^

PSN Showbiz

Singer, pinaghuhubad

-
Naging bukambibig na ngayon ang pangalan ni Diwata! Hindi lang dahil sa hit single niyang "Sisirin Mo" na patuloy na nire-request ng mga manonood sa tuwing siya’y may live appearance sa mga malls, coliseum, klab, fiesta tours at pribadong pagtitipon kundi lalung-lalo na sa kanyang pagiging daring sa kasuotan. Mahihiya kasi ang bold star sa kanyang show attire. Halos konti na lang ang natatakpan sa kanyang katawan. Kaya naman, paborito siya ng kalalakihan. Inaasam na sana’y maghubad din sa pelikula.

Sa puntong ito, naikwento ng ‘Singing Goddess’ na isang malaking film outfit ang nag-alok kamakailan na gawing movie ang "Sisirin Mo". Nais niyang tanggapin ang offer dahil siya mismo ang bida. Ang kaso, sobrang bold ang ipinagagawa sa kanya. Pinaghuhubad siya sa maraming eksena at may maiinit na love scene pa. Ito na sana ang katuparan ng kanyang pangarap dahil bago siya naging recording artist, pag-aartista talaga ang kanyang unang inambisyon. Ang kaso, hindi niya kaya pang mag-all the way kumbaga.

"Wala naman akong nakikitang masama sa paghuhubad ng mga artista sa pelikula," wika ni Diwata. "Para sa akin, kung may ipapakita’y dapat lang na ipakita. Kaya lang, mas priority ko ang pagkanta."

vuukle comment

INAASAM

KANYANG

KAYA

MAHIHIYA

PINAGHUHUBAD

SINGING GODDESS

SISIRIN MO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with