^

PSN Showbiz

Tina Paner, nagsimula sa sari-sari store, ngayon may grocery na!

RATED A - Aster Amoyo -
Mukhang pangangatawanan na ng Royale Era Entertainment, ang production company na pag-aari ng Gutierrez Family ang pagpu-produce ng mga concerts bukod pa sa pagpu-produce ng pelikula at telemovies. Era stands for Eddie, Ruffa & Annabelle. Last month, naging malaking tagumpay ang prinudyos na concert ng kumpanya, ang The Way We Are which featured Asian Queen of Songs Pilita Corrales and Total Entertainer Rico J. Puno na ginanap sa Country Waffles in Greenhills, San Juan (na pag-aari ng mag-asawang Bert and Carol Nievera). Ito ang nagbunsod sa mag-anak na Gutierrez na muli itong sundan ng panibagong serye on December 7 and 8 (on same venue) na pinamagatang Song & Laughter na tatampukan nina Mitch Valdez at Jessa Zaragoza (on Dec. 7) at Dulce and Allan K. (on Dec. 8). Both shows will have Jinky Llamanzares, Yam Ledesma, Selina Sevilla at Kristina Paner as special guests.

Ayon sa energetic mom ni Ruffa na si Annabelle, darating si Ruffa on November 29 from Europe at siya na rin mismo ang maghu-host ng two-night show.
* * *
Slim ngayon si Tina Paner at bumagay sa frame ng kanyang katawan at height. Although aktibo pa rin si Tina sa kanyang singing and acting career, she admits that her business is also keeping her busy. Lingid sa kaalaman ng marami, si Tina ay matagal-tagal na ring nagne-negosyo magmula nang siya’y magsarili. Sa tulong ng kanyang business-friend na si Rizza Tan, ang maliit na sari-sari store noon ni Tina ay isa na ngayong mini-mart na naghu-wholesale at retail ng mga grocery items. Nakuha na rin nina Tina at Rizza ang distributorship ng mga Universal Robina products in Quezon City na kanilang sinimulan sa P1-M na puhunan. Ngayon ay napalago na nila ito at meron na rin silang 12 staff at apat na delivery trucks.

"Kapag hindi ako busy sa aking showbiz career, ang negosyo namin ang hinahanap ko," aniya.

Kung maganda ang takbo ng kanilang negosyo, aminado si Tina na zero umano ang kanyang lovelife habang ang kanyang mga kapanabayan na sina Manilyn Reynes at Sheryl Cruz ay kapwa na may kanya-kanyang pamilya.

"Siguro, hindi ko pa lamang natatagpuan ang para sa akin," natatawa niyang tugon.

May gap na naman si Tina sa kanyang mommy na si Daisy Romualdez pero umaasa siya na magkakaayos din sila sa hinaharap lalupa’t malapit nang sumapit ang Pasko.
Dulce, maligaya sa bagong pag-ibig
Ibang-iba ang aura ngayon ng singer-belter na si Dulce. May kinalaman kaya ito sa kanyang bagong love o dahil maganda na ang kanyang relasyon sa kanyang ex-husband na si Danny Cruz?

"Actually, pareho," walang kagatul-gatol na tugon ni Dulce.

"Masaya ako sa piling ng second husband ko at sa baby namin at happy din ako sa magandang relasyon namin ngayon ng ex-husband kong si Danny at mga anak namin," pag-amin ng Cebuana singer.

"Sa maniwala kayo’t sa hindi, we were closer ni Danny kesa nung nagsasama pa kami. Dati kasi, wala kaming gaanong communication. Ngayon, mas open kami sa isa’t-isa at natutuwa naman ang mga bata dahil magkaibigang-magkaibigan kami ng kanilang daddy," kuwento sa amin ni Dulce.

Kahit ang stepson ni Dulce na si Darwin Cruz ay very close din ngayon sa kanya at ibinalik na rin nito ang pagtawag sa kanya ng Mommy.

Dulce’s new husband is Bernard Cruzata at may apat na taon na rin silang nagsasama at meron na silang isang three-year-old daughter.

"Ang nakakatuwa kay Bernard, very supportive siya sa akin at sa mga anak ko (kay Danny). Never siyang na-insecure sa mga anak ko at sa magandang pagkakaibigan namin ni Danny (na may sarili na ring pamilya)," aniya.

ALLAN K

ANNABELLE

ASIAN QUEEN OF SONGS

BERNARD CRUZATA

CAROL NIEVERA

KANYANG

RUFFA

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with