Angelu, suporta lang ni Tanya Garcia!
November 2, 2001 | 12:00am
Si Tanya Garcia ang bagong paborito ng Viva Films at GMA 7. After Angelika dela Cruz, siya ang napisil ng Viva at Syete para ilunsad sa isang soap opera na pagbibidahan niya. And take note, support lang niya si Angelu de Leon sa nasabing soap na mapapanood.
Nakatakda ring itapat si Tanya kay Kristine Hermosa ng ABS-CBN. Kung hindi mababago ang plano, magkakatapat ang kanilang drama shows simula ngayong November.
"I know na dumating na rin yung time na pinakahihintay ko. Kumbaga, nagbunga na rin yung mga paghihirap ko after almost five years," excited na sabi pa sa amin ni Tanya nang makapanayam pa namin siya.
Handa na ba siyang tapatan si Kristine at ang program nitong Pangako Sa Yo?
"Alam kong mahirap, pero kung ano ang maging plano at desisyon ng Viva at GMA, yon ang susundin ko. Nakakaarte rin naman ako, at yon ang masasabi kong weapon ko.
"Im not saying na hindi nakakaarte si Kristine, sa totoo lang, malaki na rin ang improvement niya. Nagkasama na rin kami before sa ABS dahil naging miyembro rin ako ng Star Circle," aniya.
Mabuti naman daw at napapayag si Angelu na mag-support sa kanya? It would be recalled na tumanggi si Angelu na mag-support kay Judy Ann Santos sa drama soap nito, pero sa kanya ay pumayag ito?
At ano nga ba ang feeling na siya na ngayon ang apple of the eyes ng GMA at Viva na dati-ratiy solo lang ni Angelu?
"Malaki ang pasasalamat sa akin at pumayag si Angelu. Kumbaga, Angelu de Leon na siya. Ilang beses na siyang nagbida at marami na rin siyang napatunayan. Kaya di pa rin ako makapaniwala," sabi na lang niya.
And as we all know by now, si Dingdong Dantes na rin ang bagong ka-loveteam ni Tanya na siyang ipu-push ngayon ng Viva at GMA. (Ulat ni Robert Perez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended