Bagong paligo ang aktres pagbumababa sa condo ng aktor
December 18, 2001 | 12:00am
Ayaw ng magandang aktres na ito na siyay matsitsismis na nakikipag-live-in dahil katwiran niya ay nanggaling siya sa isang konserbatibong pamilya. Magaling ito sa pag-arte kaya madaling nakagawa ng pangalan hanggang maging isang TV host.
Pero ayon sa aking spy, kapag bumababa sa condo ng actor-singer ang actress-TV host ay laging basa ang buhok nito, bagong paligo ika nga kung saan sabay pa silang mag-aalmusal sa coffee shop ng condo. Sweet na sweet ang dalawa at dedma lang kapag tinitingnan sila ng ilang mga nakatira doon.
Ordinaryong araw ang Pasko kay Gladys Reyes dahil sa ibang relihiyon niya. Naniniwala kasi siya na hindi ipinanganak si Kristo noong Disyembre. Kaya kahit maganda ang PR niya sa mga press people at iba pang kaibigan ay walang namamasko sa kanya.
Bumabawi naman siya pagdating ng Enero dahil doon siya nagbibigay ng regalo sa mga kaibigan. Bongga din kung idaos nila ang Bagong Taon dahil nagkakaroon sila ng family reunion. Ulirang anak si Gladys kung saan gusto niyang laging kapiling ang pamilya kapag hindi abala sa mga commitment.
"Bonding ang tawag namin dito, Tita kaya hanggang ngayon ay matatag at masaya pa rin ang aking pamilya. Kita mo naman si daddy ang tumatayong driver at tsaperon ko at ang mommy naman ang siyang kasa-kasama ko sa syuting o taping. Mas komportable kasi ako kay mommy at talagang asikasong-asikaso niya ako," aniya.
Stable pa rin ang relasyon nila ni Christopher Roxas at nag-iipon pa sila bago magplanong pakasal.
Sa presscon ng Tatarin ay nakausap namin si Patricia Javier at kahit suporta lang siya sa said movie ay maganda naman ang kanyang role.
Nakikita ngayon ng seksing aktres ang lahat ng kanyang pinaghirapan dahil nakabili na siya ng pampasaherong jeepney na nagkakahalaga ng 500,000. Ang biyahe nito ay Cogeo-Marikina.
Sa isang taon ay madaragdagan pa ito ng isa.
"Habang kumikita ay dapat na mag-ipon at magpundar sa kabuhayan. Baka dumating ang araw na wala nang kumuha sa akin at wala akong mapagkakakitaan.
Ayaw kong matulad sa iba na mahirap ang buhay at walang naipundar nang malaos," aniya.
Sa presscon ng Susmaryosep (4 Fathers) ay tinanong si Bobby Andrews kung pinagseselosan pa ba ng kanyang asawang si Bienn Co si Angelu de Leon?
Ayon kay Bobby ay di naman nagseselos ang kanyang asawa dahil kung totoo nga ito ay hindi na sana niya tinanggap ang pagtatambal nilang muli ni Angelu sa Sana ay Ikaw Na Nga. "Nagbabatian sila kapag dumadalaw sa set ang aking asawa. Nag-uusap naman sila at wala na yong nakaraan," aniya.
Komportable na sa isat isa sina Bobby at Angelu at katunayan ay may torrid kissing scene sila sa soap opera.
Dumating ng bansa ang international action star na si Jacky Woo noong Linggo. Magiging abala siya sa pagpo-promote ng kanyang debut album na ang carrier single ay "Naroon Pa Rin". Isa ring sikat na singer sa Japan si Jacky bukod pa sa pagiging isang prodyuser, aktor at composer.
Dadalaw siya sa ibat-ibang radio stations at telebisyon para sa promosyon ng album na ilalabas na sa market sa buwan ding ito. Ang mga nakapaloob na awitin ay ang mga sumusunod: "Christmas Eve," "Sa Isang Kisapmata," "Melody," "Sa Isang Basong Tubig," "Natapos Man," "Kung Nalaman Mo Lang," "My Lady," "Naroon Pa Rin," "Hanggang sa Muli" at "Naroon Pa Rin" (2). Guest din ang action star sa ibat-ibang show at pagdiriwang sa bansa.
