Ara, ayaw patulan si Aiko
November 9, 2001 | 12:00am
Ayaw nang mag-react ni Ara Mina sa mga patutsada sa kanya ni Aiko Melendez sa mga talk show sa telebisyon na pinaggi-guest-an nito. Lalo lang daw masasangkot ang pangalan niya kung sasagutin pa niya ang mga naririnig niyang pasaring ni Aiko.
"Dedma na lang ako sa kung anumang maririnig ko. The more kasi na nagri-react ako, mas lalo lang humahaba yung isyu sa halip na matapos na. I dont care kung anuman ang sabihin niya against me, hindi ako apektado non dahil wala naman akong ginagawang masama," paglilinaw agad ni Ara.
Napanood din ni Ara ang isang interbyu ni Aiko kung saan sinabi nito na naaawa siya kay Ara dahil maganda naman ito pero sa may asawa nali-link. "Para sa akin, isa lang ang ibig sabihin non. Maganda siguro ako at kahit may mga asawa na sila, eh, nagugustuhan pa rin nila ako.
"Sa totoo lang, hindi ako na-offend don. Flattered pa nga ako na may mga mister diyan na nagkakagusto sa akin. Yon nga lang, wala talaga akong balak na patulan sila. Ayokong maging home-wrecker at wala akong balak na sirain ang magandang pagsasama ng isang mag-asawa.
"Eh, anong magagawa ko kung ganun kalakas ang sex appeal ko sa kanila? Wala naman sigurong masama sa ganun, di ba? Ang masama eh, kung lahat ng mga nali-link sa akin na may asawa eh pinapatulan ko," diin pa niya.
Hindi ba siya naiimbiyerna na bukod kay Aiko ay panay din ang sawsaw ni Jackie Forster sa isyu tungkol sa kanila ni Jomari? "Naku, bahala nga sila sa buhay nila. Wala akong pakialam kung gusto nila akong siraan o itsismis ng kung anu-ano.
"Basta ang alam ko, nabubuhay ako ng masaya. Wala akong tinatapakang tao. Binibigay ko ang pangangailangan ng pamilya ko, ng mga kapatid ko, ng nanay ko at hindi ko sila pinababayaan. At kung magkakaanak ako, sisiguraduhin ko rin na mapapalaki ko sila nang maayos," makahulugan niyang pahayag. (Ulat ni Leo M. Bukas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended