Nida sa piyestahan nadiskubre
November 12, 2001 | 12:00am
Mahiwaga at isang palaisipan ang marahas na pagkakapaslang kay Nida Blanca, isa sa pinakamaningning na bituin na kumislap sa larangan ng pelikulang Pilipino. Si Nida ay pinangalanang Dorothy Jones at mahigit limampung taon ng artista mula nang siya ay mapansin ni Delia Razon, na isa ring artista sa LVN Pictures, sa isang piyestahan. Lakas loob namang nilapitan ni Dorothy si Delia at nagpatulong na maging artista rin. Isinama at ipinakilala ni Delia ang dalagitang si Dorothy na siguro ay 14 anyos pa lamang, at nagustuhan naman ni Doña Sisang de Leon ang pagkagalawgaw nito. Nag-extra noon sa ilang pelikula si Nida bago siya itinampok bilang bituin. Ang pinaka-successful na pakikipagtambalan ni Nida was with Nestor de Villa and they made dozens of movies together. But she was also paired off with Jaime dela Rosa, Rogelio dela Rosa and Leroy Salvador.
Umani ng tagumpay ang lahat ng mga pelikula niya hanggang itinuring siyang reyna sa takilya ng LVN at ang kanyang mga pelikula ay laging pang-anibersaryo o Pamaskong handog ng LVN sa mga manonood. Noong kumalas siya sa LVN bilang isang contract star, lalo pa siyang naging popular at drama naman ang kanyang sinabakan. Lumabas din siya sa Premiere Productions at sa Sampaguita Pictures. Sa pelikulang Miguelito, Ang Batang Rebelde ay nakatanggap ng best actress award si Nida at kasama niya rito sina Aga Muhlach, Eddie Garcia at Gloria Romero.
Lalong matagumpay si Nida sa telebisyon at bukambibig na sa mga Pilipino ang kanilang tambalan ni Dolphy sa John en Marsha sa RPN 9. Patuloy ang paglabas ni Nida sa pelikula hanggang sa kanyang pagkamatay ay naiwan pa nga niya ang isang pelikulang kasama sina Joyce Jimenez at Diether Ocampo. Nahirang siyang miyembro ng MTRCB ilang taon na ang nakararaan at sa opisina nga ng MTRCB sa Atlanta Center sa Greenhills siya inabot ng malagim na kapalaran.
Ang pinakatampok sa kasalukuyan sa mga rumaratsadang sexy stars ay si Assunta de Rossi at pinag-aagawan siya ng lahat ng glossy magazines upang ma-pictorial. Sa katunayan nga ang mga pictorial niya sa FHM, isang magazine ay featured ang kanyang calendar shots in different sexy poses. Ayon sa isang kaibigan na masasabi kong connoisseur of the female form ay mas ma-appeal daw si Assunta sa mas maraming Pinoy dahil nasa kanya ang attribute at quality ng isang ideal sex symbol. Maganda ito pero kaiba ang beauty dahil kahit may pagka-morena ang dating, mestisa rin ang itsura at ang tunog na tunog pa lamang ng kanyang pangalan ay exciting na ang appealpangalang santa pero may halong mediterrenean sound. Kumikilos raw ang image ni Assunta sa imagination ng kanyang mga tagahanga na parang magnet ng kaseksihano baka naman ito ay haka-haka lang ng isang creative PR manager.
Matangkad sa karaniwang Pinay si Assunta dahil may foreign blood nga siya at katamtaman ang pigura. At saka bago sa paningin si Assunta na parang hindi pa alam ang lahat tungkol sa sex di tulad nina Rosanna Roces o Joyce Jimenez na parang napagdaanan na ang lahat at lahat ay dumaan na sa kanila. Una kong napanood si Assunta sa isang lumang Regal movie at medyo may pagka-santang mapaghimala ang kanyang papel. Ngayon ang papel na ginagampanan niya ay bilang biktima ng mapagsamantalang pag-ibig. Kay laki ng agwat ng tema ng kanyang mga papel sa pelikula.
Wala akong nababasa na nali-link si Assunta sa kung sinu-sinong lalaki o kung sinu-sinong aktor, di tulad ng ibang baguhang sexy stars na masyadong kontrobersyal ang publicity. Meron akong nabasa na nagpapagawa ng bahay si Assunta sa Italy. Mahaba pa raw ang lalakbayain ni Assunta at definitely isa siyang major star ng Regal sa hinaharap. Bagaman at pumatok naman ang mga pelikulang Red Diaries at Sisid, kailangan pa rin ni Assunta ang isang blockbuster project tulad ng Scorpio Nights 2 o Ligaya ang Itawag Mo sa Akin para ma-validate ang kanyang pagka-superstar.
Email:[email protected]
Umani ng tagumpay ang lahat ng mga pelikula niya hanggang itinuring siyang reyna sa takilya ng LVN at ang kanyang mga pelikula ay laging pang-anibersaryo o Pamaskong handog ng LVN sa mga manonood. Noong kumalas siya sa LVN bilang isang contract star, lalo pa siyang naging popular at drama naman ang kanyang sinabakan. Lumabas din siya sa Premiere Productions at sa Sampaguita Pictures. Sa pelikulang Miguelito, Ang Batang Rebelde ay nakatanggap ng best actress award si Nida at kasama niya rito sina Aga Muhlach, Eddie Garcia at Gloria Romero.
Lalong matagumpay si Nida sa telebisyon at bukambibig na sa mga Pilipino ang kanilang tambalan ni Dolphy sa John en Marsha sa RPN 9. Patuloy ang paglabas ni Nida sa pelikula hanggang sa kanyang pagkamatay ay naiwan pa nga niya ang isang pelikulang kasama sina Joyce Jimenez at Diether Ocampo. Nahirang siyang miyembro ng MTRCB ilang taon na ang nakararaan at sa opisina nga ng MTRCB sa Atlanta Center sa Greenhills siya inabot ng malagim na kapalaran.
Matangkad sa karaniwang Pinay si Assunta dahil may foreign blood nga siya at katamtaman ang pigura. At saka bago sa paningin si Assunta na parang hindi pa alam ang lahat tungkol sa sex di tulad nina Rosanna Roces o Joyce Jimenez na parang napagdaanan na ang lahat at lahat ay dumaan na sa kanila. Una kong napanood si Assunta sa isang lumang Regal movie at medyo may pagka-santang mapaghimala ang kanyang papel. Ngayon ang papel na ginagampanan niya ay bilang biktima ng mapagsamantalang pag-ibig. Kay laki ng agwat ng tema ng kanyang mga papel sa pelikula.
Wala akong nababasa na nali-link si Assunta sa kung sinu-sinong lalaki o kung sinu-sinong aktor, di tulad ng ibang baguhang sexy stars na masyadong kontrobersyal ang publicity. Meron akong nabasa na nagpapagawa ng bahay si Assunta sa Italy. Mahaba pa raw ang lalakbayain ni Assunta at definitely isa siyang major star ng Regal sa hinaharap. Bagaman at pumatok naman ang mga pelikulang Red Diaries at Sisid, kailangan pa rin ni Assunta ang isang blockbuster project tulad ng Scorpio Nights 2 o Ligaya ang Itawag Mo sa Akin para ma-validate ang kanyang pagka-superstar.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended