^

PSN Showbiz

Si Angelika, si Claudine

THE YOUNG CRITIC - THE YOUNG CRITIC ni Jennifer Miranda -
Maugong ang balita na ang re-launching ng career ni Angelika dela Cruz bilang isang film star ay ang pakikipagtambalan niya kay Robin Padilla sa isang Viva movie. Nagsu-shooting na nga raw ito. Sana ay hindi naman ito isang hard-action movie talaga dahil si Angelika ay nabuo naman ang tinatawag na popularidad sa mga fans sa pamamagitan ng drama at soap opera at bilang isang young romantic lead na pinapangarap ng mga fans bilang kapareha ng mga guwapong leading men. Sa mga action movies kasi, madalas lumabas na parang pang-dekorasyon lang o kaya pangkaraniwang tao sa eksena ang papel ng leading lady.

Mas naging popular si Angelika sa GMA 7 bilang pantapat ng network sa mga soap opera series na tinatampukan nina Claudine Barretto at Judy Ann Santos sa Dos. Parang prinsesa rin naman ang turing ng GMA kay Angelika at sa halos lahat ng importanteng shows ng Syete ay syempre headliner si Angelika. Sa pelikula ng GMA Films, Deathrow, noong nakaraang MMFF, ka-partner ni Angelika ang young lead actor na si Cogie Domingo pero ang focus ng pelikula ay nasa mga male stars tulad nina Cogie at Eddie Garcia kaya natural lamang na hindi gaanong kapansin-pansin ang papel ni Angelika.

Kahit gaano kalalaking bituin sa telebisyon, syempre iba rin ang kasikatan bilang film star. Kaya sa palagay ko mas may advantage si Angelika kung isang romantic drama ang kanyang gagawing back to the big screen project. Pero siguro naman alam ng kanyang mga career handlers ang dapat niyang maging diskarte.
*****
Bumalik na si Claudine Barretto sa kanyang original role bilang isa sa mag-aanak ni Dolphy sa ABS-CBN sitcom Home Along Da Riles, isa sa mga longest running shows sa naturang network. Matagal-tagal din nawala si Claudine sa nasabing programa na sa palagay ng marami ay iniwan ni Claudine dahil kaliwa’t-kanan ang kanyang movie at TV assignments at wala na siyang panahong mai-devote sa Home Along Da Riles. Sa tinagal-tagal ng Home Along, taken for granted na lamang ito ng mga manonood ng programa, di tulad noong araw na parang exciting pang panoorin sina Smokey Manaloto, Vandolph at Boy 2 Quizon, pero ngayon parang mga kamag-anak o kasambahay mo na lang sila at halos di mo na pansin kung walang kaguluhang mangyayari.

At ngayon, hindi ko alam ang dahilan ng pagbabalik ni Claudine. Ito kaya ay dahil kailangan ng show ng ratings o commercially bumababa na ang popularity ni Claudine at kailangan na niya ang Home Along to again boost her career. Ayon sa isa lang ABS-CBN staff, pinakamahina raw sa ratings at appeal ang soap opera ni Claudine. Mas patok pa raw ang soap opera ni Kristine Hermosa pero nangunguna pa rin daw ang pinagbibidahan ni Judy Ann.

Napapansin din ng marami na parang humihina ang hatak ni Claudine sa big screen di tulad noong magka-loveteam pa sila ni Mark Anthony Fernandez. Walang masyadong ingay ang Claudine-Rico Yan loveteam lalo pa nga nang kumalat ang balita na talagang they are having a real relationship outside their television persona. Matagal-tagal din namang hindi nakikita sa big screen si Claudine and I think it is about time Star Cinema think up a brand new role for Claudine. Yung magbabalik ng kanyang ningning as a star and studio mainstay.

ANGELIKA

CLAUDINE

CLAUDINE AND I

CLAUDINE BARRETTO

COGIE DOMINGO

EDDIE GARCIA

HOME ALONG

HOME ALONG DA RILES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with