^

PSN Showbiz

Aktres, pinamanahan ng T-Bird

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Napakaswerte naman ng sikat pa at premyadong aktres na ito dahil mayaman na siya ngayon. Sa pagkamatay ng karelasyong tibo ay tinanggap niya ang lahat ng kayamanan nito. Ang aktres ay nag-aangkin ng isa sa pinakamagandang mukha noon sa showbiz.

Natanggap niya ang halagang umabot sa P23M, tatlong magagarang tahanan at isang mamahaling sasakyan. Pero, nakasulat na hindi niya puwedeng ipagbili ang tatlong bahay. Siguro noong nabubuhay pa ang karelasyon niya alam nito na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang aktres, kaya para makasiguro, inihabilin niya na hindi puwedeng ibenta ang mga bahay.

Noon ay naging kontrobersyal ang aktres dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Sira na ang pagkatao nito dahil sa droga at naghirap din. Nakita siya sa TV ng yumaong T-bird at ipinatawag dahil matindi na ang crush nito sa kanya. Nagbago naman ang aktres at balik-showbiz matapos ma-rehabilitate. Habang nagsasama sila ng T-bird ay inalagaan niya ito nang husto kung saan tumagal ang kanilang pagsasama ng humigit kumulang sa walong taon.

Nang mamatay ang T-bird na may magandang propesyon ay ipinamana nito ang lahat ng ari-arian sa aktres.
MMFF 2001 PRELIMINARY ENTRIES
Napili na ng executive committee ng Manila Film festival 2001 ang 16 preliminary entries na kalahok sa taong ito. Malapit nang simulan ang screening ng mga pelikulang ito kung saan pipiliin ang pitong kalahok sa Magic 7. Ang mga preliminary entries ay ang mga sumusunod: FLT Films-Burles King Daw O... (Comedy/Drama); MMG Films-BRO-Kahit Saan Engkuwentro (Action/Drama); Sunlight Films-Talamak (Action); Teamwork Prods-Bugnoy (Drama); Regal Entertainment-Bahay ni Lola (Horror) Good Harvest Prods-Hubog (Suspense); MAQ Films-Yamashita (adventure); Manhattan Asia Films-Mga Batang Lansangan Ngayon (Children’s Fantasy Drama); Maverick Films-Hesusmaryosep "4 Fathers" (Comedy); Hinabing Pangarap, Inc-Batang Westside (Drama); E-Corp Films-Hindi Kita Ma-Reach (Action); ATB-4 Sapagkat Kami ay Tao Lamang (Drama); Star Cinema Prods-Bagong Buwan (Social Drama); Viva Films-Tatarin (Drama); Neo Films-Mahal Kita, Final Answer (Action/Comedy) and Jolo Films-Walang Iwanan... Peksman (Comedy/Action).
PELIKULANG TUNGKOL SA TERORISMO/BOMB SQUAD
Balik-pelikula ang hinahangaan naming si Steven Seagal via Other Side of the Law ng Solar Films. Ayon sa prodyuser na si Ken Aguado, nakapokus sa simula ng istorya sa mga terorista pero malaking bahagi’y nasa pagkatao at kakayahan ng mga nasa bomb squad sa makabagong panahon. "Mahirap gawin ito dahil kailangang ang ipakikita’y hindi lang sa kasalukuyang gamit at pamamaraan ng mga teroristang bomb squad kundi yung inaasahan pa lang," aniya.

Ayon naman kay Seagal "Itinuturing ko ang pelikulang ito na isang obra maestra at ibang-iba ito sa mga papel na nagampanan ko dahil hindi lang pagiging aktor ang ipinamalas ko kundi gayundin ang pagiging magaling na action star. Ito ang pinakamahirap at pinakamaaksyong pelikula kong nagawa."

Kinunan sa mga lugar na madalas targetin ng mga terorista sa Amerika ang Other Side of the Law kung saan tampok din si Tom Sizemore (Saving Private Ryan) at Dennis Hopper (Speed).

AYON

DENNIS HOPPER

DRAMA

E-CORP FILMS-HINDI KITA MA-REACH

FILMS

FILMS-BURLES KING DAW O

OTHER SIDE OF THE LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with