Eric Quizon, binayaran ng P200,000 bilang dubbing director
November 30, 2001 | 12:00am
Kung kaabang-abang man ang pelikula ng Solar Films na The Iron Ladies bukod sa ito ay istorya ng isang grupo ng mga bading na bumuo ng isang volleyball team at dinala sa tagumpay ang kanilang kinakatawang distrito, ito ay ang pangyayaring pawang mga matitinik at malalaking artista natin sa pelikula at telebisyon ang kinuha para bigyan ng boses ang mga pangunahing tauhan sa istorya.
Sa pangunguna ni Eric Quizon na siyang naging dubbing director at nagbigay boses sa karakter ni Mon, ginamit din sa pelikula ang boses nina John Lapus (Jung), Raymond Bagatsing (Chai), Aiza Seguerra (Coach Bee), Jeffrey Quizon (Nong), Candy Pangilinan (Pia) at Wowie de Guzman (Wit). Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, binayaran si Eric ng halagang P200,000 para sa kanyang trabaho at ang mga kasama niya ay tumanggap ng tig-P50,000 each.Kaya pala naroroon siya sa press preview ng movie na ginawa sa New Frontier Cinema. Bihira kasing makakita ng artista sa mga ganitong pagkakataon, pwera na lamang kung kasabay ng preview ang presscon.
Ang The Iron Ladies ay hango sa isang true story ng isang grupo ng mga lalaking volleyball players na naging national champions nung taong 1996 sa Thailand. Ang pelikula ay pinangungunahan ng mga tunay na lalaking aktor. Sumira ito ng takilya sa panahong lugmok ang industriya ng pelikula sa Thailand.
"Halos hindi kami makapaniwala. Bunga siguro ito ng desisyon ko na kumuha ng mga bagong mukha, naiibang iskrip at bagong istilo ng direksyon," anang producer na si Visute Poolvoralaks. Ang pelikula ay naging matagumpay din sa Toronto Film Festival na kung saan ay unang napanood ito ng maraming Pilipino na dumalo sa nasabing okasyon.
Inamin ni Dina Bonnevie na lubha siyang nahirapan sa kanyang role sa pelikula ng Viva Films na pinamagatang Tatarin, isang ritwal na hanggang ngayon ay isinasagawa pa rin sa ilang lugar dito sa Kamaynilaan at titulo ng isang nobela ng National Artist na si Nick Joaquin.
"Hindi madaling katrabaho si Tikoy Aguiluz, unang-una na," pauna niya. "Inaabot kami ng magdamagan sa shooting pero, naintindihan naman naming lahat na may hinahabol kaming deadline.
"Napakainit din ng costume ko. Bukod sa kamison at pang-itaas, anim na pang-ibabang damit ang pinagpapatung-patong para maging mabolga ito. Kapag wala nga akong take, itinataas kong lahat ito at tumatapat ako sa electric fan. Di ko na inaalala kung nasisilipan man ako. Ginhawa lang ng pakiramdam ang hanap ko," dagdag pa niya.
Apat na magagandang mestisa dresses ang ginawa para kay Dina para sa pelikula. Dalawa dito ay ginawa ni Pitoy Moreno.
Matagal nang hawak ni Dina ang script ng pelikula pero, di siya pumayag na gawin ito nung una dahilan sa masyadong napunta ang istorya sa sexual awakening. "Di naman ako bold star," aniya.
Na-consider din sina Lorna Tolentino at Rosanna Roces pero, sa ilang kadahilanan ay hindi ito napunta sa kanila. Bumalik ang role kay Dina. "Siguro talagang intended sa akin ang role," aniya.
Ang Tatarin ay isang pagkamulat ng isang babae sa kanyang karapatan bilang tao at bilang isang asawa. Ito ang role na ginagampanan ni Dina. Asawa niya si Edu Manzano na aniya ay bagay na bagay sa kanyang role na isang Don. "Siya lamang ang naisip kong artista na bagay na bagay sa role. Bukod sa kanyang itsura at tindig na mukha talagang illustrado, maganda pa rin ang kanyang pangangatawan. Ito ang naging kalamangan niya kay Albert Martinez na kinonsider din for the role," dagdag pa ni Dina.
May isang erotic dance si Dina sa pelikula. "Dalawang linggo ko itong pinag-aralan. Akala ko nga lalabas na seksi pero mas seksi yung ginawang dance ni ChinChin (Gutierrez) dahil kitang-kita ang lahat ng parte ng katawan niya," imporma niya.
Kasama rin sa Tatarin sina Carlos Morales na may napaka-mahalagang role, Rica Peralejo at Patricia Javier.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended