^

PSN Showbiz

May nasagasaan ba ang pelikula ni Mikey sa Filmfest?

- Veronica R. Samio -
May isang nagkomento, habang binabasa ni Caloocan Mayor Rey Malonzo ang talaan ng pitong pelikula na nakapasok sa Magic 7 para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. Ito ay nang mapadako ang pagbasa sa ika-apat na entry na itinala ng alphabetical, ang pelikula ng E-Corp Movie Ventures na pinamagatang Di Na Kita Ma-Reach. Anang dumalong bisita, "Matagal na naming alam ‘yan", referring to Mikey Macapagal-Arroyo’s movie, na days ahead ay naging topic ng malakas na bulung-bulungan na hindi raw magkakabisa lang makakasama sa pito, kaya nga raw dinagdagan ng isa pa ang dating anim na entry ng MMFF, para raw mabigyan-daan ang pelikula ng presidential son.

Sa isang phone-patch kay Mayor Malonzo na ginawa ng Startalk kahapon ng hapon, diumano ay sinabi niya na nagtataka rin siya kung bakit nawala sa pito ang pelikula ng Manhattan Asia Films na pinamagatang Mga Batang Lansangan...Ngayon. Kinumpirma naman ng isang reliable source ang sinabi ni Mayor Malonzo at idinagdag pa na kasunod nito, sa number seven ang Hesusmaryosep at nasa 8th position ang Di Kita Ma-Reach. Bakit iba ang na-announce sa Dulcinea? Mayroon bang scam?

Itinatwa naman ito ng isang myembro ng MMFF 2001 committee na si Wilson Tieng during the launching of Health For Life, Inc, his new business venture, at the Edsa Shangrila Hotel nung Biyernes ng gabi. Pinabulaanan ito ng Solar Films producer sa pamamagitan ng pagsasabi na hindi pa man daw ginagawa ang pelikula ni Mikey ay talagang itinakda na na pito ang magiging entry sa MMFF sa taong ito.

Nevertheless, ang pitong entries na inihayag sa Dulcinea kahapon ng umaga ni Mayor Rey Malonzo ay ang Bagong Buwan ng Star Cinema at Bahaghari, starring Cesar Montano sa direksyon ni Marilou Diaz-Abaya; Bahay Ni Lola ng Regal Films topbilled by Gina Alajar, Manilyn Reynes, Aiza Seguerra and Gloria Romero, sa direksyon ni Uro dela Cruz; Hesusmaryosep ng Maverick Films with Bobby Andrews, Bojo Molina, Gerald Madrid at Polo Ravales; Joel Lamangan’s Hubog kasama ang magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi, Jay Manalo at Wendell Ramos; ang pelikula ni Dina Bonnevie na Tatarin para sa Viva Films sa direksyon ni Tikoy Aguiluz, Di Kita Ma-Reach starring Mikey Arroyo at LJ Moreno at ang Yamashita ni Chito Rono with an all-star cast.

Ang 8th entry, ang Mga Batang Lansangan na diumano ay na-bumped off at the last minute ng bagong tatag na Manhattan Asia Film ay makakapasok lamang kapag ang isa sa pitong napili ay hindi payagan ng MTRCB na maipalabas.

It was a let down sa bagong movie outfit sapagkat naniniwala silang maganda ang project nila kaya handang handa na sila sa kanilang malalaking plano, kasama na ang grand party for the streetchildren sa Amoranto Stadium. Ang pelikula ay tungkol sa mga batang lansangan. Bahagi ng kikitain ng pelikula sa kanila mapupunta.
*****
Sa kabila ng pagdadalamhati ng pamilya Quizon sa aksidente ni Vandolph, dumating ang isang napaka-gandang balita na ang mag-aamang Dolphy, Eric at Jeffrey ay nanalong Best Actors para sa kanilang pelikulang Markova na isinali sa Brussels International Film Festival. Sa kanilang mga tropeo na tinanggap at dinala dito sa Maynila ng Brussels Filmfest Director Robert Melengreau, nakasaad na silang tatlo pa rin ang nanalong Best Actress sapagkat ang kanilang mga ginampanang roles sa nasabing movie encompasses masculine and feminine traits. Walang ibang aktres na binigyan ng award.

Next year, ang Markova ay magiging entry sa mga international filmfests sa Palm Spring, Dauville, Mar de Plata, Los Angeles (gay and lesbian cinema) at San Francisco (Asian filmfest).

Muling mapapanood ang Markova simula Disyembre 12 hanggang 24 sa mga sinehan ng SM (Megamall, Southmall, Manila at Fairview).

Nakasali ang pelikula sa MMFF last year.

AIZA SEGUERRA

AMORANTO STADIUM

BAGONG BUWAN

DI KITA MA-REACH

MARKOVA

MAYOR MALONZO

MAYOR REY MALONZO

MGA BATANG LANSANGAN

PELIKULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with