Ang susunod na 'hari ng komedya'
November 2, 2001 | 12:00am
Marahil, siya ang maituturing na pinaka-talented na anak ni Dolphy dahil sa pagiging grand slam awardee for best supporting actor para sa pelikulang Markova. Pinuri rin ang acting niya sa Radyo nang ipalabas ito at posibleng mag-best actor siya sa isang taon. Si Jeffrey Quizon na kaya ang siyang hahalili sa tatay niya bilang "Hari ng Komedya"?
"Parang nakakagulat namang ako ang maging successor ng father ko," sabi ni Jeffrey sa taping ng Biglang Sibol, Bayang Impasibol, Channel 7, sa Sta. Mesa noong Lunes.
"Feeling ko, parang wala pa akong napapatunayan talaga. Tsamba lang yung pagtanggap ko ng Markova at Radyo. Mahirap mapantayan ang daddy ko. He is well-rounded performer. From stage dancing, he rose to become a great comedian. Hindi siya ganun kagaling kumanta, but when he sings, hindi siya nawawala sa tono. Moreover, nandito pa siya after so many decades, di ba? Mahirap siyang mapantayan talaga."
Pitong awards ang natanggap niya para sa Markova. Bading ang papel niya rito. Bading din ang papel niya sa Bakit Di Totohanin? Balitang ang daming offer na gay roles sa kanya, pero tinatanggihan na niya ito ngayon.
"Hindi naman," sabi niya. "Na-advice-an lang ako ng pamilya. Sabi ng father ko, wag na muna. Sabi niya, Napatunayan mo na sa side ng craft mo yan, na kaya mong gawin, wag mo nang sagarin doon. Baka yan na lang ang maging role mo! So, for now, Im waiting for the right project, like what I did in Radyo."
Habang walang pelikula, may regular TV show nga si Jeffrey, Biglang Sibol, Bayang Impasibol sa direksyon ni Jeffrey Jeturian. "I play the role of Epoy here. Epoy is the hyperbolic expression of myself, yung pagiging mishievous ko, yung pagiging rebelde ko, nilagyan ko lang ng exaggeration."
May kinalaman ang karanasan niya noong kabataan niya sa pagiging mischievous niya at pagiging rebelde. Noong siyam na taong gulang siya, 1982, iniwan ni Dolphy ang pamilya nila. "Apat kaming magkakapatid, si Ronnie, Eric, Madonna and me. Ang mother namin, si Pamela Ponti, screen name niya. Her real name, Alice Smith. Bale kami yung third family ng father ko. Ako ang bunso sa magkakapatid. Dumating ako sa point na nagkaroon ako ng tampong anak. Nagkaroon ako ng pagka-rebelde sa kalooban ko. I was 9 years old when my father left us, to live with Alma Moreno."
Noong 1985, nagtangkang magpakamatay si Jeffrey "I was 12 years old then, I almost shot myself with a gun. At a young age, I was not ready to face a family problem. I kept it on my own. I didnt tell anyone. Naipon siya nang naipon. Nagkulong ako sa kuwarto. Kapapanood ko lang noon ng The Deer Hunter na nagpakita ng Russian roulette. It was a family gun, a 5-chamber Smith and Wesson gun. Nag-iwan ako ng isang bala. Humarap ako sa salamin, iniumang ko sa sentido ko. Pag pumutok ka ibig sabihin, wala kang kuwenta. Pag hindi ka pumutok, probably, may purpose ka in life! Kinalabit ko ang gatilyo, hindi pumutok! Bigla kong binitiwan ang baril! Nag-iiyak ako ng dalawang oras sa harap ng baril sa lapag. Siguro nga, may purpose ako sa mundong ito. After that experience, lumalim nang lumalim ang mga binabasa ko, especially books on Philosopy."
Disisyete anyos si Epoy (palayaw niya) nang lumabas siya sa pelikula, sa Og Must Be Crazy na pinangunahan nina Dolphy at Zsazsa Padilla. Taon 1991 iyon. "Doon ako naging close kay Zsazsa who eventually lived with my father," sabi niya.
Nang sumunod na taon, 1992, ipinagbili ng pamilya ang bahay nila sa Blueridge. Nagpasyang magbalik ang mother nila sa America. Ang apat na magkakapatid ay nag-solo-solo na. "Happy naman ang mother ko living alone in California," sabi ni Epoy. "She has been there for ten years at mga four times ko pa lang siyang nadadalaw. When I won at the Metro Manila Film Festival, tinawagan siya agad ng brother kong si Ronnie long-distance. She congratulated me. Napaiyak ako nang mag-usap kami."
Taong 1995, nagkaroon ng relasyon si Jeffrey sa isang babae, non-showbiz. Nagbunga ang relasyong iyon, isang batang lalake na anim na taong gulang na ngayon. "I was 22 then, it was the peak of my adulthood. What happened between me and the girl was an accident. I consulted a priest about the matter, at sabi ng pari, A mistake cannot be corrected by another mistake. She was a very smart woman. Kaya siguro hanggang ngayon, na-retain namin yung friendship and all. Ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na suportahan ang anak ko. This past 2 or 3 months, ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na makita siya. I am trying to win his heart and make up for lost time," sabi ng aktor na kumuha ng kursong Humanities sa De La Salle, Taft.
Nagkaroon din ng relasyon si Jeffrey kay Giselle Toengi. Nakapareha kasi ito ni Eric Quizon sa isang pelikulang kinunan sa America, Pagdating ng Panahon (kanta ni Mike Hanopol) noong 1996. "I just finished a 4-year relationship with G. Gusto ko munang magbakasyon sa commitment. Siguro, pina-familiarize ko muna ang sarili ko sa career ko ngayon. Iwas-intriga muna."
Sabi ni Epoy, 18 silang lahat na magkakapatid. "But we never see ourselves as half-brothers. Ang trato namin sa isat isa, dugo. Once a Quizon, always a Quizon. Maski iba ang nanay namin, alam namin, we came from the same root. I didnt know life without half-brothers and half-sisters. Nakalakihan ko na yon."
At itinuturing ba ni Jeffrey na ang tatay niyang si Dolphy ay babaero o womanizer? "No," diin niya. "I consider him a lover. He can easily love. Mapagmahal siyang tao, talaga, sa kapwa, sa mga bata. He was born under the Leo sign, Leo the lover," pagwawakas ng 28-anyos na anak ni Dolphy.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended