^

PSN Showbiz

Kaya nga ba ni Aiai ang Araneta

- Veronica R. Samio -
Kabado si Aiai de las Alas sa kanyang nalalapit na konsyerto sa Araneta Coliseum sa Disyembre 1 na pinangalanan ng kanyang writer/director sa show na si Floy Quintos ng Out Of This World Na Me, Araneta Na Kasi!

"Kabadung-kabado nga ako dahil higit ang kalakihan nito sa FAT (na kung saan ginawa ang nauna niyang tatlong concert, ang Respect Me, Seduct Me at Abuse Me) na may mga 10,000 kapasidad lamang. Ang Araneta, mahigit sa 18,000 katao ang nailalagay. Tapos wala pang dead spot. Pabilog ang stage ko, lahat ng lugar ay kailangang punuin ko. Lahat nga ng Santo tinawagan ko at dinasalan. Hindi lang sila, pati ang mga kamag-anak nila. Si Mama Mary, pati nanay at kapatid niya, hiningian ko rin ng tulong," walang biro niyang pagsasabi sa mga press na dumalo sa presscon na itinawag ng kanyang kinaaanibang Backroom, Inc.

Ang konsyerto na bale isang birthday presentation niya (she will celebrate her bithday on Nov. 11) ay magsisilbing pinaka-huli niya. Masusundan lamang ito makaraan ang tatlong taon. "Nararamdaman ko na kasi ang edad ko. Masyadong strenuous ang ganitong show. Kakanta na ako, magsasayaw pa. Yung mga malalaking foreign artists ay nagli-lip sync pero, ako, talagang live lahat. Itotodo ko na nga dahil, matagal pa bago ito masundan, siguro pag 40 years old na ako (37 siya ngayon), preferably sa CCP at kasama ang PPO, naks!

"Sana walang batang manood, para maitodo ko ang bastusan at kabalahuraan na pinaplano ko. Di bale yung mga anak ko, sanay na sila sa akin. At kung talaga namang di sila pwede, pinapupunta ko sila sa dressing room.

"Hindi naman sa pagmamalaki pero na-realized ko na na ako talaga ang pinanonood ng tao. Sa third concert ko, kakaunti ang guest ko at napasabay pa ako sa isang malaking rally. Tapos mayroon pang Miss Saigon. Pero, marami pa rin ang hindi nakapasok ng FAT," sabi niya.

Lending support to Aiai (in alphabetical order) are Pops Fernandez, The Hunks, Patricia Javier, Jaya, Manouvres, Monserrat Male Singers, Side A at Whiplash Dancers. Si Ms. Beth Martin ang musical director.

Sampu lahat ang costume na gagamitin ni Aiai.

Ang tiket ni Aiai ay nagkakahalaga ng P1575, P1260, P840, P630, P315 at P158 (kasali na rito ang 5% service charge) at mabibili sa lahat ng SM branches, Ticketnet Box Office (9115555), Backroom, Inc. (4351120/4353808/4351108 at JLF Organization (6347773 o 76).
*****
May video na si Sharon Cuneta ng kanyang awiting "Where’s The Good In Goodbye" na mapapanood sa unang pagkakataon sa ASAP sa Nobyembre 11, 12:00 n.t. sa ABS CBN. Ang awitin ay carrier single ng bagong album ni Sharon sa BMG Records Pilipinas na pinamagatang "All I Ever Want". Nagtataglay ito ng 11 awitin, 10 ang Ingles at isang Tagalog.

Sa nasabing single, nakipagtrabaho si Sharon sa international pianist na si Jim Brickman na siya ring composer ng "In Your Eyes", ang dueto nila ni Andy Lau.

Kasama sa album si Ryan Cayabyab na gumawa ng pitong awitin sa album kasama na ang title track na "All I Ever Want".

Ang "Where’s The Good In Goodbye" video ay concept at direksyon ni Louie Ignacio.

ABUSE ME

AIAI

ALL I EVER WANT

ANDY LAU

ANG ARANETA

ARANETA COLISEUM

ARANETA NA KASI

BACKROOM

GOOD IN GOODBYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with