Dugong banyaga, pusong Pinoy
November 23, 2001 | 12:00am
Hindi na ako nagtaka nang sa mga unang araw ni Baby M sa Maynila ay sakit ng tiyan ang agad ay dumale sa kanya. Tubig sa bote naman ang iniinom niya. Sanay din siya sa pagkaing hindi luto being half-Japanese and half-English. Ang yelo na kanyang ginamit para palamigin ang kanyang inumin ang naging dahilan ng kanyang pagpabalik-balik sa restroom nung araw na makipagkilala siya sa entertainment press. Dahilan din yun para sa halip na makakanta siya ng live ay isang tape recording na lamang ng kanyang boses ang ipinarinig sa media.
Sayang, ang ganda pa naman ng suot niya. At ang boses niya na narinig sa CD player ay hindi pahuhuli sa pamosong singer sa US na ginagaya niya. Kaya nga siya tinguriang Britney Spears ng Tokyo. Hindi rin siya pahuhuli sa ganda nito, at sa pagdadamit nito.
Apat na international recording outfits ang nag-alok sa kanya ng kontrata. Tinanggap niya ang MCA Universal dahil ito lamang ang pumayag na mag-concert siya sa Pilipinas para sa charity. Ang pangarap niya ay makakanta para sa mga bata na nagdaralita sa Asya, lalo na sa Pilipinas. Tatlong taon siyang tumira ng Pilipinas. Kahit na nakabase sa bansang Hapon, pabalik-balik siya ng bansa para kumanta sa mga depressed areas.
May konsyerto siya sa Linggo Nobyembre 25, sa Virgin Cafe Morato na naglalayong makalikom ng pondo para makapagpatayo siya ng isang bahay ampunan sa Muntinlupa City at isang iskwelahan para sa mga batang Pinoy sa Tokyo.
Ang konsyerto na pinamagatang Baby M Live In Manila ay tatampukan ng mga local talents gaya nina Ron Antonio, dating myembro ng Wise Guys at Jeana V. Producer si Toots Capulong at katulong sa produksyon ni Niccolo Sabiri Cosme.
PolyEast/MCA Universal din ang nilipatan ng pamosong Side A Band. Maraming taon din ang binilang nila sa kanilang nilisang kumpanya bago sila nagpasyang lumipat. At obviously, tinanggap ng PolyEast/MCA Universal na isang milestone event ito sa music industry kung kaya inimbita nito ang mga key execs mula sa kanilang regional office para saksihan ang pagpirma ng grupo ng kontrata sa kanila: Norman Cheng, Chairman of Universal Music Asia-Pacific (UMAP); Steve Moss, Pres. Finance and Regional CFO ng UMAP din at Hans Ebert, VP Regional CFO, Creative Services & Corporate Communications ng UMAP.
Ang Side A Band ay binubuo nina Kelly Badon, Naldy Gonzales, Joey Generoso, Ernie Severino at Joey Benin.
Sayang, ang ganda pa naman ng suot niya. At ang boses niya na narinig sa CD player ay hindi pahuhuli sa pamosong singer sa US na ginagaya niya. Kaya nga siya tinguriang Britney Spears ng Tokyo. Hindi rin siya pahuhuli sa ganda nito, at sa pagdadamit nito.
Apat na international recording outfits ang nag-alok sa kanya ng kontrata. Tinanggap niya ang MCA Universal dahil ito lamang ang pumayag na mag-concert siya sa Pilipinas para sa charity. Ang pangarap niya ay makakanta para sa mga bata na nagdaralita sa Asya, lalo na sa Pilipinas. Tatlong taon siyang tumira ng Pilipinas. Kahit na nakabase sa bansang Hapon, pabalik-balik siya ng bansa para kumanta sa mga depressed areas.
May konsyerto siya sa Linggo Nobyembre 25, sa Virgin Cafe Morato na naglalayong makalikom ng pondo para makapagpatayo siya ng isang bahay ampunan sa Muntinlupa City at isang iskwelahan para sa mga batang Pinoy sa Tokyo.
Ang konsyerto na pinamagatang Baby M Live In Manila ay tatampukan ng mga local talents gaya nina Ron Antonio, dating myembro ng Wise Guys at Jeana V. Producer si Toots Capulong at katulong sa produksyon ni Niccolo Sabiri Cosme.
Ang Side A Band ay binubuo nina Kelly Badon, Naldy Gonzales, Joey Generoso, Ernie Severino at Joey Benin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended