^

PSN Showbiz

Ipinakikilala: Tasha, Andoy Muhlach

- Veronica R. Samio -
Ma-drama rin ang kapanganakan ng kambal nina Aga at Charlene Gonzales Muhlach na sina Atasha Aaron (Atasha, the girl) at Antonio Andres (Andoy, the boy) nung Nobyembre 5. Patungo na sa Makati Medical Center ang mag-asawa nang magkaroon ng blackout sa buong Luzon. Hindi ito naging dahilan para magkaroon ng pagbabago sa oras ng delivery ni Charlene. Katunayan, they arrived in the hospital 30 minutes before her scheduled caesarean section operation.

Si Tasha ang ate. She arrived two minutes earlier than Andoy at 5:06 n.u. Mas malaki at mabigat si Andoy (5.13 lbs. and measured 47.5 centimeters. Sa kanyang kakambal, 5.5 lbs lang si Atasha at may sukat na 47 centimeters.

Kinuha ni Aga ang pinaka-magagaling na doktor para sa panganganak ni Charlene. Sina Drs. Greg Pastorfide and Archie Banzon (ob-gynes), Dennis Garcia and Marilou Martinez (pediatricians), Remedios Suntay, Rosario Cloma, Cely de Jesus (anaesthesiologists) at Lizzie Honrado (special assistant).

Bagaman at hindi pa nakikita kung anong pisikal na kaanyuan ni Aga ang namana ng kanyang mga anak, pero mahahaba ang mga daliri at binti ng mga ito na tulad ng kanilang ina, wala itong pagsidlan ng kagalakan sa pagdating ng kanyang mga anak.

"Hindi ko ma-describe ang feelings ko. Ang alam ko lang mahal na mahal ko sila at lalo kong minamahal si Charlene sa pagbibigay niya sa kanila sa akin," aniya.
*****
Inabot din ng tatlong taon bago lumabas ang ika-4th album ng pamosong banda na Southborder. At dahil natagalan ito, ginawang ispesyal ang paglulunsad nito na ginanap sa Hard Rock Cafe at dinaluhan ng napakaraming media. Pinaka-finale ay ang major concert nila sa PSC Track and Field Oval (dating Ultra) sa Nob. 30 na pinamagatang The Way We Do –The Third Major Concert. Itatampok dito ang pinaka-malalaking hit nila ("Kahit Kailan", "Love Of My Life", "Habang Atin Ang Gabi", theme song ng pelikulang La Vida Rosa, at ang Streetboys. Gagamitan din ito ng special effects, computer graphic effects, a fabulous stage, the most modern sound system at most up-to-date lighting technology.

Ang konsyerto ay bahagi ng Nestle Non-Stop Freedom Tour. Sponsor ang Hartmann Underfashions na kung saan ay image model si Luke Mejares at Buffalo.

Mabibili ang tiket para sa concert sa mga Shell Select outlets sa halagang P50, P100, P250, P500, P1000 at P1500.
*****
Nagimbal muli ang showbiz sa pagpatay na ginawa sa isang respetadong artista na si Nida Blanca. Hindi pa man nakaka-recover ang marami sa sunud-sunod na pag- kamatay ng maraming taga-showbiz (Eddie Rodriguez, Rey Ventura, Jun Encarnacion, Ricky Belmonte, Bong Erana, Larry Mumar, Rey Canete, atbp), ay eto na naman ang isang mariing dagok na nagdudulot ng pangamba sa maraming taga-showbiz lalo’t may mga nagdudunung-dunungan at nagsasabing lahat ng namamatay ay may letrang "R" sa kanilang mga pangalan.

Syempre, masisisi mo ba ang marami na may ganitong letra sa kanilang pangalan ang natatakot na ngayon?

Nevertheles, isang matiim na pakikidalamhati ang paabot ko sa pamilya ng mga namatay. Sana ay manumbalik muli ang sigla ng showbiz at matapos na sana ang ganitong masamang kaganapan para makabangong muli ang industriya ng pelikula.

ANDOY

ANTONIO ANDRES

ARCHIE BANZON

ATASHA

ATASHA AARON

BONG ERANA

CHARLENE

CHARLENE GONZALES MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with