^

PSN Showbiz

Assunta, di kayang panoorin ang sariling pelikula

- Veronica R. Samio -
Marami ang nakapuna na nang ipalabas ang raw trailer (di pa nami-mix, di pa napapa-censor) ng movie ni Assunta de Rossi na Hubog ng Good Harvest Productions na kung saan ay kasama niyang gumaganap ang kanyang kapatid na si Alessandra with Jay Manalo and Wendell Ramos ay kung saan saan siya tumitingin kapag ipinalalabas na ang mga eksena niyang bold, yung love scenes niya with Wendell and Jay. Kundi naman ay ibinababa niya ang kanyang tingin, kahit saan basta hindi lamang sa monitor na nagpapakita ng ilang mga eksena ng pelikula na ayon kay Joel Lamangan ay pinaka-highlight ng kanyang 10th year sa pagiging isang direktor at ang kanyang ika-25th movie.

"Hindi kasi ako yun eh," pauna ni Assunta na hindi gaanong nasakyan ng kasamang Letty Celi na akala ay nagpapa-double ang batang aktres. "Hindi po, ang gusto kong sabihin ay hindi ako yun kundi ang karakter na ginagampanan ko sa movie. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganung eksena. Trabaho lang yun na kailangan kong tapusin. Pero, hindi ibig sabihin ay hindi ko ibinigay ang lahat ng makakaya ko. On the contrary, talagang pinagbuti ko ang pagganap. Siguro nagustuhan naman ni Direk Joel ang performance ko dahil, hindi niya ako pinagalitan o sinigawan," dagdag pa ni Assunta.

Ang pelikula na pinamagatang Hubog ay intended for the Metro Manila Film Festival. Hinuhulaan din ng marami na magiging isang malakas na contender si Assunta sa best actress category. Bagaman at magaling din ang performance ni Alessandra, ang kanyang role ay support lamang. Sina Assunta lamang at Jay ang nasa lead categories ng pelikula.
*****
Trailer pa lamang ng pelikula na dinirek ni Marilou Diaz Abaya na pinamagatang Bagong Buwan ay naiiyak na ako. Ganun ka-emosyonal ang pelikula na magtatampok na naman kay Cesar Montano sa isang napaka-eksplosibong pagganap bilang isang doktor na Muslim na napilitang humawak ng baril at makipaglaban nang mamatay ang kanyang anak sa sagupaan ng military at Muslim sa isang rebel camp.

Sa kabila ng kanyang edukasyon, pinatunayan niyang muli na blood is thicker than water.

Ang Bagong Buwan ay isang co-production venture ng Star Cinema at Bahaghari Productions na pinamumunuan ni Margie Moran-Floirendo.

Ang Bagong Buwan ay sumisimbolo sa pagsisimula ng Ramadan (Nob. 16), isang mahalagang panahon sa mga Muslim. Panahon ito ng fasting, penance at spiritual cleansing.

Ang Bagong Buwan ay hindi pro-Christian/military o pro-Muslim. Ito ay pro-peace. Ayon kay Direk Marilou, sumisimbolo rin ito ng pag-asa, isang mensahe ng kapayapaan.

Habang ginagawa ang pelikula ay may mga kinatawan mula sa National Defense at MNLF na kinunsulta. Tumulong din sila sa mga writers na sina Ricky Lee at Jun Lana during the writing of the screenplay.

Kasama ni Cesar sa pelikula sina Amy Austria, Caridad Sanchez, Carlo Aquino, Jiro Manio, Jodi Santamaria at Jericho Rosales sa isang napaka-mahalagang role.

Ang Bagong Buwan ay ikatlong pelikula ni Marilou sa Star Cinema. Unang dalawa ang Ipaglaban Mo (The Movie) (1995) at May nagmamahal Sa Iyo (1996).

vuukle comment

ALESSANDRA

AMY AUSTRIA

ANG BAGONG BUWAN

ASSUNTA

BAGONG BUWAN

ISANG

PELIKULA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with