Ogie, paki-explain bakit puro pagsisisi ang topic ng mga awitin mo?
November 22, 2001 | 12:00am
Maganda ang titulo ng pinaka-huling album ni Ogie Alcasid na ginawa niya sa Viva Records, ang "A Better Man". Katulad ng mga nauna niyang album, ipinakikita rito ang katalinuhan ni Ogie sa paggawa ng mga kanta. Marami dito ang pwedeng gamitin sa pelikula at i-revive rin in the future ng ibang artist.
At 34, inamin ni Ogie na malaki ang ipinagbago niya. "I am a better man because of my wife and child," aniya.
Siguro nga pero, paano niya ipaliliwanag na marami sa kanyang mga komposisyon ay tungkol sa pagsisisi, kung bakit huli na nang dumating ang isang pag-ibig, love at the wrong time. Ganito ba ang nararamdaman niya? Maroon ba siyang secret love?
"Wala. Hindi ko nga alam kung bakit ganitong mga klaseng awitin ang nagagawa ko, medyo malalim, malungkot pero, hindi ba maganda?," patuloy niya.
Sa 12 awitin na nakapaloob sa "A Better Man", 11 dito ang sarili niyang komposisyon. Take note, tatlo ang may panghihinayang dahil sa isang nawalang pag-ibig: "Ikaw Sana", "Sana" at "Sana Bukas Mahal Mo Na Ako". Paborito niya ang una, at may kahabaan ito, mga anim na minutong playing time. "Parang sequel ito ng "Bakit Ngayon Ka Lang".
"Kalahating oras ko lamang itong ginawa. Im very enthusiastic about its potential," pagmamalaki niya.
Ang iba pang awitin dito ay ang "Ikaw Pa Rin Pala", "Sa Puso Ko", "Ikaw Lamang" at marami pa. May duet sila ni Regine Velasquez sa album, ang "Hanggang Ngayon" at kasama niya muli ito, pati sina Jaya, Lani Misalucha sa "One".
Nasa SM Davao ngayon si Ogie at ipino-promote ang album. Sa Linggo, Nob. 25, nasa SM Cebu naman siya.
Kung naniniwala kayo at malakas ang loob nyo na gayahin ang seksing kilos nina Madonna at JLo, or if you think youre as divine as Judy Garland, as supreme as The Supremes, divine as Zsazsa, can belt like Regine, croon like Kuh, whether straight kayo o gay, bilis na, mag-audition na para sa Illusione, isang musical review na ipalalabas mula Pebrero hanggang Marso ng susunod na taon sa OnStage, Greenbelt.
Nakatakda ang audition sa Nob. 25, 4-8 pm sa Powerdance Studio sa 6th Flr. parking level ng Shangri-La Mall sa Mandaluyong City, bukas ito sa lahat.
Magdala lamang ng minus one o CD. Maghanda ng isang song and dance number o any excerpt from any Broadway musicale. Pwedeng naka-costume. Sa mga interesado, tumawag sa BPS Entertainment, 6870990 o 6871281.
Nakatutuwang isa na ring composer at painter. (Pinadalhan niya ako ng isang oil painting niya.) ang isang kasama sa hanapbuhay na si Charlie Lozo. Dalawa sa awiting ginawa niya ay napapakinggan na sa radyo ngayon. Inawit ito ng dalawang bulag na singer na sina Evelyn Impon ("Taksil Ka") at George Guevarra ("Kung Kailan Wala Ka Na"). Ang unang awitin ay kasama sa ikatlong album ng singer at ang ikalawa ay nasa second album naman ni Guevarra. Parehong nasa Aquarius Records ang dalawang album.
May ginawa ring dance music si Charlie na isinaplaka ng The Singing Cooks and Waiters, Atbp. Ito ang "Lets Dance Dance Dance". Nag-compose rin siya ng awitin para sa Ivory Records artist na si Rommel Luna.
Si Charlie ay isang movie columnist at publicist ng mga kainan ni Rod Ongpauco gaya ng Ihaw-Ihaw, Kalde-Kaldero, Kawa-Kawali at Aawitan Kayo, Barrio Fiesta, Mikimoto, Bakahan, Manukan chain.
At 34, inamin ni Ogie na malaki ang ipinagbago niya. "I am a better man because of my wife and child," aniya.
Siguro nga pero, paano niya ipaliliwanag na marami sa kanyang mga komposisyon ay tungkol sa pagsisisi, kung bakit huli na nang dumating ang isang pag-ibig, love at the wrong time. Ganito ba ang nararamdaman niya? Maroon ba siyang secret love?
"Wala. Hindi ko nga alam kung bakit ganitong mga klaseng awitin ang nagagawa ko, medyo malalim, malungkot pero, hindi ba maganda?," patuloy niya.
Sa 12 awitin na nakapaloob sa "A Better Man", 11 dito ang sarili niyang komposisyon. Take note, tatlo ang may panghihinayang dahil sa isang nawalang pag-ibig: "Ikaw Sana", "Sana" at "Sana Bukas Mahal Mo Na Ako". Paborito niya ang una, at may kahabaan ito, mga anim na minutong playing time. "Parang sequel ito ng "Bakit Ngayon Ka Lang".
"Kalahating oras ko lamang itong ginawa. Im very enthusiastic about its potential," pagmamalaki niya.
Ang iba pang awitin dito ay ang "Ikaw Pa Rin Pala", "Sa Puso Ko", "Ikaw Lamang" at marami pa. May duet sila ni Regine Velasquez sa album, ang "Hanggang Ngayon" at kasama niya muli ito, pati sina Jaya, Lani Misalucha sa "One".
Nasa SM Davao ngayon si Ogie at ipino-promote ang album. Sa Linggo, Nob. 25, nasa SM Cebu naman siya.
Nakatakda ang audition sa Nob. 25, 4-8 pm sa Powerdance Studio sa 6th Flr. parking level ng Shangri-La Mall sa Mandaluyong City, bukas ito sa lahat.
Magdala lamang ng minus one o CD. Maghanda ng isang song and dance number o any excerpt from any Broadway musicale. Pwedeng naka-costume. Sa mga interesado, tumawag sa BPS Entertainment, 6870990 o 6871281.
May ginawa ring dance music si Charlie na isinaplaka ng The Singing Cooks and Waiters, Atbp. Ito ang "Lets Dance Dance Dance". Nag-compose rin siya ng awitin para sa Ivory Records artist na si Rommel Luna.
Si Charlie ay isang movie columnist at publicist ng mga kainan ni Rod Ongpauco gaya ng Ihaw-Ihaw, Kalde-Kaldero, Kawa-Kawali at Aawitan Kayo, Barrio Fiesta, Mikimoto, Bakahan, Manukan chain.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended