Kristine nilayasan ang magulang
December 8, 2001 | 12:00am
Kumpirmadong lumayas na sa poder ng kanyang mga magulang si Kristine Hermosa.
Sa unang dalawang gabi ng paglalayas ng dalaga ay tumira siya pansamantala sa Rembrandt Hotel, at sa pangatlong gabi ay lumipat na siya sa isang condo unit na malapit lang sa ABS-CBN.
Ang boyfriend ngayon ni Tintin na si Jericho Rosales ang nakatulong niya sa paghahakot ng kanyang mga gamit kasama ang isang bayaw ng aktor, itiniyempo yun ni Tintin sa mga oras na wala sa bahay ang kanyang mga magulang.
Ipinapalagay ng mga taong malapit sa dalaga na si Jericho ang masamang impluwensiyang pinaghugutan ng lakas ng loob ng dalaga sa kanyang paglalayas, dahil kung kilala nga nila si Kristine, ni isusuot niyang damit ay hindi pa kayang desisyunan ng dalagang bida sa seryeng Pangako Sa Yo.
Noon pa man ay alam na ng mga taong yun na unti-unti nang bine-brainwash ng magaling na batang aktor ang dalaga, dahil mula nang maging magkarelasyon na sila ay maraming nakapansin sa unti-unting pagbabago ng dalagang datiy masunurin sa mga magulang at responsable.
Minsan nang nagkaroon ng boyfriend si Tintin, si Anton na para namang pinagtiyap ng pagkakataon na pinsan ni Kai Palomares na naanakan ni Jericho, pero sa loob nang mahigit na dalawang taon ng kanilang relasyon ay hindi nakaisip na maglayas si Tintin.
"Sa halip na paliwanagan niya si Tintin, eh, siya pa ang tumulong sa paghahakot, siya pa ang nagpalakas ng loob ni Tintin, samantalang alam niya namang mali ang gagawin ng girlfriend niya?" sabi ng isang source na malapit sa kanila ni Kristine.
Minsan ay may nakarinig pa kay Jericho na nagsabing, "Ikaw ang nagpapakamatay sa pagtatrabaho, kaya dapat, sundin mo ang luho mo!"
Mga ganung uri ng panunulsol na sa katagalan ay pumasok na marahil sa utak ng dalaga, kaya nagdesisyon siyang talikuran na ang kanyang pamilya para mamuhay na nang sarili.
Umiikot ang balita sa bakuran ng ABS-CBN na pinagharap-harap ni Mr. Johnny Manahan sa Talent Center ang batang aktres at ang kanyang mga magulang.
Sinabi diumano ni direk Johnny na ang reklamo ni Tintin ay ang sobrang higpit ng kanyang mga magulang, bagay na dinepensahan naman nina Allan at Mai na natural lang naman nilang gawin yun, dahil babae ang sa kanila.
Sa tagal ng kanilang pag-uusap ay isa lang ang kinauwian ng lahat, kinampihan diumano ni Mr. M ang dalaga, kaya lalong lumakas ang kanyang loob.
Parang nakikinita na namin ang pagluluksa ngayon ng pamilya ni Kristine dahil sa nangyari, alam namin kung paanong iningatan at minahal ng mag-asawa ang kanilang anak, kaya pati ang iba nilang mga anak ay nagseselos na sa ipinakikita nilang pangangalaga kay Kristine.
Sa mata ng publiko ay hindi maganda ang ginawang pagtalikod ni Kristine sa kanyang pamilya, makatwiran naman ang kanyang dahilan o pilipit, dahil saan mang lengguwahe daanin, ang magulang ay magulang pa rin.
Harinawang huwag pagsisihan ni Kristine Hermosa ang kanyang ginawa, sana ngay magkaroon ng positibong resulta ang pagtatangka niyang magsarili na sa buhay.
At sanay huwag bumitiw ng pagsuporta ang publiko sa dalagang ito na nakilala nila bilang simple, mabait na anak at disiplinado, pero may kakayahan din palang maging suwail sa kanyang mga magulang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended