^

PSN Showbiz

Mikey, walang hinanakit na di nakapareha si Kristine

- Veronica R. Samio -
Malaki ang nagawa ng pagiging isang presidential son kay Mikey Macapagal Arroyo. Never ko siyang nakaringgan ng hindi magandang salita sa kahit sino pa mang tao, maging sa mga kapwa niya artista. Ewan ko kung ganito rin siya nung araw. I never had the opportunity to talk to him lengthily, di tulad ngayon na madali siyang ma-interview lalo’t may ginagawa siyang pelikula. Gaya nang naganap nung Linggo, nang makatapos ang pictorial niya ay nag-imbita siya ng ilang press sa last shooting day ng kanyang pelikulang Di Na Kita Ma-Reach sa Pampanga na nasa ilalim ng direksyon ni Willy Milan at kung saan ay love interest niya si LJ Moreno.

Unang pelikula ito ng bagong tatag na ECor Movie Ventures, sister company ng MMG Films International.

Ikatlong movie ito ni Mikey, matapos niyang gawin ang Mahal Kita Kahit Sino Ka Pa kasama si Judy Ann Santos at ang hindi pa naipapalabas na Walang Iba Kundi Ikaw na kasama naman si Geneva Cruz sa direksyon ni Kaka Balagtas.

Bagaman at malalaking aktres ang nakakatambal ni Mikey, marami ang nagsasabi na isang malaking disappointment sa kanila na hindi ipinahiram ng ABS-CBN para makapareha ni Mikey si Kristine Hermosa. Ano raw ba ang masasabi niya tungkol dito?

"Wala akong hinanakit sa kahit na sino pa man, sa ABS-CBN o maging kay Kristine. Naiintindihan ko naman na baka may schedule silang sinusunod. At saka artista lang naman ako sa movie na sana ay pagsasamahan namin. Hindi ko yun naging problema. Problema na yun ng producer ko," sabi niya.

Wala rin siyang sama ng loob sa mga nagsusulat ng negatibo tungkol sa kanya o maski na sa kanyang pamilya.

"Occupational hazard ito. Hindi ko na pinapansin. lsa pa galing lang ito sa kakaunting tao na siguro ay wala lang magawa," dagdag pa niya.

Bagaman at marami siyang assignments ngayon, he doesn’t attribute this to her mom holding the topmost position in the country.

"Siguro naman I’ve earned this. Matagal na rin naman akong nag-aartista. Pero never akong tatanggap ng public service program sa TV. Dito baka sabihin pa nilang impluwensya ito ng mom ko. Pero, sitcom, oo. In fact, I’m looking forward to doing one in the future."

Excited din siya na makakasama niya sa isang pelikula si Ace Vergel. "Siya at si Gob. Lito Lapid ang mga idolo ko," imporma niya.

Bagaman at itinutukso siya sa kanyang leading lady sa movie na si LJ Moreno, sinabi niya na magkaibigan lamang silang dalawa. Nabalitaan na rin daw niya ang egoy na boyfriend ni LJ na kahit na nasa States ay naririnig niya na madalas ay katawagan ni LJ.

Ganito ba siya ka-sweet sa lahat ng leading ladies niya?

"Sweet ako kahit na hindi ko leading lady. Basta nakasama ko sa trabaho. At marami akong kaibigan na sexy stars, bold stars."

At 32, wala pa siyang balak na mag-asawa. Naghahanap pa siya ng isang disente, maganda at hardworking na babae.

"At hindi ko itatago kapag nagka-girlfriend na ako. Pwera na lang kung siya ang magsasabi na ipaglihim namin ito."

Aksyon muli ang Di Na Kita Ma-Reach. "Isa akong tougie rito na magaling sa billiards. Marami rin akong action scenes. Mayroon din kaming dalawang kissing scenes ni LJ."

Paano niya pinaghahandaan ang kanyang kissing scenes?

"Hindi ako nakakapag-handa dahil dun mismo sa set ko na lang nalalaman kapag may ganito akong scenes. Okay lang sa akin ito dahil lahat naman ng pelikula may ganitong scenes," sabi niya.

Katulad ng ibang leading man na nagreregalo sa kanilang kapareha sa last shoot, may regalong bouquet of flowers din si Mikey kay LJ at isang pares ng red Nike shoes na katerno raw ng sa kanya.

Kasama nga pala sa pelikula sina Yam Ledesma at ang baguhang si Lyndon Jero.
*****
Magiging masaya ngayon sa telebisyon, lalo na sa pagsisimula ng dalawang bagong game shows ng ABC 5na Wheel Of Fortune at The Family Feud.

Kahapon ay nagkaroon ng isang malaking pa-presscon para sa paglulunsad ng dalawang game shows, kasama ang The Price Is Right at marami ang natuwa sa trailer na ipinalabas para sa 3 shows.

Bagay na bagay si Ogie Alcasid na host ng The Family Feud. Nagagawa niyang ibigay ang kasiyahan na hinihingi ng mga kalahok para makalimutan nila ang kanilang tensyon.

Okay din si Rustom Padilla who is hosting Wheel Of Fortune. Isang malaking tulong sa kanya ang co-host niya na si Victoria London na gagastusan ng ABC 5 para sa mamahaling gowns na isusuot nito anim na araw kada linggo.

Inamin naman ni Dawn Zulueta na madali siyang napapayag na lumabas uli sa TV bilang host ng The Price Is Right since fan siya nito simula nung bata siya. Ang ABC 5 justified their offer to her sa pamamagitan nang pagsasabi na palaging lalaki ang host ng show pero tungkol ito sa pamimili at pagsa-shopping kaya bagay lang ito sa isang housewife na katulad ni Dawn. Incidentally, The Price Is Right will be shown starting Nov. 25.

BAGAMAN

DI NA KITA MA-REACH

FAMILY FEUD

MIKEY

NIYA

PRICE IS RIGHT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with