Nida, nagparamdam kay Jolina
November 21, 2001 | 12:00am
Matagal kaming nagkakwentuhan ni Jun Magdangal (daddy ni Jolina) sa ASAP dressing room kung saan ang naging paksa namin ay ang pagkamatay ng premyadong aktres na si Nida Blanca.
Ayon dito, ang huling pelikula ng yumaong aktres ay ang Kung Ikaw Ay Isang Panaginip na tinatampukan ni Jolina. Isang fairy ang papel na ginampanan ni Nida.
Noong araw ng libing ng pinaslang na aktres ay kasalukuyan namang nagda-dubbing sa studio si Jolina at tatlo pang kasama. Kinilabutan sila nang biglang gumalaw ang mike at biglang lumabas sa screen ang yumaong aktres na kaeksena si Jolens. Ang dialogue pa nito ay "Huwag kang sisimangot at tatanda kang katulad ko".
Sinabi ni Jolina na bago namatay si Nida ay nasabi nito kay Lita Santos na gustung-gusto niya si Jolens dahil nakikita niya ang katauhan dito noong kabataan niya.
Sakaling isapelikula ang buhay ni Nida bagay na gumanap sa role niya si Jolina dahil magaling itong komedyante at galawlaw din. Nang makita namin ang larawan nito bilang Haponesa ay kamukhang-kamukha siya ni Nida noon. Marami palang firsts si Jolens na kasama ang yumaong aktres.
First screen test ng aktres ang Mana kasama si Nida. Magkasama rin sila sa first movie niyang Hataw Na. Nang mabigyan ng major role si Jolens sa Adarna Adventure (Ang TV) ay kasama pa rin niya ang premyadong aktres, gayundin sa solo starrer niya na Kung Ikaw Ay Isang Panaginip.
Isa sa tunay na nalungkot sa pagkamatay ni Nida si Jolens dahil parang anak ang turing nito sa kanya at di niya malilimutan ang pagiging maalalahanin nito at talagang napaka-motherly pa. Panay ang pagbibigay nito ng magagandang payo.
Maraming nakalinyang pelikula si Vice-Gov. Mikey Arroyo sa MMG Films pero may option siyang gumawa ng movie outside the company.
Naitanong ko sa kanya kung bakit sinasabi niyang dream movie niya ang Di Kita Ma-Reach. "Kasi malalaking artista ang kasama ko dito gaya nina Elizabeth Oropesa, Eula Valdez, Tommy Abuel at iba. Kaya ganado ako sa pagtatrabaho. May isang eksena dito na kinontrol ko ang pagtulo ng aking luha sa confrontation scene namin ni Elizabeth Oropesa na gumanap na ina ko sa movie."
Dalawang taon nang kasal sina Ian de Leon at Issa Vicente pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang baby. Ayon sa aktor, mahirap ang buhay at kailangang paghandaang mabuti ang pagdating ng kanilang baby.
Nami-miss ni Ian ang buhay binata pero inamin na mas enjoy siya sa married life. Iba ang pakiramdam kapag sinasalubong siya pag-uwi ng bahay at nilalambing ng asawa.
Ayon sa aking source ay nakita niya sa isang otel ang may pangalan ng bold actor kasama ng kanyang mayamang Chinese gay lover. Naroon muna sila sa sing-along bar at pakanta-kanta, painom-inom. Nang gumabi na ay umakyat na ang dalawa sa itaas ng otel at lumabas nang madaling araw. Mahilig talaga ang bold actor na ito at pinipili ang mga mayayamang bading dahil madalang na ang paggawa niya ng pelikula. Sumasayaw pa rin siya sa gay bar para kumita. Kapag natipuhan siya ng madatung na bading ay suma-sideline din siya. Guwapo siya kaya lang hindi marunong umarte kaya hanggang bold movie lang talaga siya.
Ayon dito, ang huling pelikula ng yumaong aktres ay ang Kung Ikaw Ay Isang Panaginip na tinatampukan ni Jolina. Isang fairy ang papel na ginampanan ni Nida.
Noong araw ng libing ng pinaslang na aktres ay kasalukuyan namang nagda-dubbing sa studio si Jolina at tatlo pang kasama. Kinilabutan sila nang biglang gumalaw ang mike at biglang lumabas sa screen ang yumaong aktres na kaeksena si Jolens. Ang dialogue pa nito ay "Huwag kang sisimangot at tatanda kang katulad ko".
Sinabi ni Jolina na bago namatay si Nida ay nasabi nito kay Lita Santos na gustung-gusto niya si Jolens dahil nakikita niya ang katauhan dito noong kabataan niya.
First screen test ng aktres ang Mana kasama si Nida. Magkasama rin sila sa first movie niyang Hataw Na. Nang mabigyan ng major role si Jolens sa Adarna Adventure (Ang TV) ay kasama pa rin niya ang premyadong aktres, gayundin sa solo starrer niya na Kung Ikaw Ay Isang Panaginip.
Isa sa tunay na nalungkot sa pagkamatay ni Nida si Jolens dahil parang anak ang turing nito sa kanya at di niya malilimutan ang pagiging maalalahanin nito at talagang napaka-motherly pa. Panay ang pagbibigay nito ng magagandang payo.
Naitanong ko sa kanya kung bakit sinasabi niyang dream movie niya ang Di Kita Ma-Reach. "Kasi malalaking artista ang kasama ko dito gaya nina Elizabeth Oropesa, Eula Valdez, Tommy Abuel at iba. Kaya ganado ako sa pagtatrabaho. May isang eksena dito na kinontrol ko ang pagtulo ng aking luha sa confrontation scene namin ni Elizabeth Oropesa na gumanap na ina ko sa movie."
Nami-miss ni Ian ang buhay binata pero inamin na mas enjoy siya sa married life. Iba ang pakiramdam kapag sinasalubong siya pag-uwi ng bahay at nilalambing ng asawa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended