^

PSN Showbiz

Gloria Romero, reyna rin ng pelikulang Tagalog

DERETSAHAN - Arthur Quinto -
Kayumihan, kahinhinan at kabaitan ang naikintal na imahen ni Gloria Romero bilang aktres at itinuturing na reyna ng pelikulang Tagalog. Maraming nag-aakala na hindi siya marunong magalit. "Nagagalit din ako, pero sandali lang," sabi niya sa Regal coffee shop noong Linggo.

"Sometimes, I’m a little impatient. Kasi, I want everything done properly. But I have learned to accept certain realities in showbiz. Nakakaapekto kung minsan yung mga young stars na biglang magpapaalam sa set dahil may ipo-promote na pelikula o magpi-pictorial. Some have to go to school and I say, that’s good. Naiintindihan ko sila."

Metro Manila Film Festival
entry ang latest movie niyang Bahay ni Lola kung saan gumaganap siya bilang isang mabait na multo na binabantayan ang kanyang pamilya. "I couldn’t recall exactly kung pang-ilang pelikula ko na itong Bahay ni Lola, but I think I have made less than 200 films in all."

Si Gloria Ann Galla ay ipinanganak sa Denver, Colorado, USA noong Disyembre 16, 1933. Apat silang mga anak nina Mary Miller at Peter Galla. Sila’y sina Louise, Gloria, Tito at Gilbert. "My sister Louise stays in Sacramento, California. Gilbert is in Delaware," sabi niya.

Wala siyang plano na manirahan sa Amerika o magtrabaho doon. "Kasi, hindi naman ako puwedeng mag-dishwasher, o magtrabaho sa fastfoods o mag-baby sitter. May vertigo kasi ako. Pag masyado akong pagod, umiikot ang paningin ko. Before I accept any project, sinasabi ko na meron akong cut off time. Hanggang 12 p.m. lang ako. They honor it naman."

Sa Mabini Riverview High School sa Mabini, Pangasinan nagtapos si Gloria. "High school pa lang, hilig ko nang mag-artista. Declaimer ako noon and my favorite piece was "Nobody Cares". Nakakapagpaiyak ako ng tao noon pa."

Noong 1949, kuwento ni Gloria, nagpunta sa Pangasinan si Jaime Castelvi at grupo nito, inamuki siya (Gloria) na subukin ang pelikula. Si Jaime (tatay ni Romano na asawa ni Jean Lopez) ang nagpakilala kay Gloria kay Doña Adela Santiago ng Premiere.

"Extra muna ako sa Premiere, sa Prinsipe Don Juan, noong 1949, tavern girl ang role ko, Anita Linda was the queen then. I was only 16 that time. Tapos, my uncle, Nario Rosales, saw me, chief editor siya sa Sampaguita, sabi niya, "Kung saan-saan ka nagpupunta,’ so, he introduced me to Mommy Vera during a Christmas Party in Sampaguita. In 1950, nag-extra muna ako sa Kasintahan sa Pangarap with Pancho Magalona and Tita Duran, directed by Eddie Romero. Nang i-introduce ako sa Madame X, doon na pinalitan ang apelyido ko. Yung Galla, ginawang Romero after my first director in Sampaguita, kay Eddie Romero nga."

Sabi ni Gloria, tutol ang tatay niya na palitan ang apelyido niya. Nang pasukin ni Tito Galla ang pelikula noong 1955 at ipakilala sa Society Girl ni Rita Gomez, talagang hindi pumayag ang tatay nila na hindi gamitin ang Galla.

Nang mamatay si Tito noong 1979, labis itong dinamdam ni Gloria. "Three years akong nawala sa pelikula after my brother died. He was only 42 then. I went to the States at nagbalik lang ako noong 1982. I did to Mama With Love, sa Regal later."

Memorable films ni Gloria ang Dalagang Ilocana, 1954, kung saan siya unang nagkamit ng best actress, Famas award, Saan Nagtatago ang Pag-ibig at Nagbabagang Luha kung saan siya nagwaging best supporting actress at Tanging Yaman na masasabing grandslam awardee siya bilang best actress, puwera sa Star Awards, noong isang taon. Sa Sampaguita, hindi niya malilimutan ang ilang pelikula, gaya ng Hongkong Holiday, Cofradia, Kurdapya, Hindi Basta-Basta at ang dalawang pelikula sa buhay ni Ferdinand Marcos, Iginuhit ng Tadhana at Pinagbuklod ng Langit. Siya ang unang gumanap bilang Imelda Marcos, kung tutuusin.

Beynte-syete anyos si Gloria nang magpakasal kay Juancho Gutierrez. "My vibrations were that strong noon. I knew that I wanted to marry him. And if you’ll ask me about regretting marrying that time, no, I didn’t have any regret at all."

Sampung taon silang nagsama hanggang maghiwalay. Nagkaroon sila ng isang anak, si Maritess Gutierrez, kumuha ng BS Psychology sa Maryknoll, nakapag-asawa pagkatapos, at ngayon ay nasa isang restaurant business, sa Areza. "Six years na sa business niya si Maritess, and for Juancho, he is now paralyzed, he had a stroke."

Ngumingiti lang si Gloria sa tanong kung inaalagaan niya ang ex-husband niya ngayon. Parang ayaw niyang tunghan ang kalungkutan, tulad na lang ng pagkamatay ni Nida Blanca. "I was dubbing for Bahay ni Lola when Wenn Deramas called me up na patay na raw si Nida. I thought she had a stroke while driving. I was trembling, I was shaking when I learned how she died.

"Naging close kami ni Nida when we did Forty Carats. She’s matulungin, very sweet, masayang kasama at wala siyang takot. When we were making Anak ni Biday vs. Anak ni Waray, 1984, tinulungan niya akong magsayaw. Kasi, I don’t know how to dance dahil parehong kaliwa ang mga paa ko."

Si lola Carmela si Gloria sa Sa Dulo ng Walang Hanggan. Nahihirapan siya sa inilalagay na prosthetics sa kanya para gawin siyang matandang-matanda. "Pero okey naman," sabi niya. "Kaya siguro ako ang kinuha doon, wala nang ibang gumanap, ako na lang." At napatawa siya. Sa tagal niya sa pelikula, meron pa kaya siyang papel na hindi pa nagagampanan?

"I don’t know," sabi niya, "siguro, marami-rami pa rin ang role na nababagay sa akin. Pero hindi ko iniisip ‘yon. When a script is presented to me, at cute naman siya, okey lang, tinatanggap ko."

AKO

EDDIE ROMERO

GLORIA

KASI

KUNG

LANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with