Carol after Singapore sa Broadway na ba?
November 23, 2001 | 12:00am
Hindi na nga mapigilan ang patuloy na pananagumpay ng singer-actress na si Carol Banawa. Matapos nitong i-launched sa ASAP last November 11 ang kanyang latest album under Star Records na pinamagatang "Transition", tumulak ito patungong Singapore para gampanan ang isang mapaghamong papel ni Esther, ang love interest ni Judah sa musical epic na Juday Ben-Hur na magsisimulang mapanood on December 2001 sa NUS University Cultural Centre sa Singapore. By April next year, itatanghal ito sa Broadway.
Si Carol ay huling napanood sa papel ni Jewel sa Little Mermaid ng Trumpet Production gayundin din sa Xstatic major concert sa Araneta Coliseum along with Gary Valenciano, Lani Misalucha, Aiza Seguerra, Karylle, Piolo Pascual at Donita Rose. She also played as Gloria Romeros giftted grandchild sa award-winning movie na Tanging Yaman.
Samantala, sa kanyang panibagong album, kanyang binigyan ng panibagong buhay ang awiting pinasikat ng The CompanY, ang "Muntik Na Kitang Minahal" na komposisyon ni Babe Molina.
Ang dating miyembro ng Thats Entertainment ni Kuya Germs at dati ring contract star ng OctoArts Films na si Mikee Villanueva ay isa nang ganap na ina. Isinilang ni Mikee ang first baby nila ng husband niyang si Chris Cadiz, si Brendan, last July 9 sa Queens of Angel Hospital sa Los Angeles, California.
Si Mikee ay ikinasal kay Chris (isang Filipino na naka-base sa San Francisco) nung June 3, 2000 sa Las Vegas, Nevada. For a while, nanirahan sila sa SFO hanggang sa mag-relocate sila sa L.A. seven months ago.
Si Mikee ay nagtatrabaho bilang asst. manager sa Robbins Bros., isang kilalang diamond store sa Amerika habang ang kanyang husband ay nagwo-work naman bilang stock broker sa Morgan Stanley.
Although isa nang family woman si Mikee, on the side ay nakakatanggap pa rin siya ng modeling work sa tulong ng kanyang American agency, ang One Planet Modeling Agency.
Ayon kay Mikee, shes never happier ngayong isa na siyang ganap na ina.
Since parehong nagtatrabaho sina Mikee at Chris, nasa day care si Brendan habang silay nasa trabaho.
Mukhang nagiging suki ngayon ng Virgin Café Tomas Morato (owned and managed by OctoArts big boss Orly Ilacad) ang premiere band ng bansa, ang Side A Band dahil buwan-buwan ay meron silang special performance sa nasabing lugar. Muling nagkaroon ng successful concert ang grupo sa Virgin Café nung Nov. 20 ng gabi, Tuesday at tulad ng mga nakalipas nilang pagtatanghal ay isa na naman itong SRO. Speaking of Side A Band, ang grupo ay nakatakdang magtanghal sa Nakano Sun Plaza Hall sa Tokyo, Japan on February 3 along with Pops Fernandez, Piolo Pascual at Troy Montero in a concert billed as Hearts on Fire, a pre-Valentine offering ng IPS, Inc. (based in Japan).
Si Carol ay huling napanood sa papel ni Jewel sa Little Mermaid ng Trumpet Production gayundin din sa Xstatic major concert sa Araneta Coliseum along with Gary Valenciano, Lani Misalucha, Aiza Seguerra, Karylle, Piolo Pascual at Donita Rose. She also played as Gloria Romeros giftted grandchild sa award-winning movie na Tanging Yaman.
Samantala, sa kanyang panibagong album, kanyang binigyan ng panibagong buhay ang awiting pinasikat ng The CompanY, ang "Muntik Na Kitang Minahal" na komposisyon ni Babe Molina.
Ang dating miyembro ng Thats Entertainment ni Kuya Germs at dati ring contract star ng OctoArts Films na si Mikee Villanueva ay isa nang ganap na ina. Isinilang ni Mikee ang first baby nila ng husband niyang si Chris Cadiz, si Brendan, last July 9 sa Queens of Angel Hospital sa Los Angeles, California.
Si Mikee ay ikinasal kay Chris (isang Filipino na naka-base sa San Francisco) nung June 3, 2000 sa Las Vegas, Nevada. For a while, nanirahan sila sa SFO hanggang sa mag-relocate sila sa L.A. seven months ago.
Si Mikee ay nagtatrabaho bilang asst. manager sa Robbins Bros., isang kilalang diamond store sa Amerika habang ang kanyang husband ay nagwo-work naman bilang stock broker sa Morgan Stanley.
Although isa nang family woman si Mikee, on the side ay nakakatanggap pa rin siya ng modeling work sa tulong ng kanyang American agency, ang One Planet Modeling Agency.
Ayon kay Mikee, shes never happier ngayong isa na siyang ganap na ina.
Since parehong nagtatrabaho sina Mikee at Chris, nasa day care si Brendan habang silay nasa trabaho.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended