^

PSN Showbiz

Mommy ni Rica gusto nang magka-apo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
May marriage proposal na si Bernard Palanca kay Rica Peralejo pero hindi totoong secretly married na sila. Hindi pa ‘yun siniseryoso ni Rica. Ang rason: wala pa sa plano niyang mag-asawa. "Minsan pinag-uusapan namin ang tungkol do’n. Hanggang ganoon lang. Pero kung nanay ko ang tatanungin, gusto niyang mag-asawa na ako. Kasi ako ‘yung talagang favorite na anak niya at gusto agad niyang magka-apo sa akin.

"Ganoon lang naman ang mommy ko. Pag nag-asawa naman ako, I’m sure, iiyak ‘yan," kuwento ni Rica sa isang informal presscon for Tatarin, Viva Films’ MMFF official entry starring Edu Manzano and Dina Bonnevie.

Two weeks ago, nag-celebrate ang honey ni Rica ng kanyang 25th birthday. And guess kung anong gift niya, five days, four night stay in Phuket, Thailand (beach). Kasama ni Rica ang mga pinsan niya sa nasabing bakasyon. "Surprise talaga ‘yun. Wala siyang idea kung anong gift ko sa kanya. Of course happy siya," Rica said.

Nag-deny din ang sexy actress sa issue na pinagbabawalan na siya ni Bernard na magpa-sexy sa pelikula. "Of course not! Before pa, clear na sa kanya na hindi ko igi-give up ang career ko in favor of him. Alam niya ‘yun. So hindi issue ‘yun for us.

"Yung relationship kasi namin, alam mo ‘yun hindi showbiz. Saka ngayon lang ‘to nangyari na lahat ng taong malapit sa akin, favor kay BJ. Nakikita kasi nila ‘yung sincerity."

During the time nga na ginagawa nila ang Tatarin, pag may time si BJ, pinupuntahan siya para may nakakausap siya (Rica) everytime na wala siyang eksena. Ayon kay Rica sa sobrang hirap ng mga eksena niya minsan matagal ang gap ng take niya. "Kasi lahat kami talagang grabe ang mga scene. Imagine when I did the movie, 110 lbs ako, now, 104 lbs na lang. Hindi lang kasi basta sayaw ang ginawa ko rito," she informed.

Anyway, hirap siya sa paggawa ng pelikula, hindi nagi-expect ng award si Rica. "Sino bang ayaw, pero ako ayokong umaasa. Tama na ‘yung nagawa ko ‘tong pelikulang ito nang hindi ko ini-expect."

So far, ito ang pinaka-daring na pelikula ng actress. May mga eksena kasi na kailangan niyang I-touch ang kanyang sarili. Sa entire movie, possessed siya.

In any case, first time niyang magkaroon ng movie na entry sa MMFF.

BERNARD PALANCA

DINA BONNEVIE

EDU MANZANO

KASI

RICA

RICA PERALEJO

TATARIN

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with