^

PSN Showbiz

Paolo, Jodi, lumalabas nang di alam ng partners nila

ALARMA - Eric John Salut -
Mukhang hindi magwu-work ang long distance love affair nina Paolo Contis at Desiree del Valle dahil may nakarating sa aming balita na si Jodi Santamaria ang apple of the eye ngayon ng binatang aktor. Hindi imposibleng mangyari ito lalo pa’t wala na sa bansa si Desiree who quit showbiz for good. Weeks ago ay umalis ito papuntang America para doon na manirahan kasama ang ina at ang may sakit na ama. Hindi nga ito nakapag-promote ng pelikulang Trip dahil biglaan ang pag-alis.

Heard na madalas na magkasama ngayon sina Paolo at Jodi (na kaka-break lang sa boyfriend nitong si Baron Geisler) sa mga lakaran. Plus ‘yung constant togetherness nila sa Pangako Sa ‘Yo kung saan sila ang madalas magka-eksena. Idagdag pa ang programang Tabing Ilog na magkasama rin sila. Break na rin kaya si Jodi at ang napabalitang boyfriend nito na anak ng controversial politician?

Understandable naman kung matuon ang atensyon ni Paolo kay Jodi. Mahirap ang sitwasyon niya. Hanggang kailan siya maghihintay sa pagdating ng girlfriend na walang kasiguruhan kung kailan babalik.

Kung ano ang idinidikta ng puso mo, ‘yun ang sundin mo Paolo!
*****
After ng matagumpay na US concert tour, ang Cebu naman ang bubulabugin nina Diether Ocampo, Jericho Rosales, Carlos Agassi, Bernard Palanca at Piolo Pascual (The Hunks) sa Biyernes, November 23. Magkakaroon sila ng show sa Jiggy’s Bar sa Waterfront Lahug Cebu. Bale ito ang first out-of-town gig nila pagkatapos ng highly successful show nila sa Los Angeles at San Francisco noong November 2 at 3.

First stop nila sa SM Cebu para mag-autograph signing ng newly-released album under Star Records at ng The Hunks Shirts. Kinagabihan ay ang show na nila sa Jiggy’s Bar. Bukod sa regular repertoire nila, kakantahin din ng Hunks ang bago nilang single, ang "Darating Ka Pala" na ni-launch sa ASAP no’ng Sunday. Ang team nina Moy Ortiz, Edith at Margot Gallardo ang nag-compose ng nasabing song.

Performers din ang Hunks sa Advertising Congress na sa Cebu rin magaganap.

Para sa ticket reservations sa show sa Jiggy’s Bar, puwede kayong tumawag sa (032) 232-6888.
*****
Kung papalaring makapasok na maging official entry ang Bagong Buwan sa nalalapit na Metro Manila Film Festival sa December, akmang-akma ito sa temang "promoting Filipino culture and values" ng festival. Ito ang pelikulang ipi-field ng Star Cinema sa festival this year. This early ay matindi ang paghahandang ginagawa ng Star Cinema at ABS-CBN sa promotions ng movie.

Mismong ang direktor ng movie na si Marilou Diaz-Abaya ang nakipag-meeting with the top guns ng Star Cinema at ABS-CBN para masigurong ma-promote ng tama ang movie. We heard na nakakaloka sa ganda ang movie at magi-iwan ito ng tatak sa puso’t isipan ng bawat Pilipino.

Ang Bagong Buwan ay pinagbibidahan ni Cesar Montano kasama sina Jericho Rosales, Jodi Santamaria, Carlo Aquino, Jiro Manio at marami pang iba.

vuukle comment

ADVERTISING CONGRESS

BAGONG BUWAN

BARON GEISLER

BERNARD PALANCA

CEBU

JERICHO ROSALES

JODI

JODI SANTAMARIA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with