Walang power-tripping kay Marvin
December 9, 2001 | 12:00am
Sa kabila ng di pagkakaroon ng ka-love team, isang bagay na mahirap gawin sa industriyang nasanay nang kiligin sa mga pares ng artista, patuloy na pumapalaot ang pangalan ni Marvin Agustin hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelikula rin. Matapos ang mahigit sa 10 pelikulang kanyang nilabasan, walang hindi makakapansin sa potensyal ni Marvin na maging isa sa hahangaan pagdating sa abilidad sa pag-arte.
Sa humigit sampung pelikulang kanyang nilabasan, hindi pa naranasan ni Marvin ng pelikulang di tumabo sa takilya dahil halos lahat, kundi man lahat ay pawang dinumog ng manonood. Mula sa Kung Ayaw Mo Wag Mo, Labs Ko Si Babe, Hey Babe, Flames the Movie at ilan pang pinagsamahan nila ng dating ka-loveteam na si Jolina Magdangal, noon pay kinakitaan na ng senyales ng pagiging bankable star si Marvin.
At matapos ang ilang pelikula kasama ang dating ka-loveteam na si Jolina Magdangal, pinatunayan ni Marvin ang kanyang pagiging versatile actor sa pelikulang Tanging Yaman. Kasama ang ilang batikang artista nakipagsabayan si Marvin sa husay sa pagganap at dito, bagamat isa lamang siya sa minor characters, ay inilunsad si Marvin bilang isang seryosong artista.
Katunayan, sa darating na taon ay isa na namang pelikula ang hahamon sa kakayahan ni Marvin bilang isang aktor. Sa Dekada 70 kung saan makakasama niya si Vilma Santos, isang malaking hamon ang kanyang haharapin sa pagganap bilang isa sa anak ni Vilma. Kasama ang Star for all Seasons, tiyak na tatabo ito sa takilya pero ani ni Marvin, gagawin niya ang kanyang parte para sa lalo pang ikagaganda ng pelikula.
Para kay Marvin, tama nang pinanood, nagustuhan at pinag-aksayahan ng pera ng mga manonood ang kanilang pelikula. Hindi na mahalaga kung sino ang nagdala sa pelikula at kung sino ang ibinenta. Bilang isang tunay na aktor, wala sa trip ni Marvin ang mag-power-tripping.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended