Piolo, may album na
November 19, 2001 | 12:00am
Theres no stopping Piolo Pascual. Bukod sa kanyang pagiging actor, in-demand na ring performer si Piolo hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Katunayan, kababalik lamang niya galing Amerika kasama ang ibang members ng The Hunks na nag-perform sa harap ng mga Filipino community sa Los Angeles at sa San Francisco, California. Sa January 31, 2002 aalis na naman si Piolo patungong Tokyo, Japan for a major concert sa Nakano Sun Plaza Hall sa February 3 kasama ang Side A, Pops Fernandez at Troy Montero. Itoy may kinalaman sa pagiging image model (nila ni Troy Montero) ng Dolphin pre-paid cards na ipinamamahagi sa Japan, Hong Kong at Amerika. Meron din siyang series of shows sa Europe in February. Bukod dito, pinagkakaabalahan niya ngayon ang kanyang debut album under Star Records na nakatakdang i-release on his birthday on January 12 (hes turning 25).
At this early, nag-iisip na rin si Piolo ng negosyong kanyang papasukan. Alam kasi niya na hindi pang habang-buhay ang kanyang pagiging sikat kaya habang kumikita siya ay panay ang kanyang pagse-save.
Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa kanila ni Juday tungkol sa kanilang totoong relasyon. Pero kung pagbabasehan ang kanilang pagiging sweet sa isat isa at pagiging close, walang alinlangan na sila nga. Katunayan, sa recent fans day ni Piolo, hindi niya akalain na sosorpresahin siya ni Juday. Dahil dito, napaiyak ang binata at niyakap nang mahigpit ang kasintahan, este, ang kanyang kapareha sa teleserye na Sa Puso Ko, Iingatan Ka.
Nakapareha na noon ni Donita Rose ang action star na si Rudy Fernandez. This time naman ay ang panganay na anak ni Daboy (Rudy), si Mark Anthony, ang kanyang kapareha sa pelikulang Hesus Rebolusyonaryo na dinirek ni Lav Diaz for Regal Films.
Nung magtambal sina Daboy at Donita ay na-link ang dalawa kaya hindi kataka-taka na ma-link din si Donita kay Mark.
"I think, ganun naman talaga dito sa showbiz na parating nili-link ang leading lady sa kanyang leading man. Okey lang sa akin. After all, binata naman si Mark at dalaga naman ako. Ang ayaw ko lang kung ili-link ako sa may asawa," natatawang pahayag ng MTV Asia VJ.
Anong kaibahan kina Daboy at Mark bilang leading man?
"Pareho silang magaling umarte at parehong mabait. Pero mas maasikaso si Daboy sa set," ani Donita.
Dahil sa matagumpay na two-night concert ng superstar na si Nora Aunor sa Music Museum last October 18 & 19, ang The Legend... Live ay magkakaroon ng repeat concert on December 7 at 9:00 p.m. to be produced by Ace Entertainment.
Kung nagkabati na sina Guy (Nora) at ang prodigal (adopted) daughter nitong si Matet nung ikalawang gabi ng concert ni Guy, makumpleto na kaya ni Guy ang kanyang mga anak (including Lotlot de Leon) sa kanyang repeat concert?
Nung October 19 show ni Guy, tanging si Lotlot lamang ang wala roon, although dumating ito nung first night kasama ang mister na si Monching pero hindi nila tinapos ang show.
At this early, nag-iisip na rin si Piolo ng negosyong kanyang papasukan. Alam kasi niya na hindi pang habang-buhay ang kanyang pagiging sikat kaya habang kumikita siya ay panay ang kanyang pagse-save.
Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa kanila ni Juday tungkol sa kanilang totoong relasyon. Pero kung pagbabasehan ang kanilang pagiging sweet sa isat isa at pagiging close, walang alinlangan na sila nga. Katunayan, sa recent fans day ni Piolo, hindi niya akalain na sosorpresahin siya ni Juday. Dahil dito, napaiyak ang binata at niyakap nang mahigpit ang kasintahan, este, ang kanyang kapareha sa teleserye na Sa Puso Ko, Iingatan Ka.
Nung magtambal sina Daboy at Donita ay na-link ang dalawa kaya hindi kataka-taka na ma-link din si Donita kay Mark.
"I think, ganun naman talaga dito sa showbiz na parating nili-link ang leading lady sa kanyang leading man. Okey lang sa akin. After all, binata naman si Mark at dalaga naman ako. Ang ayaw ko lang kung ili-link ako sa may asawa," natatawang pahayag ng MTV Asia VJ.
Anong kaibahan kina Daboy at Mark bilang leading man?
"Pareho silang magaling umarte at parehong mabait. Pero mas maasikaso si Daboy sa set," ani Donita.
Kung nagkabati na sina Guy (Nora) at ang prodigal (adopted) daughter nitong si Matet nung ikalawang gabi ng concert ni Guy, makumpleto na kaya ni Guy ang kanyang mga anak (including Lotlot de Leon) sa kanyang repeat concert?
Nung October 19 show ni Guy, tanging si Lotlot lamang ang wala roon, although dumating ito nung first night kasama ang mister na si Monching pero hindi nila tinapos ang show.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 18, 2025 - 12:00am