Pam-best actress na ba si Shaina?
December 6, 2001 | 12:00am
Sa isang recent talk with Director Joe Carreon, ang nag-direk ng initial venture ng Manhattan Asia Films na pinamagatang Mga Batang Lansangan... Ngayon, sinabi niya na nagulat siya sa performance na ipinamalas ni Shaina Magdayao sa naturang movie. "Magaling siya. Maaari siyang manalo ng award," aniya. "Kung may Best Child Actress, ipapasok ko siya pero, kung walang ganitong category, pwede rin siya sa Best Actress. Lead role naman siya sa pelikula. Nanalo na rin sa kategoryang ito si Aiza Seguerra nun, kahit na bata pa siya," dagdag pa niya.
Excited naman si Shaina na marinig ang papuri ng kanyang direktor. When asked kung ano ang gagawin niya kung manalo siya, ngumiti lamang siya ng buong hinhin.
Ang Mga Batang Lansangan...Ngayon ay pinagbibidahan rin nina Sunshine Dizon, Joko Diaz, Bobby Andrews at Joanna Gonzales, Paquito Diaz, Pepito Rodriguez, Brando Legaspi, Flora Gasser at Romy Diaz. Kabilang sa gumaganap ng title role sina Angelica Monique Ferrer, napapanood sa mga palabas na Biglang Sibol at Recuerdo de Amor; Monica Shy, isang Barbie model at commercial model; Karen delos Santos, isa pa ring commercial model, winner ng Munting Miss U at napanood sa pelikulang Oras Na Para Lumaban Ka; MJ Maranan, product endorser ng Moose Gear at isang kiddie model; Mark Wilson, isang TV talent, napapanood sa Kool Ka lang at Eisen Bayubay, Thats My Boy winner, Moose Gear endorser at napanood na sa mga programang Sis at Biglang Sibol.
Sa Disyembre 16, isang grand party ang ihahandog ng Manhattan Asia Films sa mga streetchildren. Bahagi ng kikitain dito ay mapupunta sa Child Hope Asian Foundation.
Inaasahang darating ang mahigit sa 300 kabataan mula sa ibat ibang bahay ampunan. Layon din ng event na mabigyan ng awareness ang lahat ng may kaya, maging ang pamahalaan, sa plight ng mga less fortunate na kabataang ito at ang mga nakatatanda ring katulad nila.
"This is our way of sharing whatever little blessings we have to our poor countrymen who have lived in misery and to at least alleviate their sufferings sa magulong reyalidad ng buhay," ani Valerie Von Such, producer ng Manhattan Asia Films.
Mga dating child stars ang gumaganap ng mahahalagang papel sa upcoming film ng Regal na pinamagatang Bahay Ni Lola. Mga orihinal na stars din sila ng pelikulang Shake, Rattle & Roll. Sila sina Manilyn Reynes, Aiza Seguerra at Gina Alajar. Kasama nila ang movie queen na si Gloria Romero.
"Lumaki halos ako sa mga pelikula ng Regal," ani Manilyn." Pinaka-memorable dito ang Shake, Rattle & Roll at yung mga youth-oriented films na di ko na mabilang at matandaan pa sa dami," dagdag pa niya.
Aiza shares a similar career-path with Mane. "Ang dami kong ginawang Shake... movies at Tito, Vic & Joey comedy movies. Dito, nagsimula ang career ko as a child star. Kaya nang kausapin ako para sa Bahay..., hindi na ako tumanggi," ani Aiza naman.
Isa ring dating child star si Gina na lumaki na sa pelikula. Her most remembered portrayal ay sa Sa Piling Ng Aswang kasama si Maricel Soriano. "Known ang Regal sa mga horror films. Everytime na may offer sa akin na ganitong movie, di ako tumatanggi kasi alam ko na hindi malilimutan ng manonood yun," ani Gina.
Ang Bahay ni Lola ay reunion ng tatlo, ang mga itinuturing na mga "reyna ng horror". "Masayang takutan ito," anila.
Matapos ang dalawang taon na halos ay walang lumalabas na balita tungkol sa kanya, magbabalik-showbiz si Sarah Balabagan sa pamamagitan ng isang serye ng pagkanta sa Mindave Restaurant Bar, isang 510-seater sa Mindanao Ave. at Congressional Ave.
Ang itinuturing na isang matapang na babae na nakaligtas sa kanyang ordeal ng attempted rape at high profile murder case sa Middle East, nakagawa na ng record si Sarah sa Sony Music at ang istorya niya ay nagawa na ng Viva Films ng pelikula na nagtatampok kay Vina Morales.
Nag-aanyaya si Sarah na panoorin siya at pakinggan sa nasabing lugar tuwing Biyernes simula sa Disyembre 7.
Excited naman si Shaina na marinig ang papuri ng kanyang direktor. When asked kung ano ang gagawin niya kung manalo siya, ngumiti lamang siya ng buong hinhin.
Ang Mga Batang Lansangan...Ngayon ay pinagbibidahan rin nina Sunshine Dizon, Joko Diaz, Bobby Andrews at Joanna Gonzales, Paquito Diaz, Pepito Rodriguez, Brando Legaspi, Flora Gasser at Romy Diaz. Kabilang sa gumaganap ng title role sina Angelica Monique Ferrer, napapanood sa mga palabas na Biglang Sibol at Recuerdo de Amor; Monica Shy, isang Barbie model at commercial model; Karen delos Santos, isa pa ring commercial model, winner ng Munting Miss U at napanood sa pelikulang Oras Na Para Lumaban Ka; MJ Maranan, product endorser ng Moose Gear at isang kiddie model; Mark Wilson, isang TV talent, napapanood sa Kool Ka lang at Eisen Bayubay, Thats My Boy winner, Moose Gear endorser at napanood na sa mga programang Sis at Biglang Sibol.
Sa Disyembre 16, isang grand party ang ihahandog ng Manhattan Asia Films sa mga streetchildren. Bahagi ng kikitain dito ay mapupunta sa Child Hope Asian Foundation.
Inaasahang darating ang mahigit sa 300 kabataan mula sa ibat ibang bahay ampunan. Layon din ng event na mabigyan ng awareness ang lahat ng may kaya, maging ang pamahalaan, sa plight ng mga less fortunate na kabataang ito at ang mga nakatatanda ring katulad nila.
"This is our way of sharing whatever little blessings we have to our poor countrymen who have lived in misery and to at least alleviate their sufferings sa magulong reyalidad ng buhay," ani Valerie Von Such, producer ng Manhattan Asia Films.
"Lumaki halos ako sa mga pelikula ng Regal," ani Manilyn." Pinaka-memorable dito ang Shake, Rattle & Roll at yung mga youth-oriented films na di ko na mabilang at matandaan pa sa dami," dagdag pa niya.
Aiza shares a similar career-path with Mane. "Ang dami kong ginawang Shake... movies at Tito, Vic & Joey comedy movies. Dito, nagsimula ang career ko as a child star. Kaya nang kausapin ako para sa Bahay..., hindi na ako tumanggi," ani Aiza naman.
Isa ring dating child star si Gina na lumaki na sa pelikula. Her most remembered portrayal ay sa Sa Piling Ng Aswang kasama si Maricel Soriano. "Known ang Regal sa mga horror films. Everytime na may offer sa akin na ganitong movie, di ako tumatanggi kasi alam ko na hindi malilimutan ng manonood yun," ani Gina.
Ang Bahay ni Lola ay reunion ng tatlo, ang mga itinuturing na mga "reyna ng horror". "Masayang takutan ito," anila.
Ang itinuturing na isang matapang na babae na nakaligtas sa kanyang ordeal ng attempted rape at high profile murder case sa Middle East, nakagawa na ng record si Sarah sa Sony Music at ang istorya niya ay nagawa na ng Viva Films ng pelikula na nagtatampok kay Vina Morales.
Nag-aanyaya si Sarah na panoorin siya at pakinggan sa nasabing lugar tuwing Biyernes simula sa Disyembre 7.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended