^

PSN Showbiz

Vina, nagdirek ng sariling MTV

THE YOUNG CRITIC - THE YOUNG CRITIC ni Jennifer Miranda -
Maswerte ang mga artistang magaling kumanta at sumayaw. Kahit na matumal ang dating sa kanila ng mga movie offer, may mga show sila sa iba’t-ibang probinsya na pinagkakakitaan din nila ng malaki–kung minsan nga raw mas lucrative pa ang kanilang concert dates kaysa sa mga movies na mahirap pang gawin at matagal pa ang trabaho, di tulad ng mga shows na paghahandaan mo lang, magpe-perform ka sa araw o gabi oras ng concert at tapos na agad–at syempre pa bayad agad. Madalas pa nga advance ang talent fee, libreng accomodations pa. Ganyan idinaraos ni Vina Morales ang kanyang mga araw sa kasalukuyan. Sa Maynila, busy lamang siya sa ASAP, hindi pa siya tumatanggap ng soap opera at wala siyang regular TV sitcom o drama na nangangailangan ng matagal-tagal din namang preparasyon, taping at iba pang schedule.
Nasabay sa problema ni Jinggoy
Huli yatang pelikula ni Vina iyong katambal niya sa isang action-comedy si Jinggoy Estrada na medyo sumablay sa takilya dahil sa mga problema ni Jinggoy sa korte. At saka natural lamang na maging maingat ang mga producers sa pagkuha ng serbisyo ni Vina dahil isa ito sa mga high-priced star at hindi sigurado ang takbo ng mga pelikula sa takilya. Pero hindi pa rin nawawala ang charisma at popularidad sa masa at may large group of fans ang dalaga who remains to be quite a dependable and sought-after star.
Magandang career attitude
Gustung-gusto ko rin ang attitude ni Vina tungkol sa kanyang career dahil hindi siya umuurong sa anumang challenge. Panay pa rin ang kanyang recording at may bago nga siyang release na album. Nagdirek pa siya ng isang segment ng kanyang MTV sa San Francisco, California at maganda ang naging resulta. Hindi naman ibig sabihin nito ay iiwanan na niya ang pagpe-perform upang magtrabaho sa likod ng kamera bilang direktor. Hangang-hanga rin ako sa pananaw ni Vina tungkol sa kanyang kalusugan. Marami ang nagsasabing sobra na raw ang kanyang pagwe-weights at naglalakihan ng masyado ang kanyang muscles sa braso sa kanyang likod. Pero sa tingin ko ay okey lang, maganda nga at mukhang slim, trimmed at energetic ang kanyang image–ang simbolo ng makabagong babae.
Original Bad Boy ng Phil. Movies
Napanood ko kamakailan sa Cinema One ang Anak ng Bulkan, ang unang bersyon, at syempre ang unang tumawag ng aking pansin ay ang batang si Ace Vergel na tampok sa nasabing pelikula. Siguro mga six or seven years old siya noon at talagang he looks like a cherub. Pati tabas ng mukha at ang kulot na buhok ay parang isang anghel. Sinong mag-aakalang lalaki siya bilang original Bad Boy of Philippine Cinema. Nandoon din si FPJ, medyo payat at mas guwapo siya noon kaysa ngayon. Siguro mga early twenties pa lamang siya noon at kasama rin niya roon si Ronald Remy co-star din sinaEdna Luna na isang typical Pinay beauty.

Natural lamang siguro na ang special effects ng pelikula ay mukhang katawa-tawa. Hindi pa tunay na special, hindi tulad ngayon na ang lahat ng mga explosions, tidal waves, conflagrations at lahat ng klaseng disaster ay makatotohanan sa tingin. Noong gawin ang pelikulang ito siguro mga 40 years ago ay talaga namang napaka-basic pa kung ang kanilang special effects ang pag-uusapan. Halatang mga karton lamang ang mga buildings na pinapasabog at studio shots lamang ang ibang eksena ng pagputok ng bulkan na pino-process kasama ang mga shots ng tunay na volcanic eruptions.
Iba ang treatment sa military noon
Pero cute si Ace Vergel, cute din si FPJ at ang talagang remarkable sa movie ay yung treatment ng direktor at writer tungkol sa mga militar. Mga opisyal ng Philippine Constabulary sina FPJ at Ronald Remy–mga simbolo ng katapangan, kahinahunan, katalinuhan at integridad. Di tulad ng pagsasalarawan ng mga militar sa mga local movies sa panahong ito. Kadalasan ang mga militar pa ang utak ng krimen, mga villain at mga taong ubod ng sama. Sa mga present action movies ngayon hindi mawawala ang mga kontrabidang militar. Either they are the real villains or members of an evil force under the payroll of an evil person–oftentimes a high government official. Talaga sigurong iba na ang panahon. Noon ang militar ay simbulo ng katwiran at integridad, ngayon kampon na sila ng kasamaan at krimen.
*****
Email: [email protected]

ACE VERGEL

CENTER

KANYANG

PERO

RONALD REMY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with