Pumailanlang na sa ere ang "Naroon Pa Rin" at maganda ang responde ng mga tao dahil sa maganda nitong tinig at nagustuhan nila ang awitin. Tapos na rin ni Jacky ang The Hustler na ipalalabas na sa Enero.
Dalawa na ang anak ni Gerald Madrid pero hindi pa sila kasal ng kanyang ka-live-in. Tatlong beses na siyang gumanap ng bading at enjoy naman siya dahil challenging ang ganitong uri ng papel na gagampanan. Sa Susmaryosep (4 Fathers) na entry ng Maverick Films ay isang bading na pari si Gerald kung saan magdadamit babae pa siya. "Mas gugustuhin ko pang lumabas na bading kaysa naman sa paghuhubad. Ayaw ko nang maging bold actor. Lumalaki na rin ang mga anak ko at ayaw kong ikahiya nila ako balang araw."
Pero ayon sa aking spy, kapag bumababa sa condo ng actor-singer ang actress-TV host ay laging basa ang buhok nito, bagong paligo ika nga kung saan sabay pa silang mag-aalmusal sa coffee shop ng condo. Sweet na sweet ang dalawa at dedma lang kapag tinitingnan sila ng ilang mga nakatira doon.
Bumabawi naman siya pagdating ng Enero dahil doon siya nagbibigay ng regalo sa mga kaibigan. Bongga din kung idaos nila ang Bagong Taon dahil nagkakaroon sila ng family reunion. Ulirang anak si Gladys kung saan gusto niyang laging kapiling ang pamilya kapag hindi abala sa mga commitment.
"Bonding ang tawag namin dito, Tita kaya hanggang ngayon ay matatag at masaya pa rin ang aking pamilya. Kita mo naman si daddy ang tumatayong driver at tsaperon ko at ang mommy naman ang siyang kasa-kasama ko sa syuting o taping. Mas komportable kasi ako kay mommy at talagang asikasong-asikaso niya ako," aniya.
Stable pa rin ang relasyon nila ni Christopher Roxas at nag-iipon pa sila bago magplanong pakasal.
Nakikita ngayon ng seksing aktres ang lahat ng kanyang pinaghirapan dahil nakabili na siya ng pampasaherong jeepney na nagkakahalaga ng 500,000. Ang biyahe nito ay Cogeo-Marikina.
Sa isang taon ay madaragdagan pa ito ng isa.
"Habang kumikita ay dapat na mag-ipon at magpundar sa kabuhayan. Baka dumating ang araw na wala nang kumuha sa akin at wala akong mapagkakakitaan.
Ayaw kong matulad sa iba na mahirap ang buhay at walang naipundar nang malaos," aniya.
Ayon kay Bobby ay di naman nagseselos ang kanyang asawa dahil kung totoo nga ito ay hindi na sana niya tinanggap ang pagtatambal nilang muli ni Angelu sa Sana ay Ikaw Na Nga. "Nagbabatian sila kapag dumadalaw sa set ang aking asawa. Nag-uusap naman sila at wala na yong nakaraan," aniya.
Komportable na sa isat isa sina Bobby at Angelu at katunayan ay may torrid kissing scene sila sa soap opera.
Dadalaw siya sa ibat-ibang radio stations at telebisyon para sa promosyon ng album na ilalabas na sa market sa buwan ding ito. Ang mga nakapaloob na awitin ay ang mga sumusunod: "Christmas Eve," "Sa Isang Kisapmata," "Melody," "Sa Isang Basong Tubig," "Natapos Man," "Kung Nalaman Mo Lang," "My Lady," "Naroon Pa Rin," "Hanggang sa Muli" at "Naroon Pa Rin" (2). Guest din ang action star sa ibat-ibang show at pagdiriwang sa bansa.
Pumailanlang na sa ere ang "Naroon Pa Rin" at maganda ang responde ng mga tao dahil sa maganda nitong tinig at nagustuhan nila ang awitin. Tapos na rin ni Jacky ang The Hustler na ipalalabas na sa Enero.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am