^

PSN Showbiz

Carlos, gusto nang magka-GF

ALARMA - Eric John Salut -
Abot-langit ang pasasalamat ni Carlos Agassi sa magagandang nangyari sa kanya ngayong taon. Sunud-sunod ang blessings na natanggap ni Carlos kung pag-uusapan ang kanyang career. Mula telebisyon, recording at endorsements ay humataw nang husto si Carlos.

Ngayong taon ay naging bida siya sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan bilang kapareha ni Claudine Barretto. Naging sunud-sunod din ang bookings ni Carlos as far as being a performer is concerned.

This year ay napasama siya sa grupong Hunks na sinasabing pinakasikat na boy band sa bansa. Nakapag-perform sila sa iba’t ibang lugar at sa America nitong November.

At syempre, hindi pahuhuli si Carlos bilang product endorser.

And to highlight his career at ang kanyang kaarawan, magkakaroon si Carlos ng birthday concert sa Hard rock Café Makati sa Martes, December 11. Makakasama niya sa show ang X Project at mga kapamilya sa Hanford na sina Luke Mejares at Patricia Javier.

With all the success Carlos is getting, mukhang may kulang pa rin. Wala pa ring nababalitang espesyal na babae sa kanyang buhay.

"Kahit ako, gusto ko na. Pero wala pa eh! Sana next year, meron na! I’m keeping my fingers crossed!" sabi ng mabait na aktor.
* * *
Para kay Jodi Sta. Maria, ang role niya sa Bagong Buwan ang pinakamabigat na role na nagawa niya sa kanyang tanang buhay. Dahil dito ay gumanap siya bilang isang young Muslim na nanganak.

"Eh sa Tabing Ilog at Pangako Sa ’Yo, girlfriend-girlfriend lang ang role ko. Tapos sa Bagong Buwan nanganak na ako. Ang bigat talaga! Buti na lang, alam ni direk Marilou (Diaz-Abaya) ang ginagawa niya. Ang galing niyang mag-motivate! Love na love ko siya dahil she taught me a new dimension in acting," lahad ni Jodi.

Sa grupo ng Tabing Ilog girls, si Jodi ang sinasabing may fire and personality. Kasi naman, may ilang boys na rin ang na-link sa kanya. Una si Baron Geisler, sumunod si Luis Manzano at ngayon naman ay si Paolo Contis.

"I am a very sociable person lang talaga. I get along well with boys and girls. Sabi nga nila, life of the party raw ako, eh! With boyfriends naman, hindi ko dine-deny na naging super close kami ni Baron. With Luis, friend ko lang ’yun. While with Patrick, hay naku, ’yun barkada talaga. Madalas kaming lumabas but with friends," pahayag ng magandang aktres.

Dahil nga sa kakaibang fire sa personality ni Jodi, siya ang nagustuhan ni direk Marilou na gumanap sa nasabing role sa Bagong Buwan, Star Cinema’s aspiring entry sa Metro Manila Film Festival.
* * *
Gusto naming batiin sina Tito Salon at Joan Cabangbang na nakatakdang mag-isang dibdib ngayong araw sa Ina Ng Buhay Parish Church sa Novaliches. Malapit ang pamilya namin kay Joan dahil siya ang panganay na anak ng kaibigan ng aming pamilya, si Ate Cora Cabangbang at asawa nitong si Jesus.

Kasama sa principal sponsors nina Tito at Joan ang aming dakilang ina, si Mrs. Mila Salut at pamangkin na si Carmela Llane Cueto bilang isa sa mga flower girls.

Ang aming mainit na pagbati kina Joan at Tito sa espesyal na araw sa kanilang buhay. Dalangin namin ang panghabambuhay ninyong pagsasama.

Congratulations and best wishes!

vuukle comment

BAGONG BUWAN

BARON GEISLER

CARLOS

CARLOS AGASSI

CARMELA LLANE CUETO

CLAUDINE BARRETTO

CORA CABANGBANG

JODI

TABING ILOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with