Pelikulang magri-react ang mga pari
November 19, 2001 | 12:00am
Kadalasay pagkagulat o di kayay pagkamangha ang madalas na kakabit na damdamin kapag nababanggit ang ekspresyong "Susmaryosep!" na ayon sa nakararami, nagmula ito sa mga pangalang Hesus, Marya at Joseph na bumubuo sa Sagrada Pamilya.
At ang ekspresyong ito ay umakma sa pelikulang ginawa ng Maverick Films na balak nilang isali sa Magic 7 sa darating na Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre na pinagbibidahan ng apat na guwapong aktor na sina Bobby Andrews, Bojo Molina, Polo Ravales at Gerald Madrid na may pamagat na Susmaryosep (4 Fathers)!" na sinulat ng premyadong si Jun Lana at tahimik subalit merong ibubuga na si Edgardo "Boy" Vinarao.
Maituturing na biggest break ni Bobby ang pelikulang ito matapos mabuwag ang loveteam nila ni Angelu de Leon. At dahil nga produkto ng Ateneo de Manila University ang aktor, nakatulong ito sa kanya upang maging makatotohanan ang pagganap niya bilang pari sa maintrigang pelikula na merong lihim.
Rebeldeng pari naman ang role ni Bojo.
Pansinin-dili noon si Bojo at uminit lang ang pangalan niya nang gawin niya ang pelikulang Gusto Kong Lumigaya kung saan isang mapaghamong papel ang ginampanan niya bilang gay friend ni Pops Fernandez.
Isang pilyong seminarista naman si Polo Ravales sa pelikula. Nagbago ang kanyang pananaw nang makilala niya ang isang nobisyada sa isang outreach program.
Of course, nakilala si Polo sa mga pa-cute na movies na ginawa niya sa Viva. Higit na uminit ang pangalan niya nang maging ka-loveteam niya si Sunshine Dizon.
Shocking naman talaga ang role ni Gerald Madrid sa proyektong ito. Maaaring masagi ang sensitibong bahagi ng mga moralista at religious community kapag nabulgar ito. Pero meron nga kayang tulad ni Gerald sa mundo ng kaparian?
Ibat ibang katauhan. Sari-saring emosyon. Maintriga at nakakagulat na kuwento ng alagad ng simbahan at Diyos subalit nakaaaliw at puwede ring nakakabaliw! Handa na ba kayong sumigaw ng Susmaryosep! sa darating na Kapaskuhan?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended