Joey, di pa accepted ang sakit ni Alma
November 26, 2001 | 12:00am
Kinumusta ko ang kalagayan ni Alma Moreno noong Miyerkules noong nakaraang linggo bago pa man naaksidente ang anak niyang si Vandolph.
Para naman siyang walang dinaramdam na sakit habang kumakanta kasama ang kanyang singing group sa Another World, Bar and Grill House na pag-aari niya sa Sucat, Parañaque. Bago kantahin ang "I Will Survive", sabi niya sa mikropono, "Para ito sa mga tao na matatag ang damdamin na tulad ko!"
Less than one hour ring performance yon, at mukhang nagi-enjoy naman ang aktres. Sabi ni Mila Parawan, pro ni Alma at Joey Marquez, "May three weeks pa lang na binuksan muli itong Another World. Noong panahon ng election, isinara ito. Kaya ito pinabuksan muli ni Mayor Joey para malibang si Alma. Kaysa naman yung sakit lang niya ang isipin niya."
Paano ba nagsimula itong sakit ng actress? "Bandang March yan nagsimula," patuloy ni Mila. "Nagising lang siya isang umaga na namamaga ang kalahati ng mukha niya pati yung braso niya sa kaliwa. Ni-rush siya sa Makati Med at nakita nga yung findings na meron siyang multiple sclerosis."
Si Alma naman ang nagpaliwanag, pagkatapos. "Sa brain ko, parang may usok," yon ang nakita nila. Tapos, di ba, meron pa akong scoliosis, itong buto ko sa likod, saka meron pa akong slip disc."
Pinagbawalan si Alma na huwag masyadong mag-iisip at huwag magpakapagod.
"Pagkatapos ng election, nagpunta ako ng America," patuloy ng aktres. "Una sa isang hospital sa Los Angeles, tapos sa Boston. Sa brain ko, dumami yung mga usok na nakita. May inirekomenda silang gamot sa akin, hindi nito mai-stop yung sakit kung hindi ipo-prolong lang yung buhay ko, ang halaga ng ituturok na gamot, 10,000 US dollars, twice a year. Hindi pa ako nakakapagpaturok niyon at doon pa sa America yon. Kaya nga doon ako magpa-Pasko, kasama na ang pamilya."
At ano naman yung nag-concert pa raw siya sa LA? "Nagdaan lang kami doon. May nag-request, yung Filipino community doon, apat na kanta lang at mga sayaw ang ginawa ko doon, kasama ko si Raffy. Napansin ko, yung audience, tahimik na tahimik. Nakakarating din sa kanila yung mga dyaryo natin at meron namang Filipino channel doon. Alam nila, may sakit ako. Kaya after my first song, sabi ko sa kanila, "Huwag po kayong mag-alala, hindi pa ako mamamatay!"
Sa gitna ng kanyang karamdaman, nakakapagbigay pa rin siya ng sense of humor. "Kailan ba yon?" recall ni Alma. "Last week lang ata. Kausap ko si Joey. Sabi ko, " Joey, pag namatay ako, gusto ko, sa puting kabaong. Saka gusto ko, cremation, para hindi na ako dinadalaw pa sa sementaryo taun-taon." Sabi sa akin ni Joey, He! Tumigil ka nga diyan!At tumahimik na siya. Hanggang ngayon, hindi pa matanggap ni Joey na maysakit ako. Ganun din ang mother ko. Lalo na nung una, si Mama, iyak nang iyak."
Kailan at paano tinanggap ni Alma ang kalagayan niya? "Pagkatapos kong malaman sa Makati Med yung sakit ko, iyak ako nang iyak. Kaya kami nagpunta ng States, para sa second opinion, eh ganun din ang resulta, kaya tinanggap ko na. Pero mas nakikita ko yung mga taong malalapit sa akin ang mas nag-aalala. Gaya ni Mark. Sabi ko sa kanya minsan, Bakit tahimik ka lang? Bakit hindi mo ata ako kinakausap gaya noon? Sabi niya, Kasi, Mama, pag kinausap kita at sinabi ko sa iyo ang problema ko, baka mag-isip ka lang, mas makakasama pa sa iyo, sabi niya."
Eh si Vandolph naman? (Hindi pa naaaksidente noon si Vandolph sa Pangasinan kasama ang girlfriend niya) "Tahimik lang si Vandolph. Pero very sensitive yan. Para ring si Yeoj. Tahimik din yung anak kong yan, alam niya, pero hindi siya nagtatanong. Ten years old na yung panganay namin ni Joey."
Sabi ni Alma, alam ng mga kasambahay niya kung sinusumpong siya ng sakit. "Talagang ang sakit-sakit ng ulo ko pag sinusumpong ako. Unbearable pain talaga. May iniinom akong gamot na inirekomenda ng doktor. pag talagang matindi, umiinom ako ng sleeping pills. Pag gising ko, okey na."
Sa reaction ng mga tao nagugulat si Alma. "Minsan, namasyal kami sa mall, may lumapit sa aking babae, sabi niya, Alma, gabi-gabi, ipinagdarasal ko ang maaga mong paggaling. Doon ako nata-touch. Ang dami palang nagmamahal sa akin. Sabi nga nila, pag mas marami ang nagdarasal para sa iyo, mas lalo kang pinakikinggan sa Itaas."
Kung alok lang sa pelikula ay marami si Alma. Pero dahil nga sa kalagayan niya, ayaw muna niyang tumanggap ng project. Inisip pa rin niya ang ilang alok sa telebisyon gaya sa Larawan sa isang episode. Tatanggapin niya ang isang Christmas Special na ipalalabas sa GMA 7 featuring her and her family. Sana nga, bago ang taping, gumaling na si Vandolph sa Makati Med.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended