^

PSN Showbiz

Marvin, ayaw nang bumalik kay Jolina

ALARMA - Eric John Salut -
Overwhelmed si Marvin Agustin sa tagumpay ng recent movie niyang Trip ng Star Cinema. Bagamat hindi man niya puwedeng masolo ang credit, masaya na si Marvin dahil kahit nga wala siyang masasabing ka-loveteam ngayon ay kumikita pa rin ang kanyang pelikula.

Hindi lang sa movies masasabing tagumpay si Marvin. Masaya rin siya sa magandang takbo ng kanyang pagiging TV actor at host. Si Marvin, kasama sina Rico Yan at Dominic Ochoa ay malaking factor kung bakit hindi natitinag ang Magandang Tanghali Bayan bilang number one noontime show. Plus ang primetime sitcom nilang Whattamen ay isa sa mga top-rating shows ng ABS-CBN.

"Masaya ako kapag nagiging successful sa mga endeavors ko," sabi niya. "Hindi ako naga-aspire na maging super laking artista. Basta hindi lang ako nawawalan ng trabaho, okey na ako."

When asked kung may posibilidad ba na bigyan siya ng ka-loveteam ng ABS-CBN Talent Center lalo pa’t mukhang matatagalan bago sila makitang muli ni Jolina Magdangal sa big screen, "Hindi na rin siguro. Okey na ako sa career ko. Pero depende pa rin kasi ‘yan sa management, eh. Kung napi-feel nila, okey lang. But personally, okey na ako ngayon."

Nakiusap sa amin si Marvin na iparating daw sa public ang kanyang pasasalamat sa mga nanood ng Trip na balitang kumita ng P60 million sa second week nito.
* * *
Sorry na lang dito sa reporter na one-and-only detractor ng Hunks na binubuo nina Diether Ocampo, Jericho Rosales, Piolo Pascual, Carlos Agassi at Bernard Palanca dahil kahit ano’ng gawin niyang paninira sa grupo ay hindi siya uubra. Pinalalabas ng nasabing reporter na flop daw ang show ng The Hunks sa San Francisco, California. The way she reported it, as if ando’n siya sa Amerika at na-witness niya. As if, nakausap niya ang producer na nag-iiyak sa kanya.

Ang inyong lingkod mismo ang magpapatunay na ang San Francisco show nila was a hit. Naroon ako, kasama ko ang buong group ng Hunks at nakita ko kung gaano karami ang tao sa Henry J. Kaiser Convention Center. After the show ay nakasama pa namin sa dinner ang producer ng show at nagpapasalamat sa grupo.

Sorry na lang ulit sa naturang reporter dahil ‘yung kaligayahang naibigay nina Diether, Jericho, Carlos, Piolo at Bernard sa mga kababayan nating Pinoy sa San Francisco at Los Angeles ay hindi niya kayang ibigay. Kahit kumain pa siya ng apoy o tumulay sa alambre.

Next out-of-the-country show ng Hunks ay San Diego, Hawaii at Japan next year.

Speaking of the Hunks, out na ngayon ang Hunks CD na ni-repackage ng Star Records para i-incorporate ang kantang "Darating Ka Pala" at "Natagpuan Ko Na". Inilabas na rin ng ABS-CBN Consumer Products, Inc. ang Hunks Merchandize Line.
* * *
Suwerte ni Laurence Mumar, ang binatilyong anak ni Coney Reyes dahil sunud-sunod ang projects niya. Bukod sa Sa Puso Ko, Iingatan Ka bilang ka-love triangle nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual, join na rin siya sa Tabing Ilog. Siya ang ipapareha kay Jodi Santamaria sa nasabing teen show.

It’s been months lang mula nang i-launch si Laurence bilang member ng Star Circle 10, ngayon ay dalawa na agad ang regular show niya.

"Nakakatakot ‘yung expectations sa akin ng management," sabi nito nang huli naming makausap. "Kaya nga pinagbubuti ko ang acting ko. Mahirap ma-disappoint ‘yung mga umaasa sa akin."

Sa personal life, walang girlfriend ngayon si Laurence. Pero aminado ang binata na marami siyang crushes na pawang mga taga-Talent Center din. Heard nga ang isa rito ay si Jodi Santamaria.

Naku, mukhang mahihiripan siyang makaporma sa dalaga dahil balitang ito ang special girl ngayon ni Paolo Contis.

vuukle comment

AKO

BERNARD PALANCA

JODI SANTAMARIA

MARVIN

PIOLO PASCUAL

SAN FRANCISCO

SHOW

TALENT CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with