^

PSN Showbiz

5 years lang magbu-bold si Assunta

DERETSAHAN - Arthur Quinto -
Naabutan ko si Assunta de Rossi at Michael V. sa isang nakatutuwang eksena ng Bubble Gang, tungkol sa pag-i-spoof ng commercial ads, noong Lunes sa Filmex, Makati. Nagpaunlak sa isang interview ang bold actress pagkatapos. Bukod sa Bubble Gang, may dalawa pa siyang TV shows sa GMA 7, Beh, Bote Nga at Sa Dako Pa Roon. "Isang buwan na akong hindi nagti-taping ng Beh, Bote Nga," sabi niya. "Nagi-enjoy naman ako sa Sa Dako Pa Roon, one month na yung show. Medyo nakakahinga na ako ngayon dahil tapos na yung shooting ng Hubog scheduled to be shown at the Metro Manila Film Festival.

"Masyadong maraming mahirap na eksena. Halos lahat kasi 30 percent ng pelikula, umuulan at hindi lang basta umuulan kundi bumabagyo, tapos, sobrang heavy drama ang movie na ito," patuloy niya.

Retardate ang papel ni Alessandra de Rossi dito. "Kapatid ko siya na habang nagtatrabaho ako, hindi ko alam, ginagamit pala siya ng mga lalake na ang kapalit, isang hamburger," kuwento ni Assunta.

Lumilitaw na mas challenging ang role ng kapatid niya kaysa sa kanya. "Okey lang, kahit ipagkumpara pa ng mga critics ang acting namin. Ako naman ang bida."

Ikatlong bold picture na ito ni Assunta. Nararamdaman ba niyang siya ay exploited? "No, I don’t feel exploited. But I feel cheated, dahil sa mga nangyari na hindi ko gusto."

Biglang nagbalik sa kanya ang ginawa sa kanya sa Sisid. "Ang usapan talaga, tagiliran lang ang makikita na madilim, split second lang. So, hindi na ako nag-plaster. Kasi, alam ko, wala talagang makikita. Only to find out na hindi pala ganun ang kinalabasan.

"Talagang nainis ako. Nung nagkakagulo na kami, sabi nila, dadagdagan na lang daw nila ang talent fee ko para hindi na ako magreklamo. Sabi ko, ano?! That’s adding insult to injury! Hindi ako mukhang pera!"

Eh di kung aalukin siyang muli ng Seiko, hindi na niya tatanggapin? "Ayokong magsalita ng tapos. Maliit lang kasi ang mundo ng showbiz. Pero, siguro, if they’re gonna offer me again a movie, tatanggapin ko, why not? Kaya lang, marami na akong kondisyon. Kung hindi nila kayang sundin, hindi ko na lang tatanggapin! Hindi pa naman yon ang huling-huli kong pelikula, ’no? Hindi naman siguro ako mauubusan ng pelikula."

Pati pala ang dati niyang boyfriend, si Romel Adducul ay naapektuhan sa frontal shot niya sa Sisid. "Apektadung-apektado siya talaga. Ayaw niya talaga at naiintindihan ko siya kung bakit hindi niya pinanood. Eh kung ako nga, hindi ko kayang tingnan ang sarili ko dahil hindi ako yon!"

Dalawang taon at kalahati na nag-on sina Assunta at Romel. Nag-break sila nang pasukin ni Assunta ang pagbo-bold.

Conservative pala si Adducul. "Sobra!" diin ni Assunta. "Ang tingin niya sa akin, diamond talaga. Saddened din ako sa nangyari sa relasyon namin. Actually, lately ko lang siya talaga nakakausap ng matino. Yung talagang kamustahan, walang away, walang sumbatan. Kasi, sabi ko sa kanya, kung gusto mong magpatuloy pa rin yung friendship natin kahit hindi na tayo, wala nang banggitan ng isinasama mo ng loob."

So, meron na ba silang kanya-kanyang bagong someone special? "Honest naman si Romel sa akin. Wala siyang balak na maghanap muna ng iba. Hindi raw ganun kadaling magpalit. Ako, wala rin. Marami akong barkadang lalaki, pero alam nila, hanggang friendship lang. Saka lagi akong may wall. Sa pagkatao ko, ayokong lahat-lahat, alam. Parang nagbibigay ako ng distansya."

Pagkatapos ng limang taon sa bold films, plano ni Assunta na singing career naman ang asikasuhin. Magla-lie low ako at singing naman ang aasikasuhin ko. Nagpasabi na ang Dyna. By that time, dramatic actress na ako at hindi na boldstar. Hindi ako magbo-bold habang buhay. Pag singer na ako, may image rin akong poprotektahan. Dahil ang target ko, mga bata, hindi lang yung matatanda."
*****
Kung may plano si Assunta na maging isang singer o recording artist, ganun din ang pangarap ng Japanese action star na si Jacky Woo na dalawang ulit nang gumagawa ng pelikula sa Pilipinas, pinakahuli ang Dudurugin Ko Pati Buto Mo.

Nasa bansa si Jacky para gumawang muli ng pelikula, The Hustler, at nagri-record siya ngayon ng sampung kanta para sa kanyang bagong self-titled album na iri-release ng Viva Records.

Ano naman ang pumasok sa utak ni Jacky Woo at gusto naman niya ngayong tumanyag sa Pilipinas bilang mang-aawit, eh hindi nga siya matanyag-tanyag dito bilang action star? Si Emy Abuan-Bautista, manager at PRO ni Jacky, ang sumasagot. "It is a novel idea na makarinig ng isang foreigner na kumakanta ng Tagalog songs. Alam ni Jacky na mahirap itong ginagawa niya, but he is trying very hard to let the Filipinos feel na sincere siya sa pagmamahal niya sa bansang ito. Kahit garil sa Tagalog, nagpupumilit siya, at hindi sa pagmamalaki, talagang maganda ang boses niya. Yung carrier single niya, ang ganda-ganda talaga, kahit si Kuya Germs, na-impress sa "Naroon Pa Rin".

Bago mag-Pasko, mabibili na ang plaka ni Jacky Woo dahil kasama rito ang kantang "Christmas Eve", "Sa Isang Kisapmata", "Sa Isang Basong Wine", "Natapos Man" at iba pa. Tungkol sa pagiging action star ni Jacky, sabi ni Emy, "Slowly, he will be recognized as a great action star, patuloy ang pag-aaral niya ng sistema ng action films natin dito. Nabibigyan niya ng trabaho ang mga action stars natin dito. Kapuri-puri, di ba?"

vuukle comment

AKO

ASSUNTA

BOTE NGA

JACKY WOO

LANG

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with