^

PSN Showbiz

Ano, sa phone lang nag-break sina Nikki at Troy

ALARMA - Eric John Salut -
Life has to go on for Nikki Valdez after her failed romance with Troy Montero. Nikki keeps herself busy with work at ito nga ang therapy niya para madaling maka-recover sa pain brought about by the break-up. What’s good about Nikki, wala kang maririnig na salita against Troy. November 5 sila nag-split pero hanggang ngayon ay wala pang word na nanggagaling kay Nikki as to what the real score is sa hiwalayan nila ni Troy.

May nakapagkuwento sa amin na nag-break sina Nikki at Troy via phone lang. Meaning, hindi na sila nakapag-usap ng matino at since then, hindi pa sila muling nagkikita.

Sabi nga, kapag may ’di magandang pangyayari sa buhay ng isang tao (specially sa lovelife), isubsob mo ang ulo mo sa trabaho at madali kang makaka-recover. Ganito ngayon ang drama ni Nikki.

Nakatapos na siya ng isang movie kasama sina Claudine Barretto at Rico Yan, ang Gotta Believe In Magic under Star Cinema. Marami ang hindi nakakaalam na may solo concert si Nikki sa Sabado, December 1, 9 p.m. sa Music Museum. Ito ’yung Nikki Beyond Limits na benefit show na prodyus ng Banal Na Pag-aaral Catholic Movement, special guest sina Marco Sison at JM Rodriguez. Si Alain de Leon ang director ng show.
*****
Nakakatuwa naman ang nangyayari kina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Imagine, pareho silang aminadong hindi professional singers pero nag-top sa radio charts ang kantang "Meron Ba?" na kasama sa original soundtrack ng Trip. Si Nikki Valdez ang original na kumanta ng "Meron Ba?" Pero ginawan ito ng duet version nina Echo at Tin para sa promotion ng recent movie nila.

As of the latest survey conducted sa mga radio stations like Star FM, Yes FM, DM, KY, Love Radio, DWKC, RX at WRR, nag-number one ang nasabing song sa OPM Chart at number 4 sa over-all foreign and local songs. At ang the height, just last Saturday sa Magandang Tanghali Bayan ay ginawaran sina Echo at Tin ng gold record award ng Star Records.

O, di ba naman at hindi lang sa TV at pelikula successful sina Echo at Tin, pati na rin sa recording. There’s really no stopping the two from emerging as local showbiz’s most bankable stars.
*****
Kung si Bernard Palanca ang masusunod, gusto na niyang mag-stop sa paggawa ng all-out sexy movie si Rica Peralejo. But since hindi si Bernard ang tipo na hahadlangan ang growth ng isang taong mahal niya, hindi niya pinipilit si Rica na sundin ang gusto niya. Instead, hindi na lang pinanonood ni Bernard ang mga movies ni Rica.

"I can’t stand seeing her do love scenes with her leading man. But since I have no choice, hindi ko na lang pinanonood ang movies niya. Mahirap na, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko," sabi ni Bernard.

Sa December 3 ay birthday ni Bernard. Wala pa siyang plans kung paano niya ito isi-celebrate but for sure, magkakaroon sila ng celebration ni Rica.

"I might have a birthday show," sabi ni BJ (palayaw ng aktor). "Siguro, ii-invite ko si Rica sa show ko."

Malaki ang ipinagbago ni Bernard mula nang mabihag niya ang puso ni Rica. No wonder, botong-boto ang pamilya ni Bernard kay Rica. Kung si Rica daw ang mapapangasawa ng binatang Palanca, wala silang reklamo.

vuukle comment

BANAL NA PAG

BERNARD

BERNARD PALANCA

CATHOLIC MOVEMENT

CLAUDINE BARRETTO

MERON BA

NIKKI

RICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with