^

PSN Showbiz

Jericho, tanggap kahit wala si Kristine

ALARMA - Eric John Salut -
Matutuwa ang mga tagahanga ni Jericho Rosales dahil after Trip, isang serious movie naman ang nasamahan niya. Bida rin siya sa Bagong Buwan, ang posibleng entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival nitong December. This is the first movie na gumanap si Jericho ng sundalo.

In the movie, he plays Lt. Ricarte, isang neutral na sundalo na may integridad. At bilang preparasyon sa role, nag-undergo si Jericho ng training sa Fort Bonifacio kung saan nagkaroon sila ng drills.

"Tinuruan kami kung paano gumamit ng M16, 45 cal. At machine guns. We also underwent training on military tactics. Mahirap talaga ’yung naging physical preparation namin sa movie," lahad ng aktor.

Puring-puri ni Jericho ang istilo ng director niyang si Marilou Diaz-Abaya. First time niyang makatrabaho ang multi-awarded lady director.

"She has a style na ’di ko nakita sa ibang director. She brings out the best in his actors."

What’s good sa career ni Jericho, even without Kristine Hermosa ay tanggap siya ng fans. Like in Tanging Yaman last year, napansin siya ng husto sa kanyang role. He was even nominated sa iba’t-ibang award-giving bodies. Ganito rin ang inaasahang mangyari dahil balitang-balita ang kanyang kahusayan sa Bagong Buwan.

Kasama rin sa movie sina Amy Austria, Carlo Aquino, Jodi Santamaria, Caridad Sanchez, Jiro Manio at si Cesar Montano. Mula ito sa panulat nina Ricky Lee at Jun Lana.
*****
Hindi ikinakaila ni Alfred Vargas, Star Circle 10 member na malaki ang paghanga niya kay Kristine Hermosa, bida sa teleseryeng Pangako Sa ’Yo. Lalo pa itong tumitindi sa dalas ng kanilang pagsasama sa taping. Si Alfred, sa role na Dino ang pinalad na makatrayanggulo nina Kristine at Jericho sa nasabing teleserye.

"At first, akala ko suplada siya," sabi ni Alfred sa unang araw ng taping niya sa nasabing teleserye. "Pero habang tumatagal, ’yung ngiti niya, alam mong she’s a nice person inside. Na-prove ko ’yun."

Hindi maitatanggi na very close ngayon sina Kristine at Jericho pero ayon kay Alfred, masaya na siya sa ipinakikitang sweetness sa kanya ng dalagang aktres.

"She has this charm na talagang any guy would fall for her. Iba ang appeal ni Kristine. No wonder, she is the most popular young star today," sabi pa ni Alfred.

Mabilis ang kapit ng suwerte kay Alfred. Imagine, kalu-launch lang niya bilang member ng Star Circle 10 ay agad na siyang nabigyan ng leading man role. At agad na napasama sa pinakasikat na programa ngayon sa telebisyon, ang Pangako Sa ’Yo. Sa katunayan, personal choice siya ni Rory Quintos para gumanap sa nasabing role.

"We were called to audition for the role, mostly for my batch din. Then the following day, I was called to report to the set. I didn’t expect na gano’n kabilis ’yun," kuwento pa ni Alfred.

Hindi puwedeng tawaran ang talent ni Alfred. The fact na siya ang nakuha ni Direk Rory for the coveted role, there must really be something in him.
*****
Tapos na ang pa-siyam ni Robert Perez pero wala pa rin kaming balita sa imbestigasyon sa pagkamatay ng kaibigan namin. Ngayon lang nagsi-sink in sa akin ang pagkawala niya. Sa huling presscon for Hunks ay wala na si Robert na kadalasan ay lagi siyang invited. Ngayon ko siya nami-miss. Hindi ko pa rin matanggap na wala na ang kaibigan ko na tatlong taon ko ring naging roommate sa isang apartment sa Murphy, Quezon.

Ipinanawagan namin sa kinauukulan ang imbestigasyon sa kaso ni Robert. Masyado na ata itong natakpan ng kaso ni Nida Blanca. Paano na ’yung narinig namin na tutulong daw si Senator Loren Legarda?

Please lang, sa ikatatahimik naming mga kaibigan niya, pamilya at ng kaluluwa ni Robert, bigyan ninyo ng pansin ang kaso ni Robert!

vuukle comment

ALFRED

ALFRED VARGAS

AMY AUSTRIA

BAGONG BUWAN

KRISTINE

KRISTINE HERMOSA

PANGAKO SA

SIYA

STAR CIRCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with