^

PSN Showbiz

Kristine, mahaba na ang sungay: Pinahihirapan ang staff & crew ng Pangako Sa 'Yo

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Sa halip na mapadali dahil magkarelasyon na ang mga bida sa kanilang soap opera ay lutang na lutang ang balitang matinding hirap ang dinaranas ngayon ng staff and crew ng Pangako Sa ‘Yo.

Madalas daw kasing mag-away sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, sina Angelo at Inah ng pamosong serye, at kapag nag-aaway ang dalawa ay natural lang na naaapektuhan ang takbo ng taping.

Nu’ng minsan nga ay masyadong nahirapan ang kanilang make-up artist dahil ayaw pang magpakolorete ni Tintin, samantalang malapit na silang magsimula.

Ang dahilan ni Kristine ay wala pa raw siya sa mood na magpa-make-up at mag-trabaho, dahil nag-aaway sila ni Jing.

Katwiran nga ba naman ‘yun? Dahil sa personal nilang away ni Jericho ay kailangang madamay pati ang kanilang trabaho?

Mabuti pa raw nu’ng walang relasyon ang dalawa at wala silang nagiging problema sa taping, maayos ang takbo nito, dahil wala ngang mga bidang nagpepersonalan.

Sa pinakahuling impormasyon na nakarating sa akin ay ipinatawag na ng Talent Center ang dalawa dahil nakarating na kay Direk Johnny Manahan ang reklamo ng staff, pinangaralan na ang magkarelasyon, kaya sana naman ay maging maayos na ang kanilang taping.

‘Yan ang hirap sa mga artistang magkakasama sa trabaho na may relasyon, sa halip na maging inspirasyon nila ang pagmamahalan ay nagiging hadlang pa sa kanilang trabaho.

Kapag may hindi sila pinagkakasunduan ay nahahalata ‘yun sa rehistro nila sa mga kamera, kaya nawawalan tuloy ng puso at sinseridad ang mga eksenang ginagawa nila.

Ang mga taong ganu’n ay maramot, puro pansariling kapakanan lang ang kanilang inaalala, hindi na nila nirerespeto ang kapakanan ng kanilang kapwa. Tama ba namang dalhin nila hanggang sa set ang kanilang mga problemang personal? Kasalanan ba naman ng staff and crew ang hindi nila pagkakasundo, kung anuman ‘yun na pinag-aawayan nila?

Totoo nga bang masyado nang nagpapaka-prima donna sa set si Kristine dahil may kung sino siyang ipinagmamalaki sa bakuran ng Dos?

Aba, habang maaga pa ay kailangan nang putulan ng sungay ang nagmamalditang dalagang ito!

Noon pa umiikot ang balitang masyadong spoiled sa taping si Kristine, pero hindi namin pinaniniwalaan ‘yun, dahil baka may kung sino lang na naninira sa kanya.

Pero ngayong mismong staff and crew na ng programa ang nahihirapan ay mukhang panahon na para tigpasin ang sungay ng pagmamaldita ni Kristine, dahil baka dumating ang panahong pati ang mga taong nakatulong sa kung ano siya ngayon ay pagsusuwagin na rin niya.
-o0o-
‘Yung kamalditahan nga kaya ni Kristine ang dahilan kung bakit mas tutok ang istorya ngayon ng Pangako Sa ‘Yo kay Dianne dela Fuente?

Katulong nina Tonton Gutierrez at Jean Garcia ang papel na ginagampanan ng magaling ding kumantang si Dianne, pero kapansin-pansin na sa kanya ang ikot ngayon ng kuwento ng soap opera.

Kunsabagay ay may karapatan naman si Dianne dahil maganda na siya ay may kapasidad pa sa pagganap, at kung pagkanta naman ang pag-uusapan ay huwag na lang nating ikumpara ang dalaga kay Kristine, dahil iiwananan niya nang milya-milya ang basta maganda lang namang si Kristine.

Ang kamalditahan ay iniiwanan sa bahay, Kristine, hindi binabaon sa trabaho!

DAHIL

DIANNE

DIREK JOHNNY MANAHAN

JEAN GARCIA

JERICHO ROSALES

KANILANG

KRISTINE

KRISTINE HERMOSA

PANGAKO SA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with