^

PSN Showbiz

Rica vs Assunta sa Filmfest

- Veronica R. Samio -
Tama nga si Dina Bonnevie sa pagsasabi na hindi siya isang bold star sa pelikula ng Viva Films na Tatarin, isa sa pitong entries sa MMFF. Bagaman at mayroon siyang erotic dance sa movie at isang love scene kay Carlos Morales, mas erotic ang ginagawang pagsasayaw ni ChinChin Gutierrez, lalo na ni Rica Peralejo na muli ay magpapainit ng dugo ng mga kalalakihang manonood ng pelikula sapagkat masasaksihang muli ang kabuuan ng kanyang katawan habang ginagawa ang ritwal ng Tatarin.

Seksing-seksi siya sa movie na for sure ay hindi na naman makakayang panoorin ng kanyang boyfriend na si Bernard Palanca. Katunayan, di na hinintay ni Bernard ang napaka-seksing bahagi ng movie sapagkat agad siyang umalis kasama si Rica sa preview ng pelikula sa Viva offices.

Even Dina’s love scene with Carlos pales in comparison sa love scene nina Patricia Javier at Raymond Bagatsing. Kung tutuusin, dapat ay ganun din ka-torrid ang kanilang love scene ni Carlos sapagkat di sila mag-asawa sa movie tulad din nina Patricia at Raymond. Si Rica ang asawa ni Raymond at si Edu Manzano ang asawa ni Dina.
*****
Samantala, hindi lamang sa pelikula, nagpapaseksi si Rica. Sa kalendaryo na ilalabas ng La Tondeña, Rica joins the other beautiful bodies that have endorsed the products of the premiere company in the liquor business.They are Amanda Page, Rufa Mae Quinto, Michelle Aldana, Janna Victoria, Patricia Javier at Geneva Cruz.

Ang mga larawan na inabot ng apat na araw para matapos ay kinunan ng magaling na si Raymond Isaac sa Boracay.

Inamin ni Rica during the launch of her calendar na mas malakas ang loob sa kanya ni Assunta de Rossi pagdating sa pagpapaseksi. Kaya nga mas nagpakita ito (Assunta) ng katawan sa sarili niyang kalendaryo para sa isang babasahin. "Pero, hindi ako naniniwala na sinisiraan niya ako. Hindi niya masasabi yung mga bagay na ipinaaamin nila na sinasabi niya laban sa akin. Hindi siya ang ganung tipo," pagtatanggol niya sa kalaban.

Tungkol naman sa magiging reaksyon dito ng kanyang boyfriend, sinabi niya na okay ito kay Bernard sapagkat wala naman siyang kasamang lalaki sa pictorial. "Magseselos siya kung meron akong kasamang lalaki sa photos," aniya pa.
*****
Tila hindi lamang ang istorya ang maipagmamalaki ng pelikula ng Star Cinema at Bahaghari Productions na pinamumunuan ni Margie Moran-Floirendo na Bagong Buwan kundi maging ang napaka-gandang musika na inilapat dito ni Joey Ayala. Bagay na bagay ang musika sa istorya at para sa isang guitar person na katulad ko, bagay na bagay ang paggamit sa movie ng gitara.

Sa last presscon ng movie, nakausap ko ang magaling na batang aktor na si Jiro Manio who admitted na magaling siyang aktor. "Kasi po, nagworkshop ako," walang kagatul-gatol niyang tugon.

Bago ang Bagong Buwan ay umagaw na si Jiro ng pansin ng mga manonood dahilan sa magaling niyang pagkakaganap sa La Vida Rosa kasama sina Rosanna Roces at Diether Ocampo. Sa kabila nang nahihirapan siyang umarte kapag binabatukan siya na gaya nang ginawa sa kanya ni Osang sa pelikula, he still came out with an award-winning performance in the said film. Marami ang naniniwala na makakakuha siyang muli ng award sa Bagong Buwan na nagtatampok kay Cesar Montano na itinuturing na paborito niyang aktor sa direksyon ni Marilou Diaz Abaya. Favorite actress niya si Osang.

Nine years old lamang si Jiro at nasa third grade sa Holy Child Parochial School. May tatlo siyang kapatid. Ang kanyang ama ay may negosyong fish pond. Nasa Japan naman at nagtatrabaho ang kanyang ina.
*****
Naimbita akong gumupit ng ribbon sa pormal na pagbubukas ng 1st Group Art Exhibit ng Buklod Sining sa Gallery 101 na matatagpuan sa 2nd Flr. ng Kaimo Building (Ari siguro ito ni Mari Kaimo ng ABS-CBN sapagkat naroroon siya at nangangasiwa sa pagsasaayos ng lugar) na matatagpuan sa Quezon Av., QC nung Sabado ng gabi.

Bagaman at nagtataka ako kung bakit ako nabigyan ng ganitong gawain na napakalayo sa trabahong ginagawa ko, I was honored and privileged to join three art connoisseurs para buksan ang exhibit.

Magaganda ang paintings, madaling maintindihan at magagaling ang mga myembro ng grupo na pagkatapos dito ay sa Amerika naman magdaraos ng isa pang exhibit. May isang painting ako na nagustuhan pero agad ay nabili ito. Di ko akalain na ganun pala kabilis magbenta ng painting. Ang nag-imbita sa akin na si David "Avid" Temperante na nagsimula sa pagiging isang comics illustrator at ngayon ay isa nang kinikilala sa larangan ng painting.

Kasama ni David sa Buklod Sining sina Dom Briones, Freddie "Godo" Zapanta, Pablo Mahinay, Ranilo Zapanta, Art Zamora, Ronald Limayo at Elmer Oliva.

AMANDA PAGE

ART ZAMORA

ASSUNTA

BAGAMAN

BAGONG BUWAN

BAHAGHARI PRODUCTIONS

BUKLOD SINING

PATRICIA JAVIER

RICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with