^

PSN Showbiz

Kuh, gagawa ng gospel album

-
Challenging ang taong 2001 para sa pop diva na si Kuh Ledesma, mapa-career o personal life.

Ang sunog na tumupok sa Republic of Malate ang masasabing pinakamalaki niyang problema na kinaharap sa lilipas na taon. Pero hindi ito naging hadlang para tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Kuh. Nagsilbi pa nga itong strenght sa paniniwala niya. "When the fire happened, I wasn’t even bothered because I knew there was a reason for it," sabi ni Kuh. "God used these things to test my faith and bring me to another level - spiritually," dagdag niya.

Ang nasabing new level, ang ‘higher ground’ ang nagbigay ng inspirasyon sa kanyang nalalapit na concert series na pinamagatang On Higher Ground. Magiging reflection ang concert ng bagong innerpeace ni Kuh. Nakatakda ito sa December 28, 29 and January 4 & 5 sa Music Museum, gabi ng inspirational songs, songs that will lift your spirits to a higher ground.

Aminado si Kuh na simula nang tanggapin niya ang Diyos, naramdaman niyang mas magaling na siyang singer ngayon. "Now everything seems less of a burden. Before, I love what I do, but my joy wasn’t complete. It seemed I was always chasing something. But now God has really shown me what it is to have joy in my life. I enjoy my work so much more now. And best of all, I have a clearer idea of why I’m singing. There’s a purpose to it now."

Bukod sa pagbabalik sa concert scene, nagpaplano na rin si Kuh para sa kanyang bagong album, isang gospel/inspirational album na kauna-unahan sa kanyang career na may tentative title na "Walking on Water" na interesting mix of originals and remakes na planong i-produce ng pop diva sa ilalim ng kanyang Bravo Records. Hindi pa siya sigurado kung Viva Records pa rin ang magdi-distribute nito na producer ng kanyang last album na "Duet With Me." "I haven’t talked to Boss Vic (del Rosario) about it, but this is something I would really like to do," paliwanag ni Kuh. Pinaplano niyang i-release ang album sa March o Abril nang susunod na taon.

Sa kasalukuyan, naka-concentrate si Kuh sa kanyang On Higher Ground concert kung saan makakasama ang kanyang anak na si Isabella. Ito ang unang pagkakataon na magpi-perform ang mag-ina sa isang concert.

Apat na diva ang makakasama niya sa concert - Lani Misalucha, Pilita Corrales, Nora Aunor and Regine Velasquez. "I really wanted to have them all together in one show, but it’s hard because they’re also busy with their own shows. So we decided to just have a different diva for each night."

Available na ang ticket - Good News Cafe (551-7251) and Music Museum (721-0635 or 721-6726).

BRAVO RECORDS

DUET WITH ME

GOOD NEWS CAFE

KANYANG

KUH

KUH LEDESMA

LANI MISALUCHA

MUSIC MUSEUM

ON HIGHER GROUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with