^

PSN Showbiz

Jay, may gay lover!

-
Umalma na si Jay Manalo sa isyung ‘di matapus-tapos na may gay benefactor daw siya kaya nabubuhay siya sa karangyaan at kahit ’di na magtrabaho ay ’di raw siya magugutom.

Kilala sa lipunan ang mayamang bading na nauugnay kay Jay. At ang pagiging kalaguyo nga raw nito ang dahilan kung bakit marangya ang pamumuhay ngayon ng aktor.

"Iharap nila!" seryosong paghahamon ni Mr. Manalo.

"Nakakapikon na. Ang tagal na kasi nilang sinasabi ’yan na kesyo may gay lover daw ako. Na kahit hindi na ako magtrabaho ay sustentado naman daw ako. Eh, sino ba talaga ’yung taong ’yon na sinasabi nila? Kailangan ko pa ring pong magtrabaho. Kailangan ko pa ring gumawa ng pelikula. Hindi sarili ko lang ang binubuhay ko. Alam naman siguro nang lahat na may mga anak ako," dagdag na pahayag ng aktor.

Naging malaking kuwestyon din nga sa lahat ang magagarang sasakyan na ginagamit ngayon ni Jay na paiba-iba raw. At sabi nga, tanging mga sikat at mayayamang personalidad lang sa bansa ang puwedeng magkaroon.

"Yon po ay dahil sa pinasok ko na ang business ng buy and sell ng mga sasakyan. Hindi dahil sa bigay sa akin ’yon nang kung sino, kundi ibinebenta ko rin. Ang hirap kasi sa iba, masama agad ang naiisip.

"Gumawa lang naman ako ng ibang paraan na mapagkakakitaan. ’Di naman kasi, puwedeng dumipende lang sa pelikula. ’Yon ang parati kong sinasabi ’di ba nila maintindihan ’yon?

Samantala, hindi naman nagsalita nang patapos si Jay sakaling magkatotoo ang mga akusasyon sa kanya ngayon na magkaroon nga siya ng kabit na mayamang bakla sa kabila ng kahirapan ng buhay ngayon. (Ulat ni Robert Perez)

ALAM

GUMAWA

IHARAP

JAY MANALO

KAILANGAN

KILALA

MR. MANALO

NAKAKAPIKON

ROBERT PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with