas ng kamay sabay sagot ng "Game na!"

Maganda rin ang pasok ng advertisements sa show ni Kris. Pinasok na ito ng Bayantel at PLDT. Pati ang iba pang multi-national corporation ay pumasok na rin.

May napansin lang kami kay Kris bilang host. Parang lahat ng contestant ay gusto niyang manalo. Nakikita sa facial expression niya kapag mali ang sagot ng contestant. Although hindi dapat gano’n. Or is she only living up to that catch line, "Ang game show na may puso"?

Na-redeem ni Kris ang sarili sa pangungutya nang magsimula ang kanyang show. Kaliwa’t kanan ang batikos hindi lang sa kanyang istilo pati na rin sa kanyang pananamit. Well, ang masasabi lang namin, congratulations, Kris!
* * *
Bata pa lamang ay nakitaan na namin ng potensiyal si Janus del Prado. Proof ay ang ’di mabilang na acting awards nito. Hanggang sa nagbinata ay nagpakita ito ng kahusayan sa acting. Ngayon ay muling kinilala ang kahusayan ni Janus bilang aktor dahil sa nakaraang 2001 Asian TV Awards ay napanalunan nito ang Runner-Up award sa mahusay niyang performance sa "Pasa" episode ng Maalaala Mo Kaya. Ito ’yung episode kung saan nakipagsabayan siya ng husay kay Jericho Rosales.

"Hindi ko makakalimutan ’yun dahil ’yun ang first MMK ko after kong ma-launch sa Star Circle 9. ‘Tapos si Jericho agad ang nakatrabaho ko. Aaminin ko, napagod ako sa episode na ’yun pero worth it naman po kasi kahit papaano may nakapansin," sabi ng ever humble na batang ito.

Very proud kay Janus ang ABS-CBN Talent Center sa recognition niya. Tiyak na magsunud-sunod ang mga projects ng binatang aktor. Kasama nga pala siya sa Yamashita: The Tiger’s Treasure, isa sa pitong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Is Janus expecting an award for his performance sa movie?

"Naku, hindi po, no! Masaya na po ako na mapasama sa movie. Magandang experience po ’yun sa akin," sabi ni Janus.
* * *
For your comments and feedback, you can e-mail me at eric_ [email protected]

vuukle comment

CARLOS

CARLOS AGASSI

CENTER

GAME

GAME K N B

HANFORD SPORT

KRIS

SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with