^

PSN Showbiz

Aktres laging may dalang abo

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sikat pa rin ngayon ang premyadong aktres na ito na noong kabataan ay pambato ng isang movie company. Naging masalimuot ang kanyang buhay dahil nasangkot ito noon sa kontrobersya tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

"Weirdo rin pala siya," sey ng ilang taga-showbiz dahil lagi itong may dalang plastic bag na ang laman ay ang abo ng yumaong karelasyon niya na i-cremate kamakailan. Katwiran ay gusto niyang laging dala ito para maramdaman na parang kasama pa rin niya ito kahit saan siya magpunta.

Mahal na mahal nito ang yumaong Tibo na nagkaroon ng malaking bahagi sa kanyang buhay. Inalagaan siya nito at nabigyan ng magandang buhay. Minahal talaga siya ng karelasyong T-bird kung saan matagal-tagal din silang nagsama. Hanggang ngayon ay hindi niya malimutan ang karelasyon kaya lagi pa rin itong umiiyak at laging kayakap ang plastic bag na may lamang abo ng kanyang mahal.

Ang aktres na laging may dalang abo ng namatay na kaibigan ay malimit pa ring napapanood sa TV.
Versatile Si Eric Q.
Hindi lang magaling na aktor at direktor si Eric Quizon kundi mahusay ding dubbing direktor gaya nang ginawa nito sa pelikulang Ingles na pinamagatang The Iron Ladies na isinalin sa Tagalog sa pamamagitan ng mga tinig nina John Lapus, Raymond Bagatsing, Aiza Seguerra, Jeffrey Quizon, Candy Pangilinan at Wowie de Guzman.

Noong una ay atubili siyang tanggapin ang pagiging dubbing direktor pero na-challenge si Eric sa bagong assignment na ipinagawa sa kanya ng Solar Films. Enjoy silang lahat habang nasa dubbing studio.

Ang resulta, naging maganda at super ang katatawanang mapapanood sa pelikula na tumatalakay tungkol sa Thai male volleyball team na nanalo sa national championship noong 1996 kung saan ang koponan ay binubuo ng mga bading. Sa press preview ay nag-enjoy ang mga press people kahit katatawanan ito dahil sa magandang mensahe na dapat ay igalang ang karapatan ng mga bading na humihingi din ng respeto sa kanilang kapwa.

Ayon pa rin kay Eric naging malaking hit ang pelikula nang ipalabas ito sa Toronto Film Festival.
Dingdong, Matalbugan Kaya Si Jericho?
Pinakamagastos na soap opera ang Sana Ay Ikaw Na Nga sa taong ito dahil talagang pinaganda ang istorya at malalaki pa ang casting. Malaking suporta ang ipinagkaloob ng GMA kay Dingdong Dantes na inilunsad kamakailan sa isang bonggang presscon ang pagtatambal nila ni Tanya Garcia. Dahil dito ay maraming nagtatanong kung matatalbugan kaya ng young actor ang tagumpay na inaani ngayon ni Jericho Rosales sa Pangako Sa ‘Yo.

Ito ang naging pahayag ni Dingdong "Wala akong balak na makipagkumpetensya kahit kanino. Ayaw kong i-compare ako sa iba basta’t ang gusto kong ipamalas ay ang kakayahan ko sa pag-arte," aniya.

Hanga rin sa aktor ang kaparehang si Tanya dahil sinabi nito na hindi siya mahirap mahalin dahil gentleman ito, magalang, maalalahanin at kitang-kita ang pagiging edukado. May posibilidad na ma-link sila sa isa’t-isa, di ba?

AIZA SEGUERRA

CANDY PANGILINAN

DAHIL

DINGDONG DANTES

ERIC QUIZON

IRON LADIES

JEFFREY QUIZON

JERICHO ROSALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with