P1.5M na ang TF ni Vina Morales
December 4, 2001 | 12:00am
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, isang bagong produksyon ang nag-alok kay Vina Morales ng isang pelikula pero, sa kasamaang palad ay hindi ito tinanggap ng aktres. Hindi nakayanan ng produksyon ang hinihingi niyang talent fee na P1.5M at di umanoy take it or leave it ang kundisyon ng namamahala sa aktres. Sayang!. Kaya pala bibihira ang movie ni Vina gayong magaling naman siyang artista. Sa panahon ngayon na halos patay na ang industriya at nagbaba na ng kanilang presyo ang maraming artista, nakapagtatakang si Vina naman ang nagtaas ng kanyang presyo.
Ayon sa aking source, hindi lamang sa pelikula, mataas ang presyo ni Vina. Maging sa pagkanta ay malaki rin daw sumingil ang kanyang mga magulang.
Nagalit daw ang talent manager na si Jojie Dingcong dahilan sa poster ng pelikulang Mga Batang Lansangan ...Ngayon, ng bagong tatag na Manhattan Asia Films, ay pinantay ang billing ng kanyang alagang si Sunshine Dizon sa baguhang si Joanna Gonzales.
Bagaman at ikinakatwiran ng Manhattan Asia Films na pinamumunuan ni Valerie Von Such na ang billing ay ibinase lamang nila sa mga roles ng artista, still mas malaking artista si Sunshine at sana ay ginawan na lamang nila ng paraan para hindi ito madehado. After all, pinaghirapan naman niya ang kanyang pangalan at tinatamasang stature ngayon. Not even the fact na may mga commercials ang newcomer ay nagbibigay sa kanya ng karapatan na mauna sa mga artistang mas senior sa kanya.
Ang Mga Batang Lansangan...Ngayon ay initial offering ng Manhattan Asia Films, produced by Bleau and Ryder Aquino mula sa panulat at direksyon ni Jose N. Carreon. Kasama sa lead cast sina Bobby Andrews, Joko Diaz at Shaina Magdayao. Ang pelikula ay isang tribute sa mga streetchildren sa pakikipagtulungan ng DSWD.
Bagaman at medyo natagalan si David Pomeranz na bumalik ng bansa para gumawa ng isang album na aniya ay bunga ng pagsisilang ng kanyang kabiyak na si Kelly sa kanilang anak na si Nicholas, malugod siyang tinanggap ng mga Pilipino na lubos na nasabik sa kanya at maging sa kanyang mga awitin.
May sentimental value ang album kay David dahil nang ginagawa niya ito ay tinawagan siya ng kanyang asawa para lamang sabihin sa kanya na buntis ito.The news inspired him to write more romantic melodies and lyrics.
May bagong album siya sa MCA Universal na pinamagatang "On This Day" na dito niya ginawa sa Maynila katulong ang mga musikerong Pinoy. Ang title track at carrier single ay kolaborasyon nila ni Jim Peterik na gumawa rin at nag-co-produce ng dalawang awitin sa album.
Mapapanood siya sa isang serye ng mall shows sa SM Supermalls. Nagsimula ito nung Dis. 2. sa SM Fairview at masusundan sa Dis. 7 sa SM Southmall, Dis. 9 sa SM Megamall at Dis. 12 sa SM North Edsa.
Ayon sa aking source, hindi lamang sa pelikula, mataas ang presyo ni Vina. Maging sa pagkanta ay malaki rin daw sumingil ang kanyang mga magulang.
Bagaman at ikinakatwiran ng Manhattan Asia Films na pinamumunuan ni Valerie Von Such na ang billing ay ibinase lamang nila sa mga roles ng artista, still mas malaking artista si Sunshine at sana ay ginawan na lamang nila ng paraan para hindi ito madehado. After all, pinaghirapan naman niya ang kanyang pangalan at tinatamasang stature ngayon. Not even the fact na may mga commercials ang newcomer ay nagbibigay sa kanya ng karapatan na mauna sa mga artistang mas senior sa kanya.
Ang Mga Batang Lansangan...Ngayon ay initial offering ng Manhattan Asia Films, produced by Bleau and Ryder Aquino mula sa panulat at direksyon ni Jose N. Carreon. Kasama sa lead cast sina Bobby Andrews, Joko Diaz at Shaina Magdayao. Ang pelikula ay isang tribute sa mga streetchildren sa pakikipagtulungan ng DSWD.
May sentimental value ang album kay David dahil nang ginagawa niya ito ay tinawagan siya ng kanyang asawa para lamang sabihin sa kanya na buntis ito.The news inspired him to write more romantic melodies and lyrics.
May bagong album siya sa MCA Universal na pinamagatang "On This Day" na dito niya ginawa sa Maynila katulong ang mga musikerong Pinoy. Ang title track at carrier single ay kolaborasyon nila ni Jim Peterik na gumawa rin at nag-co-produce ng dalawang awitin sa album.
Mapapanood siya sa isang serye ng mall shows sa SM Supermalls. Nagsimula ito nung Dis. 2. sa SM Fairview at masusundan sa Dis. 7 sa SM Southmall, Dis. 9 sa SM Megamall at Dis. 12 sa SM North Edsa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended