May isang grupo na gustong pabagsakin si Jericho!
December 11, 2001 | 12:00am
Kung hindi lang matibay ang loob ni Deo Endrinal, ang isa sa itinuturing na pinakamatalinong tauhan sa bakuran ng ABS-CBN, matagal na siguro siyang sumuko. But whats good about Deo, kahit anong paninira ang gawin sa kanya, he has remained strong and professional. Ilang akusasyon na ang ibinato sa mabait na creative consultant ng ABS-CBN Talent Center pero nananatili pa rin siyang unaffected.
Ilang taon na namin kilala si Deo. Kilala namin kung paano siya magtrabaho. He only wants the best for his shows, stars at lahat ng nakakatrabaho niya. Hindi siya puwede sa basta-bastang trabaho na lang. Kailangan yung pinakamatino.
Para sa kaalaman ng mga detractors ni Deo, siya ang dahilan kung bakit matagumpay ang mga programa tulad ng Game K N Ba?, Sa Dulo Ng Walang Hanggan, Star Studio, Sharon, The Buzz, Talk TV at ASAP. Siya rin ang brains behind Saan Ka Man Naroroon, Mula Sa Puso at Today With Kris Aquino at Showbiz Linggo.
Kaya sa kabila ng paninira kay Deo, nananatili siya bilang isa sa haligi ng ABS-CBN. Yun din ang dahilan kung bakit buo ang tiwala sa kanya ng mga bosses sa ABS-CBN. Dahil sa totoo lang, napakalaki ng nai-contribute niya sa pagiging number one TV station ng ABS-CBN.
Kaya sa mga detractors ni Deo, mamamatay na lang kayo sa inggit!
Malinaw na may isang grupo na gustong pabagsakin si Jericho Rosales. Ang basa namin, orchestrated ito. May isang tao na gumagawa nito para wasakin ang career ng sinasabing pinakamahusay na batang aktor. Maraming kasamahan sa panulat ang nagagamit ng taong ito. Tahimik lang ang kampo ng ABS-CBN Talent Center. Kumbaga sa laban, pinapadama lang nito ang kalaban. Naghihintay ng tamang oras para ilabas ang kanilang baraha.
Pag dumating ang oras na yun, tiyak na magkakabukuhan kung sino ang maitim na budhi na gustong sumira kay Jericho. Hindi palalampasin ng Talent Center ang paninira sa kanilang artista. Kung kailangang magharap-harap, kailangan harapin ng mga naninira kay Jericho ang ginagawa nila. Hindi sila puwedeng magtago sa saya ng ibang tao.
Kilala namin kung sino ang taong gustong magpabagsak kay Jericho. Sa ngayon ay hindi muna namin siya pangangalanan. Ito ay dahil na rin sa pakiusap sa amin ng taga-Talent Center na nakausap namin. Sana lang, handa ang taong ito once na buweltahan siya ng Talent Center. Magkakalabasan ng tunay na baho!
Sa Biyernes ay aalis ang buong tropa ng Magandang Tanghali Bayan for a series of shows sa Japan. Sampung araw maglalagi ang buong tropa sa Japan for a show sa Nagoya at Tokyo. Ang nasabing series of shows ay bunsod sa requests ng ilang libong Pinoy na nagtatrabaho sa Japan.
Theres really no stopping the number one noontime show. Mukhang lilibutin talaga nila ang buong mundo para pasayahin ang mga Pinoy saan man sila naroroon.
Kasama sa aalis sina Ai Ai delas Alas, Roderick Paulate, Amy Perez, Marvin Agustin, Rico Yan, Dominic Ochoa, Bayani Agbayani, Vanessa del Bianco, John Estrada, Angela Velez, Randy Santiago, Bentong at Gary Lim. Kasama rin ang dalawang direktor ng programa na sina Bobot Mortiz at Bobet Vidanes.
In-assure naman ng executive producer na si Jet Montelibano na maganda ang mga na-tape na nilang episodes ng show for one week.
For your comments and feedbacks, you can e-mail me at [email protected].
Ilang taon na namin kilala si Deo. Kilala namin kung paano siya magtrabaho. He only wants the best for his shows, stars at lahat ng nakakatrabaho niya. Hindi siya puwede sa basta-bastang trabaho na lang. Kailangan yung pinakamatino.
Para sa kaalaman ng mga detractors ni Deo, siya ang dahilan kung bakit matagumpay ang mga programa tulad ng Game K N Ba?, Sa Dulo Ng Walang Hanggan, Star Studio, Sharon, The Buzz, Talk TV at ASAP. Siya rin ang brains behind Saan Ka Man Naroroon, Mula Sa Puso at Today With Kris Aquino at Showbiz Linggo.
Kaya sa kabila ng paninira kay Deo, nananatili siya bilang isa sa haligi ng ABS-CBN. Yun din ang dahilan kung bakit buo ang tiwala sa kanya ng mga bosses sa ABS-CBN. Dahil sa totoo lang, napakalaki ng nai-contribute niya sa pagiging number one TV station ng ABS-CBN.
Kaya sa mga detractors ni Deo, mamamatay na lang kayo sa inggit!
Pag dumating ang oras na yun, tiyak na magkakabukuhan kung sino ang maitim na budhi na gustong sumira kay Jericho. Hindi palalampasin ng Talent Center ang paninira sa kanilang artista. Kung kailangang magharap-harap, kailangan harapin ng mga naninira kay Jericho ang ginagawa nila. Hindi sila puwedeng magtago sa saya ng ibang tao.
Kilala namin kung sino ang taong gustong magpabagsak kay Jericho. Sa ngayon ay hindi muna namin siya pangangalanan. Ito ay dahil na rin sa pakiusap sa amin ng taga-Talent Center na nakausap namin. Sana lang, handa ang taong ito once na buweltahan siya ng Talent Center. Magkakalabasan ng tunay na baho!
Theres really no stopping the number one noontime show. Mukhang lilibutin talaga nila ang buong mundo para pasayahin ang mga Pinoy saan man sila naroroon.
Kasama sa aalis sina Ai Ai delas Alas, Roderick Paulate, Amy Perez, Marvin Agustin, Rico Yan, Dominic Ochoa, Bayani Agbayani, Vanessa del Bianco, John Estrada, Angela Velez, Randy Santiago, Bentong at Gary Lim. Kasama rin ang dalawang direktor ng programa na sina Bobot Mortiz at Bobet Vidanes.
In-assure naman ng executive producer na si Jet Montelibano na maganda ang mga na-tape na nilang episodes ng show for one week.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended