^

PSN Showbiz

Naka-tatlong dekada na si Celia Rodriguez

DERETSAHAN - Arthur Quinto -
Halos sa telebisyon na lang napagkikita ang batikang aktres na si Celia Rodriguez ngayon. Ika-apat na niyang show ang Biglang Sibol, Bayang Impasibol sa GMA 7. Dating balikbayan din si Celia noon. Labing-isang taon siya sa LA. Di ba niya na-miss noon ang showbiz?

"When I was in the States, I was dying to come back," sabi niya sa taping ng kanyang show noong Lunes. "I like America but I always like the Philippines. I have been all over the world pero wala nang dadaig sa Pilipinas. First love ko talaga ang movies. Each year, during my 11 year stay ko sa America, I always plan to come back, pero hindi matuluy-tuloy."

Umalis ng bansa ang beteranang aktres noong Abril, 1985. "I was supposed to make a movie with Ishmael Bernal then, about child prostitution in Pangasinan, ang ganda ng role ko, but I have to decline the offer dahil I was already booked for abroad."

Sabi ni Celia, December 1984, katatanggap lang niya ng award for best actress para sa Bulaklak ng City Jail sa Metro Manila Film Festival at ang sumunod na mga buwan sa Pilipinas ay magulo. "It was the year when Marcos was deposed, Ninoy was just assassinated, crimes spread left and right, uso ang pene bold movies, mga softdrink beauties. Anong gagawin ko rito? Para akong sinasakal. At ang gulo pa sa Pilipinas."

Sa America, kung ano-anong trabaho ang pinasok niya. "I was working for a PR office, a law office, a medical office. I studied interior decoration for 6 months. I specialized in flower arrangement for the remaining two months. Once in a while, nag-aayos ako sa mga kilala kong celebrities. My flowers are imported from China or Taipeh.

Nagbalik ng bansa si Celia noong 1996, nakagawa siya ng apat na pelikula na ang pinakahuli ay Lihim ni Madonna ni Celdo Ad. Castillo. Pagbalik niya sa bansa at muling magtrabaho bilang artista, sabi niya, "Nothing has changed. Ganun pa rin. Yon nga lang, ang dami nang bagong artista na nakikilala ko lang kung nakakatrabaho ko."

Ang ilang baguhan na sumikat ay di kilala ni Celia at ang iba rito ay nagdamdam dahil minsan, nagtanong ang aktres kung sino ang mga ito. "Eh ano naman ang masama kung sabihin kong hindi ko siya kilala? usig ni Celia. "Unless I work with them. Kung kilala na yung artista at sabihin kong ‘sino yon?’ pang-i-snub na yon!"

Mahigit tatlong dekada na sa industriya si Celia Rodriguez. Late 50s nang pasukin niya ang pelikula. Nineteen years old lang siya noon. Ipinakilala siya sa pelikulang Student Canteen noong 1957 na pinagbidahan nina Fernando Poe, Jr. at Corazon Rivas. Mula sa Larry Santiago Productions, hanggang Premiere Productions, hindi nabigyan ng pagkakataon maging lead actress si Celia bagaman dahil sa husay niya, dalawang ulit siyang nanalong best supporting actress sa Famas, Kulay Dugo ang Gabi, 1964 at Passionate Strangers, 1966.

Noong 1971, kinuha ni Mike Velarde and Associates si Celia para sa Lilet, kauna-unahan niyang lead role. Tinanghal siyang Famas best actress dito. "Lilet is one of my memorable films," sabi niya.

Sa Amerika, sabi niya, hindi sumagi sa utak niya na subukin ang Hollywood. "Ang plano ko lang doon, to remain anonymous, to take care of my children, Angelo, Camille and Jacqueline, and to survive. Well of course, kilala ako ng Filipino community doon, lalo na sa Eagle Rock. But I learned a lot in the States, gaya ng pagtatapon ng basura, pagluluto at pagda-drive."

Isa sa pinakamagandang nangyari sa kanya sa Amerika ay ang pag-convert niya mula sa pagiging Roman Catholic sa pagiging born-again Christian. "I became a Christian in 1993. My daughter Jacqui became instrumental. Ang daming changes sa ugali ko. I am more matured now. I am more tolerant to the fault of others. I am more understanding. Before, I speak my mind regardless of who rule this earth. May pagka-taklesa ako noon. Pero ngayon, iniisip ko muna ang sasabihin ko dahil baka ako makasakit ng damdamin. When you become a Christian, you cease to become a people-pleaser. You become a God-pleaser."

Noong 1995, sa gulang na kinse, namatay si Jacqui, bunsong anak ni Celia. "When I lost my daughter, I did not question God. It took me months bago ko natanggap na wala na siya. I’m still mourning for her. A mother will not stop mourning until her own death. Hindi ko kinuwestiyon si Lord dahil ipinakita niya sa akin kung bakit. Ipinahiram ko lang siya sa iyo para magbago kayo, sabi niya sa akin. Masuwerte ka dahil binigyan kita ng anghel (Jacqui), para baguhin ka. Sabi ko kay Lord, you know what is in my heart. You know, up to now, I’m still bleeding. But although you broke my heart many times, you never broke my spirit. It will always remain intact because you have always been supporting me. Parang sinabi ni Lord sa akin, ‘Ipinakilala ka ng anak mo sa akin, huwag ka nang umalis, just cling to me."

Sa ngayon, sabi ni Celia, ang kalakasan niya ay nakapokus na lamang sa kaligtasan niya’t pamumuhay.

vuukle comment

BAYANG IMPASIBOL

BIGLANG SIBOL

CELIA

CELIA RODRIGUEZ

JACQUI

NIYA

PILIPINAS

SABI

WHEN I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with