^

PSN Showbiz

Peksman, may nang-iwan kay Jinggoy

- Veronica R. Samio -
Kahit di tanggapin ng dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada, bakas ang lungkot sa kanyang mukha nang bisitahin namin siya sa paanyaya ng kaibigang Ed de Leon sa Veterans Memorial Medical Center. Lalo na nang madako ang usapan sa kanyang di pa naipapalabas na pelikula na baka makasama sa Magic 7 sa nalalapit na Metro Manila Film Festival, Ang Walang Iwanan, Peksman. Kasama niya rito sina Judy Ann Santos at Bayani Agbayani.

Alam naman ng lahat na kabarkada niya dati ang dati ring Gobernador ng Cavite na si Bong Revilla kasama sina Rudy Fernandez at Phillip Salvador, pero kumalas si Bong sa dahilang alam na rin ng lahat.

"Pero, hindi siya ang pinatutungkulan ng titulo. Gawa na ang pelikula bago pa nangyari ang lahat," sabi niyang may panghihinayang sa tanong na kung si Bong ba ang pinatutungkulan ng titulo. He admits na nagti-text pa rin sa kanya ang dating kaibigan pero, hindi niya sinasagot. "Kay Daboy ako bilib dahil araw-araw naririto siya at dumadalaw. Walang patid," sabi niyang may pagmamalaki. "Si Ipe, dumadalaw din," dagdag pa niya.

Natatawa si Jinggoy kapag naaalala na kumanta at sumayaw siya sa pelikula. Sa gitna pa ng kalye na marami ang nanonood. Hiyang-hiya raw siya nang ginagawa niya ang eksena pero nang mapanood niya ang trailer ng movie, sinabi niyang sulit pala ang kanyang ginawa. Balak ng Maverick Films na isali ang movie sa darating na MMFF pero kung hindi ito mapili ay sa second week ng January 2002 na lamang ito ipalalabas.

Kung mapili naman ang movie, wish niya na makasakay ng float at makadalo sa awards night. "Kung hindi papagawa na lang ako ng lifesized poster na gumagalaw at kumakaway ako," sabi niyang may pagbibiro.
*****
Marami ang nag-aakala na artista si Rioja Mendez sa pelikula dahil maganda siya. Mas lalo silang nagtataka kapag nalaman na isa siyang fashion model at nagsuot na ng mga designs nina Inno Sotto, Ben Farrales, Ogie Atos at Wanda Lowalien. Bakit daw kumakanta pa siya gayong mas malaki ang kikitain niya at mas sisikat pa siya bilang isang ramp model? Pero, si Rioja ay isang recording artist. Nakagawa na siya ng isang album sa Richsound Music at ipinamamahagi ng Vicor Music Corporation.

"Nagulat nga ako nang lapitan ako ni G. Ricky del Rosario at alukin ng recording contract. Pero, tinanggap ko agad ang offer," aniya.

Ang self-titled album ay naglalaman ng 10 awitin na pinangungunahan ng carrier single na "Ikaw Lamang Sa Puso Ko" nina Freddie Saturno, Alvin Nuñez at Eric Apuyan.
*****
Hindi lamang sa pagkanta nakabalik si Aiza Seguerra. Pati sa pelikula. Sa pelikula ng Regal Films na intended para sa MMFF, ang Bahay Ni Lola topbilled by Gloria Romero.

Siya si Joey na hindi kasundo ng mga kapatid niyang sina Gina Alajar at Manilyn Reynes. Gusto niya ang laging mapag-isa na kasama ay ang kanyang gitara. Pumunta siya ng probinsya at tumira sa kanilang lumang bahay na pag-aari ng kanilang inang si Gloria Romero. Nagkataon naman na yon din ang balak ng buong pamilya kaya di rin siya napag-isa. Pero, habang naroroon sila ay iba’t ibang nakakatakot na pangyayari ang nangyari sa kanila.

Kasama rin sa movie sina James Blanco,Maybeline dela Cruz, Miko Sotto, Maxene Magalona, Isabela de Leon at Allan K.

AIZA SEGUERRA

ALLAN K

ALVIN NU

ANG WALANG IWANAN

BAHAY NI LOLA

GLORIA ROMERO

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with